ʚChapter 11ɞ

31 3 0
                                    

“Tayo'y narito ngayon at sama-sama upang ipagdasal ang ating sarili, pamilya, kaibigan, at ang mundo.”

Sandaling tumahimik ang buong paligid habang nakatayo kami.

Nagdidikit ang mga braso namin ni Sebastian dahil puno ang simbahan, kami pa ang magkatabi dahil kinuha nung Gabriel si Katrina kanina na dapat siya ang katabi ko ngayon.

Ramdam ko rin ang pag-iwas ni Sebastian na magdikit ang mga braso namin.

Very conservative talaga sila sa panahon na 'to.

“Tayo'y magsi-upo.”Utos ni father na ginawa ng lahat.

Pero mas lalo lang nagdikit ang mga braso namin ni Sebastian kahit pa makapal ang sleeve ng baro't saya ko ay ramdam ko ang mga braso namin.

Lumilipad lang ang utak ko habang nagmimisa, nagugulat na nga lang ako kapag tumatayo sila eh tapos uupo.

Oo na! Hindi na ako nakikinig!

“...Gayonpaman ay batid kong man kahit ilang beses na nawasak ang ating sarili, ang ating puso at kaluluwa... Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli.” Misa ni father.

Napatingin ako sa katabi ko na taimtim na nakikinig sa sinasabi ni father.

“Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin.” I said out of the blue.

Napatingin ito sa akin. Ngumiwi siya.

“Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?” Bagsak ang balikat akong napa-iwas ng tingin.

Pati sinaunang tao hindi tinatablan ng pick-up line.

Kulang kulang? So sinasabi niyang bâliw ako??? The nerve! 'Yon ang dating sa'kin ng pagkakasabi niya.

I crossed my arms again and didn't bother to look at him. Kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin pa rin ito sa'kin.

“Binibin—Shh! Nagmimisa si father.” Putol ko sa sasabihin niya.

Magsasalita pa sana siya ng tignan ko siya ng masama. He pursed his lips and look back to father.

I don't know if prayle or pari ang tawag na nila dito, I don't care kung hindi niya naintindihan yung father.

“Katrina, maaari mo bang tanungin ang binibining Aecy kung bakit hindi ako kinakausap? Tapos na ang misa lahat lahat ay hindi niya pa rin ako kinikibo.” Nakatigil kami ngayon sa gitna ng simbahan dahil hindi raw kami lalabas ng simbahan hangga't hindi ko siya kinakausap.

Parang kaming magjowa na nagq-quarrel psh!

“Bakit daw binibini?” Tanong ni Katrina. Napatingin ako sa kaniya.

“Wala lang ako sa mood.” Tipid kong usal.

“Wala kang modo?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Sebastian.

Sumusobra na siya!
Sinamaan ko ito ng tingin.

“Anong wala akong modo???” Tumaas ang boses ko dahilan para mapatingin sa amin ang ibang tao.

“Hindi ba ang salin sa Tagalog ng iyong tinurang salita ay modo? Kung ganoon ay ikaw ay wala sa iyong modo.” Aniya.

“Hoy iba kaya pagkakasabi mo kanina! Sabi mo wala akong modo, magkaiba ang ibig sabihin no'n!” Naririnig ko nang tumatawa si Katrina pero hindi ko siya pinansin.

Magkaiba naman talaga 'yon! Iba yung sinabi niya nung una, insulto 'yon eh.

“Ang sabi ko binibini, wala sa modo, iyon.” Malumanay niya pang paliwanag. Inirapan ko na lang siya at bumuntong hininga.

“Ginoong Sebastian, narito na pala kayo sa maynila. Maligayang pagbabalik.” Napatingin ako nang may magsalita.

Isang matandang madre ang may hawak na rosaryo at nakatingin sa akin.

Familiar ang itsura niya, parang nakita ko na siya. Hindi ko lang sure kung saan sa panahong ito.

“Kababalik lamang namin kanina, Madre Teresita. Kinagagalak kong muling makita ang punong madre.” Nag-bless si Sebastian doon sa madre gayon din si Katrina at Gabriel maliban sa'kin.

Hindi ko naman kasi siya kilala eh.

“Bakit?” Taka kong tanong sa kanila nang nakatingin silang lahat sa'kin.

“Ikaw ay magmano rin, binibining Aecy.” Usal ni Katrina.

Napatango ako at lumapit din sa madre at hinawakan ang kamay niya pero parang nakuryente lang ako kaya nabitawan ko siya.

“Bakit binibini?” Hindi ko pinansin ang sinabi ni Sebastian.

Napalunok ako nang makilala ko siya.

Siya yung nagbigay sa akin ng libro! Nakita ko siya nang gabing iyon, siya ang matandang humawak sa kamay ko bago siya umalis.

Siya ang dahilan kung bakit ako nandito.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon