ʚchapter 17ɞ

23 3 0
                                    

Napahinto ako sa paglalakad nang makita si Sebastian na nakangiti habang nakikipag-usap doon sa isang matandang lalaki.

I knew it! Don Zandro was the old man he was talking to sa port kanina. Yung father ni Gabriel.

Pinapanood ko lang si Sebastian at parang nadadala ako ng ngiti niya.

“Binibini? Pumasok na po tayo.” Napunta ang tingin ko kay Lushia. Medyo bata ito sa'kin, siguro I'm 3 years ahead from her.

“Mauna ka na. Dito lang muna ako, gusto ko munang magpahangin.”

Alinlangan pa ito pero tumango rin at umalis na.

Bumalik ang tingin ko kay Sebastian na nasa ibang direksiyon na nakatingin ngayon.

Nasa labas ng gate nila ang tingin niya, napunta rin ang tingin ko roon at pinanood ko ang isang guwardya na buksan ang pinto ng karawahe.

Isang magandang babae na naka-kulay berde ang baro't saya. Nakapusod din ang buhok niya at makalal ang lipstick. She's morena but she's pretty. She looks sophisticated and intimidating.

Nakita ko pa paanong lumawak ang ngiti niya nang magtinginan sila ni Sebastian.

Mabilis siyang naglakad papalapit kay Sebastian. Nilahad nung babae ang kamay niya sa harap ni Sebastian, kinuha naman niya iyon at hinalikan.

“Wow! Napaka-gentleman! Pwede namang kamayan niya lang eh.” Bulong ko sa sarili habang pinapanood pa rin sila.

Tumaas ang sulok ng labi ko nang macornihan sa expression nung babae.

“Pabebe naman masyado, Hindi naman bagay hmpp.” Inirapan ko siya kahit hindi niya naman nakikita.

Tinignan ko ang suot ko, di hamak na mas maganda naman ang akin 'no.

Bumalik ulit ang tingin ko sa kanila pero nanlaki ang mga mata ko nang nakatingin sa'kin si Sebastian. Hala!

Mabilis akong naupo sa sahig, pinag-cross ko ang mga legs ko at nilagay ang mga kamay sa magkabilang tuhod.

“Calm yourself. Meditate. Relax.”
Ramdam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao kaya pinikit ko na lang ang mga mata ko.

I pursed my lips and slightly bowed my head. “Nakakahiya gosh!” I murmured to myself.

Kasalanan ng babaeng 'yon ito!

“Aecy, anong ginagawa mo sa sahig?”

Sinilip ko siya gamit ang isa kong mata.

“Nagtatawag ng mga kaluluwa para damayan ang puso kong nanlalamig.” Tugon ko at pinikit ulit ang mga mata ko.

“Sus maryosep! Patawarin ka sana ng Panginoon.”

Kumunot ang noo ko sa boses na 'yon, boses palang nakakainis na.

Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko yung babaeng 'yon na nasa tabi ni Sebastian habang nakatingin sa akin.

“Tila siya ay gustong magpasapi sa mga masasamang ispiritu, Sebastian. Tawagin ko na ba ang aming kasambahay na isang albolaryo?” Tumaas ang kilay ko.

Mabilis akong tumayo at hinarap yung babae.

“Hindi ako nagpapasapi, meditation ang tawag dito for your information.” Mataray kong asik.

Gulat naman ito nang harapin ako pero tinaasan lang din ako ng kilay.

“Ang kapal naman ng iyong mukha upang kausapin ako sa ganiyang tono, tila ikaw ay naghahanap ng gulo rito. Hindi mo ba ako kilala? Ako si Vienna Hallado.” Nagulat ako pero hindi ko pinahalata.

Kung gano'n siya ang bride to be ni Sebastia ? Wala palang taste si Sebastian eh.

Pinamewangan ko ito kaya hindi maipinta ang mukha niya.

“Ako si Aecy Alliyah Arandia  at hindi makapal ang mukha ko, baka lipstick mo!” Banat ko.

Hindi pa rin maipinta ang mukha niya.

“Ikaw ang bunsong anak ng David at Arandia?” Gulat niyang tanong.

Taas noo akon tumango sa kaniya.

“Wala akong pakialam. Hindi ko gusto ang tono ng iyong pananalita, masyado mong pinapahalatang ikaw ay isang dukha at hindi anak ng maharlika.” Nanlaki ang mga mata ko.

Wow! The nerve she got.

Napatingin ako kay Sebastian na hindi maipinta ang mukha ngayon.

“Required na ba manabvnot sa panahon niyo? Nakakapikon 'tong brvhang 'to eh.” Kumunot ang noo niya.

“Bahala kayo! Edi magsama kayo.” Inirapan ko si Sebastian at umalis na.

Agad kong hinila si Katrina na nanonood sa terrace nila nang makapasok ako.

“Gusto ko ng magpahinga, bes. Saan ang kwarto ko?” Kalmado kong tanong kay Katrina na tinuro ang second floor ng bahay.

Naunang umakyat si Katrina pero hanggang sa hagdan naman ang bagal pa rin maglakad.

Sinabayan ko lang siya hanggang sa marating namin ang second floor.

Nauuna pa rin siya maglakad sa'kin. Chest up, chin up at mabagal ang paglakad.

“Hays! Para naman akong ikakasal.” Anas ko at mas binilisan ang hakbang sa kaniya kaya nauunahan ko na siya.

“Bes, dito ang iyong silid. Iyan ay silid ni kuya Sebastian.” Napako ang tingin ko sa isang pintong kayumanggi ang kulay.

Oh! Second floor pala ang kwarto niya at... kaharap lang ng magiging kwarto ko!

I sounds so excited, ay  galit nga pala ako sa kaniya.

“Anong nangyari kanina at ang init ng ulo ninyong dalawa ni Vienna ” First name basis din si Katrina, halatang matagal na niyang kilala yung babaeng 'yon.

“Malamig sa labas.” Pilosopo kong usal kaya natawa siya.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa loob ng baro't saya ko, pinatong ko 'yon sa kama.

“Bes, mukhang mainit ang pagkakakilala sa'yo ni Vienna. Pinayuhan na kitang huwag magsalita ng mabilis at dapat mabagal lamang. Panigurado ay iniisip niyang may galit ka sa kaniya o hindi kaya ay naghahanap ng gulo.” Pangaral na naman ni katrina.

“Edi bahala siya sa kung anong isipin niya.” Umirap ako sa hangin at naupo sa kama.

Tinanggal ko ang suot kong kakaibang sandals at tinabi 'yon sa ilalim ng kama. Naka medyas pa rin ako.

“Bes, mahirap kung may alitan kayo lalo pa mapapadalas ang pagbisita ni Vienna rito dahil nalalapit na ang pag-iisang dibdib nila ni kuya Sebastian.” Malungkot ang expression nito nang tignan ko.

“Ayaw mong ikasal ang kuya mo?”

“Hindi sa ganoon, bes, ngunit ayaw kong maka-isang dibdib niya si Vienna. Hindi kami kailan man naging malapit sa isa't isa. Lalo pa batid kong ayaw niya rin ako para sa kaniyang kuya na si Gabriel, ayaw ko rin kay Gabriel.” Pagkwento niya.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa orasan.

Wow! May orasan na sa panahong 'yo??? At 6:24 PM na.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon