I sniffed so I can control my sob. Mabilis lang din akong umiwas sa yakap niya at sumandal sa upuan pero nakatingin pa rin ako sa kaniya.
“Manunulat ka 'no? Ang powerful ng sinabi mo. Siguro gumagawa ka ng mga tula na may malalalim na salita at kahulugan. Ang galing, nakakamangha.” Nakangiti kong usal. Nakatitig lang siya sa akin at mas maliit na ngiti sa labi.
“Hindi ako silang manunulat, ngunit salamat, Aecy.” Aniya.
Umiwas na lang ako ng tingin dahil nakakatunaw ang tingin niya.
“Uhm... Gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko, hindi dapat kita hinalikan.” Napayuko ako.
Napatingin naman ako nang hawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil.
“Wala iyon sa akin, kakaiba ka talaga. Isa pa, wala naman akong kasintahan.” Aniya.
Pinanood ko lang kung paano niya pisil-pisilin ng marahan ang kamay ko.
“Hindi natuloy yung sinasabi mo kanina, ibig mo bang sabihin matagal mo na siyang gusto?” Napatingin ito sa'kin kaya nagtagpo na naman ang mga mata namin.
“Matagal nang hindi ang sagot doon, ngunit nagsalita lang si Don Juan at hindi ko natuloy tapos umalis ka na rin naman lagi. Hindi ko rin alam kung anong dahilan ngunit nagising na lang ako isang araw na hindi ko na nararamdaman ang parehong pakiramdam na naramdaman ko sa kaniya noon. Napagtanto na hindi siya ang babaeng pinapangarap ko lalo pa unti-unti ko ng nakikita ang tunay niyang ugali.” Paliwanag niya.
Parang sumigla ako ulit. Parang nabuhayan ang puso ko. Parang umaliwalas muli ang paligid matapos ang ulan.
“Paano ang kasal niyo?”
“Kakausapin ko si ama. Sasabihin ko ang totoo kong nararamdaman.” Aniya. Napangiti ako sa kaniya.
May lakas ng loob siyang magpakatotoo, sana gano'n din si Katrina. Ang hirap kayang matali sa relasyon na hindi mo naman ginusto.
“Gusto mo na umuwi?”Tanong ko sa kaniya.
“Ikaw, gusto mo na bang umuwi?” Umiling din ako.
Gusto kong sulitin ang pagkakataon na 'to na magkasama kami.
Kinuha ko ulit ang earphones ko na tinanggal ko kanina. Sinalpak ko iyon sa cellphone ko, binigay ko sa kaniya ang isang bud at sa akin ang isa. Pero tinignan niya lang iyon kaya ako na ang nagsalpak sa tainga niya.
Ginawa ko rin.
“Alam mo, gawa 'to sa bansang pinagmulan ko. Doon usong uso na yung mga awit na modern at gusto kong iparinig sa'yo ang paborito kong awitin.” Pinatugtog ko ang Got to Believe in Magic ni David Pomeranz.
Natawa pa ako nang gulat ang reaksiyon niya. Gulat din siyang napatingin sa akin.
“Damdamin mo lang yung awitin kahit hindi mo maintindihan ang sinasabi. Maganda yung tugtog 'no, paborito ko 'yan.” Kwento ko.
Kahit naguguluhan ang kaniyang mukha ay pinakinggan niya pa rin ang kanta.
𝑇𝑜𝑑𝑎𝑦, 𝐼 𝑟𝑒𝑎𝑙𝑙𝑦 𝑔𝑜𝑡 𝑡𝑜 𝑏𝑒𝑙𝑖𝑒𝑣𝑒 𝑖𝑛 𝑚𝑎𝑔𝑖𝑐.
𝐼 𝑤𝑎𝑛𝑡 𝑡𝑜 𝑎𝑛𝑦𝑜𝑛𝑒 𝑡𝑒𝑙𝑙 𝑚𝑒 ℎ𝑜𝑤 𝑡𝑜 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑓𝑖𝑛𝑑 𝑟𝑒𝑎𝑐ℎ 𝑜𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑖𝑛 𝑎 𝑤𝑜𝑟𝑙𝑑 𝑡ℎ𝑎𝑡'𝑠 𝑓𝑢𝑙𝑙 𝑜𝑓 𝑠𝑡𝑟𝑎𝑛𝑔𝑒𝑟𝑠. 𝐼 𝑤𝑎𝑛𝑡 𝑡𝑜 𝑘𝑛𝑜𝑤 𝑤ℎ𝑦 𝑜𝑓 𝑎𝑙𝑙 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒, ℎ𝑒 𝑤𝑎𝑠 𝑡ℎ𝑒 𝑠𝑡𝑟𝑎𝑛𝑔𝑒𝑟 𝐼 𝑚𝑒𝑡.“Napakaganda ng musika. Sadyang kakaiba.” Usal niya. Napangiti naman ako.
He said he wants me to know well, now he knows my favorite song.
ISANG LINGGO na ako rito at napapalapit kami ni Sebastian pati ang buong pamilya niya.
Nung isang araw lang ay kinausap niya ang ama niya, ang tugon lang ni Don Jacinto ay siya na raw ang bahalang gumawa ng paraan.
Si Katrina, mukhang malabo na pakinggan siya ng kaniyang ama. Lalo pa nalaman ko ngayon ang secret niya, dalawang buwan na silang magkarelasyon nung Winchi At secret lang daw nila 'yon, ako at si Sebastian lang ang nakaka-alam.
Grabe, sa kaniya siguro ako magmana HAHAHAHAHAHAHAHA.
“Tayo na sa kumbento, Binibining Aecy.” Napatingin ako kay ate Elizabeth na nasa may pinto.
Tinanguan ko siya at nilagay ang malaking pulo sa ulo ko, mukha akong madre rito na tanging mukha ko na lang ang nakikita.
“Napaka-ganda mo pa rin.”hangang sabi niya.
Nginitian ko lang si Ate Elizabeth.
Sa isang linggo ko rito ay alam ko na ang mga edad nila. Si Manuel ay 28, si ate Elizabeth ay 26, si Sebastian ay 24, si Katrina ay 22 gaya ko, at si Martin ay 11 years old. Si Martin ang may pinakamalayong agwat kaya literal na baby siya rito. 54 years old na si Don Jacinto, 52 naman si Donya Elena.
Dalawang taon lang ang tanda naming dalawa ni Sebastian.
“Naghihintay na sa baba ang punong madre, magmadali kayo!” Napatingin kami nang pumasok si Donya Elena sa silid ko.
Sabay kami na bumaba ni ate Elizabeth. Linggo ngayon, at ngayon din ang araw na pupunta kami ng kumbento.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasía"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...