Chapter 2

73 4 0
                                    

"Salamat sa dalawang taon. At 'wag mo sanang diktahan ang nararamdaman ko, dahil hindi lang 'to fulfilling the need. I just love you for real."

I wiped my cheeks and passed him by. Sinadya ko pang banggain ang balikat niya.

Bago ako tuluyang umalis ay hinarap ko ang mga tao.

"Tapos na ang palabas." Usal ko at mabigat sa loob na umalis.

Napatingin ako sa kalangitan at sisilip na ang buwan. I sighed.

Si Aecy ay mag-isa na namang uuwi.

Si Aecy ay pinaasa.
Si Aecy ay kwinestyon ang pagmamahal.
Si Aecy ay iniwang luhaan.

Lesson learned, wag nang magjowa. Lahat naman nauuwi sa hiwalayan, walang pang matagalan.

Tiningala ko lang ang langit habang naglalakad ako at ang papasilip ng buwan ay sinusundan ang bawat paghakbang ko.

"Aray!" Daing ko nang may bumunggo sa akin dahilan para mahulog ang mga dala kong gamit.

"Ano ba 'yan! Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh." Inis kong usal at pinanood ang lalaking pulutin ang mga gamit ko.

Kaya pala ang sakit ng pagkakabunggo, lalaki pala.

"Miss, mga gamit mo. Sorry hindi ako tumitingin sa daan, nakatingin ka kasi sa langit eh." Napakunot noo ko.

Aba! Ako pa may kasalanan?

Oo na! Hindi na'ko tumitingin sa daan pero pwede naman yung mga makakasalubong ko ang mag-adjust 'di ba? Hays!

"Pwede ba? Brokenhearted ako kaya wag mo na akong sisihin." Agresibo kong kinuha ang mga gamit ko sa kaniya.

Pinanood ko pa itong ilagay ang mga kamay niya sa bulsa nito. Hinahangin din ang puting polong suot niya.

"Halata nga, mugto ang mga mata mo." Umiwas ako ng tingin.

Masyado na siyang maraming napapansin.

Inirapan ko lang siya at nilampasan na siya. Nakaka-limang hakbang palang ako nang tubuan agad ako ng konsensya, aminado naman akong I have to apologize for not looking on my way and for bumping into him.

Muli kong hinarap ang pwesto namin kanina pero hindi ko nakita ang pigura nito, he's supposed walking away from me pero wala siya. Para siyang bulang biglang naglaho.

"Ha? Eh wala namang ibang daan na maliban sa diretsong kalsada na 'to?" Napatingin pa ako sa sahig at nagtataka. Yung ibang nakasalubong ko ay nakikita kong naglalakad pa pero yung nakabangga ko kanina ay hindi.

Weird.

"Hay! Ganito lang yata talaga siguro kapag broken, tsaka malay ko bang nasaan siya? Hindi ko naman pinagmasdan pigura niya." Napailing ako at naglakad na muli.

Napabuntong hininga na naman ako.

Mag-isa na naman akong uuwi sa bahay.

Mag-isa ko na namang haharapin ang bukas.

Nang makarating sa bahay ay nakasalubong ko agad si manang.

"Oh ma'am Aecy nakauwi ka na pala, narito ang iyong lola Pasing. Umuwi, hinihintay ka niya sa hapag-kainan." Para akong nabuhayan sa sinabi ni manang.

Dali-dali akong nagpunta sa dinig area at nakita ko na agad si Lola na nakikipag-tawanan kay Mommy.

Halatang matandang-matanda na ang itsura niya, 90 years na kasi ito pero malakas pa siya. May make-up pa nga at maayos ang pananamit.

"Lola Pasing!!!" Malakas kong bati at tinakbo ang pagitan namin. Huminto ako sa tabi niya at nag-mano, marahan ko rin siyang niyakap.

"Kumusta apo?" Pati ang boses niya at mababakasan mo na rin ng nginig, matanda na talaga si Lola.

"Ayos lang po, Lola. Kayo po?" Untag ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinakatitigan ako.

"Mabuti naman ako, apo. Ikaw ba ay umiyak? Ano't namumulaklak sa tubig ang iyong mga magagandang mata?" Agad akong napa-iwas ng tingin.

"A-Ano po kasi Lola, nanood kami ng sine kanina ni G-Gwen, kaibigan ko." Bakit ba nauutal ako? Umayos ka, Aecy!

Hindi alam ng pamilya mong hiwalay na kayo, mas lalong hindi alam ng pamilya mong may shota ka.

"Gano'n ba? Oh halika ka na at sumabay sa amin. Cristine, ika'y sumabay na rin sa hapunan." Tugon ni Lola sa nag-aalaga dito.

Napatingin ako kay Daddy na nagbabasa ng diyaryo. Napaka weird talaga ng pamilya ko, old-fashioned eh nasa modern generation na. Ako at ang kapatid ko lang talaga ang Gen Z.

Even our big house looks like an old house.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon