ʚChapter 34ɞ

15 1 0
                                    


“Babae ka lang! Huwag mo akong sabihan ng mga bagay na walang katuturan.” Natatawa niya pang usal.

Mabibigat ang ginagawa kong paghinga. Mas dumiin lang ang hawak ko sa mga kamay ko.

Babae lang ako?! ISANG BABAE LANG? LANG?

Pagak akong natawa.

“H-Hindi ako b-babae lang. Isa akong mamamayan, anak ng aking mga magulang, tunay na kaibigan ng aking mga kaibigan, may prinsipyo, at may dangal. Hindi ako babae lang! May pangarap ako para sa sarili ko, kaya kong gawin ang mga bagay na kayong mga lalaki lang sa panahon na 'to ang gumagawa. Hindi ako babae lang. Isa akong babae na nakatayo sa harap mo ngayon na may katapangang dinadala habang sinasabi ang mga salitang 'to. Isa akong babae na kahit natatakot ay nagsasalita ngayon, isa akong babae na handang harapin ang kung ano mang pagsubok ang iharap sa akin. Wala ako lang!” Buong lakas kong singhal sa kanila.

Tinuro ko ang sako na nakasabit pa rin sa puno.

“At hindi siya salôt, hindi siya hàmpàs lupa, hindi siya delûbyo, at hindi siya dem0nyo! Siya ay ANAK MO, siya ang batang minsang pinakain at pinabihis mo, siya ang minsang naging dahilan kung bakit ka kumakayod. Anak mo siya at nagmula siya sa'yo.” Patuloy akong umiiyak habang matapang na nakatingin sa mga mata niyang samu't sari ang emosyon.

“Sana lang mapagtanto mo na anak mo siya, dahil masakit para sa isang anak ang kalimutan ng kaniyang sariling ama dahil lang sa kasarian niya. You don't know how much amount of pain you've bring to an innocent person who just want to be accepted.” Dagdag ko

Alam kong paulit-ulit na lang ako pero hindi ako mapapagod na sabihin ang pagtanggap.

Because that's all he want. That's all he demand. That's all he crave. That's all he need.

A gay who's part of this world, needs to be accepted by different beliefs, practices, behaviors, and even different perspectives. They are deserving to be recognized as one of us, an individual, person, and people of humanity.


“Nagpapatawa ang binibini. Batid niyang siya ay nawawala sa kaniyang katinuan. Huwag mong sabihin sa amin na tumatalikod ka sa Panginoon.” Hindi ako makapaniwala sa kaniya.

Makitid ba ang utak niya at hirap na hirap siyang intindihin ang pinupunto ko?

Isa bà talaga itong Ama?! Anak niya ba talaga 'yan?!

Naramdaman kong lumuwaygay ang buhok ko, natanggal siguro ang tali ko at hindi ko napansing nasama nung tinanggal ko ang balot sa ulo ko.

“Hindi mo ba ako naiintindihan?” Tanong ko sa kaniya.

“Ano bang saysay na intindihin ang isang estrangherang babae na walang napapatunayan? At ang balasûbás kong anak na ni isang beses ay walang napatunayan.” Humakbang ako ng isang beses papalapit sa kaniya. May kalayuan pa rin sa akin.

“'Yon ay dahil ayaw mo siyang bigyan ng tyansang patunayan ang kaniyang sarili. ” I stopped.

I pointed at him. “At 'yon ay dahil wala kang alam!” Binaba ko ang daliri ko nang manlaki ang mga mata niya.
I get the satisfied I want.

I faced the people who's intensely watching me. I looked them in the eye and looked back at him.

“Maraming mga bakla... o pusong babae ang kilala ko na may napatunayan sa buhay at maraming tumatanggap. Si Vice Ganda, grabe yung tagumpay na nakamit niya sa buhay. Isang komedyante, isang host, isang unkabogable, isang noon ay nangarap lang pero ngayon marami ng nagmamahal. Si Paolo Ballesteros, kilala bilang queen of drag queen dahil sa kahusayan niya sa pagt-transfrom ng sarili niya into different persona. Ang daming pusong babae ang minamahal at tinatanggap na ng mga tao sa panahon ko. Wala akong pakialam kung hindi niyo 'ko naiintindihan pero ang gusto kong iparating sa inyong lahat ay hindi kasalanan ang tumanggap, hindi humihingi ng kahit anong bayad ang pagtanggap, hindi ka mawawalan sa oras na tinanggap mo ang tulad niya. Hayaan niyong tulad ninyo, ay buhayin niya rin ang buhay niya, maging masaya, mangarap, tumawa, ngumiti, at ano pa. He deserves to be treated fairly and unbiased.” Humihikbi na ako nang tumigil ako.

Napansin ko ring napaluha ang ama niya pero pinunasan niya lang 'yon at inilingan ako.

Muli niyang nilatigô ang sako kaya nanlaki ang mga mata ko.

“Walang hiya ka! Wala kang kwenta! Kahihiyan ka sa pamilya at sa mundong 'to!” Paulit-ulit siyang sumisigaw habang walang habas na nilalatigô ang sako.

Rinig na rinig ko ang nakakaawa niyang iyak, ang pigil niyang sigaw, at bawat daing na puno ng hinanakit.

Stubborn na kung stubborn but I can't just watch him d!e in front of me.

Akmang lalapit ako nang may humawak sa kamay ko. Pagkaharap ko ay nakita ko si Sebastian na malungkot ang expression.

“Huwag kang tumungo ro'n, masasaktan ka.” Usal niya. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at hinawakan ang dalawa niyang kamay.

Sa wakas dumating siya, may kakampi na ako, may kakampi na kami.

“S-Sebastian, sa wakas nandito ka. Tulungan natin siya please, hindi ko kayang panoorin 'to. Tulungan natin siya.” Pagmamakaawa ko at muling umiyak sa harap niya.

Parang nagpipigil din siya ng mga luha niya. Hinawakan niya rin ng mahigpit ang mga kamay ko.

“Gusto ko  pero wala ako sa posisyon upang gawin yan. Hindi ko maaaring tutulan iyon dahil hindi ako isang kabilang ng pamahalaan.” Nabitawan ko siya.

Naririnig niya ba ang sinasabi niya?

Napalunok ako at napaatras sa kaniya.

“A-Anong sinasabi mo? Do you hear this?! Naririnig mo ba ang iyak ng batang 'yon? Naririnig mo ba kung paanong ang boses niya ay humihingi ng tulong? Sebastian, nakikiusap ako, tulungan natin siya.” Tumakas na naman ang luha mula sa mga mata ko. Yumuko lang siya at kalaunan ay umiling.

“B-Bakit?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Bakit siya tumatanggi?

Hindi ba siya naaawa? O gaya lang siya ng mga gahamang tao rito na walang pakiaalam?

“Anak lamang ako ng Alcalde Mayor, wala akong posisyon.” Hindi ako mapaniwala! Hindi mo naman kailangan ng position para magpakatao eh.

Napabuntong hininga ako at pagak na natawa.

“T-Tulad ka rin nila... Hindi mo rin ako n-naiintindihan, hindi mo rin naiintindihan ang b-batang 'yon, ang b-batang yon Sebastian.” Utal utal kong usal.

Akmang hahawakan niya ako ng iwaksi ko lang ang kamay niya. Napatingin ako sa ama niya at patuloy niya pa ring nilalatigô ang sako.

“Anong iniisip mo, A—Aecy?” Hindi ko pinansin si Sebastian.

Patuloy ako sa pagluha.

“Para kay Mark, para sa mga tulad nila na natatakot ipakita totoo nilang pagkatao, para sa mga tulad nila na walang lakas ng loob.” Bulong ko sa sarili at mabilis na tinakbo ang pagitan ng sako at pwesto ko.

Parang bumagal ang takbo ng paligid. Unti-unti ay napapalapit ako sa reyalidad ng buhay, na sa kahit anong panahon ay walang tunay na kaginhawaan. Na kahit anong pilit mong iwaksi ang katotoohanan ay hindi mo magagawa, dahil may puso ka at awa. At handa kang masaktan para sa nangangailangan.

Umiiyak kong niyakap ang sako dahilan para mapaliyad ako sa sobrang lakas ng paghâmpâs sa likod ko ng latigô. Muling bumagal ang galaw ng paligid, ang paggalaw ng katawan ko kasabay ng sako dahil sa malakas na impact ng hàmpàs na 'yon. Ang mabagal na sigaw ng mga tao, ang mabagal na pagtawag sa pangalan ko ng mga taong nakakakilala sa akin. Mas lalo akong naluha sa sakit na naramdaman.

Ito, ito pala ang pakiramdam ng batang 'to. Masakit, makirot, nakakawala ng lakas.

Hindi mo talaga mare-realize kung gaano kasakit ang isang bagay kung hindi mo ito mararanasan. Kung hindi ka mapupunta sa sitwasyong iyon.

Para akong iniwan ng kaluluwa ko dahil sa sumunod na hàmpàs sa'kin ng latigô. Ramdam ko ang pag-agos ng dûgo ko.

Pero gaya ng batang 'to na hindi sumuko sa dami ng hàmpàs na 'yon, bakit ako susuko sa dadalawang hàmpàs lang?!

Muling bumalik sa normal na galaw ang lahat. Pati ang panglalatígô ay natigil.

Kahit nanghihina ay hinarap ko ang ama niyang umiiyak na ngayon at nabitawan ang latigo.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon