ʚChapter 72ɞ

7 1 0
                                    


Napahinto ako nang nakarinig ng maingay at nagtatawanang mga lalaki sa medyo tagong lugar.

Napatingin ako roon at nag-iimunan silang lahat.

“Kung sine-swerte ka nga naman.” Hinawakan ko ang hikaw ko at walang sabing tinanggal 'yon, this was mine, a gold earrings.

Nilapitan ko ang table nila at malakas na pinatong sa mesa ang hikaw. Napunta naman sa'kin ang mga tingin nila.

“Oh tayo'y hinulugan ng swerte ng kalangitan. Pinag-uusapan pa lamang natin kanina, narito na agad sa harap natin.”

“Maganda at makinis, ako ang mauuna sa kaniya.”

“Alfred, mali naman yata iyan. Ako ang humiling sa kaniya.”

“Manahimik kayo! Akin na ang dalawang bote ng alak na 'yan, ito bayad ko.” Nilapit ko ang hikaw sa kanila. Mabilis na kinuha iyon ng isang lalaki at pinakatitigan.

“Alfried, kokoy , Esteng. yayaman na tayo! Tunay itong ginto, yayaman na tayo!” Malakas na anunsyo nila. Habang busy silang mahibang doon at kinuha ko na ang dalawang bote ng alak.

Binuksan ko agad 'yon at tinungga 'yon habang naglalakad sa madilim at hindi ko alam na lugar. Bahala na anong mangyari sa'kin, ginusto ko 'to eh.

“T@ngina, ang tapang mo!” Kausap ko sa bote at pagak na natawa. Muli akong tumungga at pagewang-gewang nang naglalakad sa madilim na daan.

Tanging ilaw na kanina pa ako sinusundan lang ang nagsisislbing liwanag ko para makita ang daan.

Tinungga ko ulit ang bote pero wala nang laman 'yon.

“Walang kwenta! Ang bilis mong maubos!” Malakas kong binato ang bote dahilan para tumama 'yon sa may bato at mabasak, tumalsik pa sa pisngi ko ang bubog na agad ko ring inalis. Ramdam ko ang kirot no'n at naramdaman ko ang pagsirit ng dugô pero wala akong pakialam, may isang boteng may laman pa naman ako eh.

Binuksan ko rin ang bote at tumungga. Huminto ako sa paglalakad at naupo sa kalsada. Huminto rin sa pagsunod sa'kin ang liwanag, parang sinasadya talagang ilawan ang daan ko.

“Maghilom? Darating yung araw na maghihilom ako?” Napatingala ako sa kalangitan. “Naghilom nga ako pero napalitan lang din ng mas malalim na súgat.” Umiiyak kong sabi.

“Kasalanan ko bang nagmahal ako? Kasalanan ko ba kung bakit nasasabi niya sa'kin 'yon? Siguro nga. Siguro nga kasalanan ko. Kapag nagmamahal, palagi bang nasasaktan? Kapag nagmamahal, palagi bang may nagtatapos? Minsan na nga lang ako sumaya, sa maling panahon pa.” I heaved a sigh at muling tumungga sa boteng hawak.

Nahiga ako sa buhanginan at kita ko sa peripheral vision ko ang dalawang pares ng sapatos. May nakatayo sa hindi kalayuan at panigurado siya ang nag-iilaw sa'kin. Hindi ko na lang pinansin, baka yung mga lasinggero lang 'yon.

Sana pala nung nakita ko yung libro, nag-kusa na akong pumasok sa loob para makabalik sa panahon ko.

Patuloy lang na sumisirit ang luha ko habang wala sa sariling pinapanood ang dalawang pares ng sapatos na naglalakad papalapit sa akin. Huminto iyon sa tapat ko at tiningala ko ang nag-mamay-ari no'n. Liwanag lang ng gasera ang nakikita ko at hindi ang aninag ng taong 'to.

Bago ako tuluyang higupin ng antok ay narinig ko pa ang sinabi niya.






“Mas lalo mo akong pinapahirapang iwan ka, mahal ko.”

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon