Chapter 9

39 3 0
                                    

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon. Bumukas iyon at pumasok si Sebastian.

"Narito na tayo sa Maynila, mga binibini." Usal niya.

Napunta sa'kin ang tingin niya at sandaling natulala.

"Napakaganda mo, binibini."

Narinig ko ang matinis na tawa ni Katrina at napatingin ako sa kaniya, nakatakip ito sa bibig habang tila kinikilig na nakatingin sa amin.

Kinikilig? Anong nakakakilig doon?

"Hali na kayo." Napunta ulit ang tingin ko kay Sebastian na sa akin pa rin nakatingin.

Agad naman akong napa-iwas ng tingin dahil nagtatambol ang puso ko gosh!

Kaka-break lang namin ni Kyden tapos tumitibok na naman puso ko? Kaba lang 'to, I know.

"Tara na binibining Aecy." Umakbay si Katrina sa braso ko at sabay kaming naglakad palabas ng kwarto.

"Abaniko, binibini. Ating takpan ang ating mukha sa oras na makababa tayo ng barko."

Kinuha ko ang kulay kahel na abanikong binigay niya sa akin.

Napatingin ako sa gilid ko nang sumabay sa lakad namin si Sebastian habang hawak sa kaniyang dibdib ang sombrero.

"Kung gano'n, Asy ang iyong pangalan?" Takang tanong niya.

Nagsalubong ang kilay ko, anong Asy?!

"Correction, Aecy 'yon. Vrrr!" Usal ko pa at inirapan siya.

"Aecy kung gayon." Nakita ko pa ang pagtango niya pero inirapan ko lang din siya ulit.

"Hay ang mga kababaihan talaga kapag natitipuhan ang isang lalaki, nag-iiba ang trato." Napamaang ako sa sinabi niya pero nakalayo na siya sa amin at may kinausap na naman.

He has a lot of friends!

"Natitipuhan??? Hello, kinaiinisan kita!" Matalim kong tinitigan ang likod niya.

"Si kuya Sebastian ay walang kasintahan, binibini." Nang-aasar ang tingin ni Isabela kaya inirapan ko rin ito.

Pati sa panahon na 'to uso na yung pasimpleng reto? Gosh!

Hindi ko siya magugustuhan! Itâgá ko pa sa bato. I won't fall in love with him Never. Ever!

"Ating pupuntahan ang aming ama na Alcalde Mayor ng Maynila. Panigurado ay nakarating na sa kaniya ang nangyari sa barko, ang tungkol sa'yo. Ipapakilala ka ni kuya Sebastian panigurado." Usal ni Katrina.

Ha? Eh anong sasabihin ko? Mukhang mayaman ang pamilya nila.

"Binibini, ayusin mo ang iyong lakad. Hindi nagmamadali ang isang babae sa kaniyang paglalakad." Paalala pa ni Katrina na sinunod ko rin agad.

Nakita kong binuksan nito ang pamaypay niya at tinakip sa mukha na siyang ginawa ko rin.

In fairness, mabango yung pamaypay.

Napatingin ako sa dulo ng hagdan at naroon si Sebastian na inaalalayan ang mga kababaihan sa pagbaba nila sa barko.

"Gentleman daw." Bulong ko sa hangin at pasimpleng napairap.

Nang kami na ay nilahad din ni Sebastian ang kamay niya sa akin pero hindi ko iyon kinuha. Napalunok ako sa huling baitang ng hagdan at alangin 'yon, no way!

I don't need help for this, kayang kaya 'to.

"Amputcha!" Bulalas ko nang matapilok ang paa ko sa biglang pagbaba ko sa hagdan.

Mabilis namang hinawakan ni Sebastian ang braso ko at nagkalapit ang katawan namin.

Nanlaki ang mga mata niya at mabili siyang humakbang paatras pero hawak pa rin ang braso ko.

"P-Paumanhin, binibini. Hindi ko intensyong ika'y hilain." Nanlalaki pa rin ang mga mata niya.

OA!

"Binibini, ayos ka lamang ba?" Nag-aalalang tanong ni Katrina.

Tinanguan ko siya at binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Sebastian.

Napayuko ako nang makitang lahat ng tao ay nakatingin sa amin.

"Pasensya na ho, ako'y mauuna na." Rinig kong usal ni Sebastian.

Naramdaman kong sinisiko-siko ako ni Katrina kaya napunta ang tingin ko sa kaniya, nakangiti ito sa akin ng nakakaloka.

"Alam ko ang iniisip mo! Aksidente lang 'yon, natapilok ako, hindi mo ba nakita?" Deny ko.

Pero totoo naman ah, anong deny?

"Paniniwalaan kita binibini kahit sa paraan palang ng iyong pagsasalita ay hindi umaayon sa sinabi mo." Umiwas ako ng tingin.

Ano naman kung mabilis ako magsalita at hindi mahinhin? Hindi naman ako nagmula sa panahong 'to.

Gosh! Bakit ba hindi ko na lang kasi kinuha yung kamay niya???

"Nag-aaral pa ba kayo? Si kuya Sebastian mo?" Usisa ko habang naglalakad kami.

"Nag-aaral ng ano, binibini?" Tanong ni Katrina.

"Edukasyon." Tipid kong usal at nilibot ang paningin.

Nasa unahan namin sina Sebastian at nakikipag-usap pa rin sa mga lalaking may katandaan na, ano 'yan tropa niya mga matanda?

"Ah oo, ako'y nag-aaral." Aniya.

"Anong grade ka na-I mean, anong lebel? Uhm kung elementarya ba gano'n."

"Ang edukasyon ngayon ay limitado at hindi pantay-pantay. Ang sistema ng edukasyon ay kontrolado ng mga Espanyol, at ang karamihan sa mga paaralan ay pinamamahalaan ng mga relihiyosong patakaran. Ang mga lalaki ay may mas maraming pagkakataon sa edukasyon kaysa sa aming mga babae. Ang mga lalaki ay maaaring mag-aral sa mga colegio, kunin ang nais nilang aralin. Ang mga kababaihan naman ay may dalawang uri ng paaralan. Ito ay ang beaterio, na naghahanda sa amin para sa kumbento, at ang escuela, na naghahanda sa amin para sa sekular na buhay. Hindi tiyak ang katungkulan ng ating edukasyon ngunit ako'y pumapasok sa kumbento." Mahaba nitong paliwanag. Napatango ako.

It was new to me. When I was in my high school and college, hindi ko pinagtuunan ng pansin ang history subject kasi wala talaga akong interes.

Definitely, I'm clueless about everything in the past.

Hindi ko naman alam na mapupunta pala ako sa panahon 'to eh.

"Kung gano'n nasa colegio na si Sebastian?" Tanong ko.

"Tapos na siya, binibini. Siya ay ganap nang tagapaghatid balita ng Gobernadorcillo. Maliban dito ay manggagamot din siya. Sa aking pamilya kasi ay dapat lahat ng lalaking Xelvestry ay maalam sa medisina." Napatango ako sa kaniya. So Xelvestry ang apelyido nila?

Hindi ko na tinanong pa ang ibang salitang hindi ko kilala.

Baka isipin niya masyado akong walang alam.

"Uhm... Gusto kong malaman kung anong lugar 'to?" Tanong ko.

"Nasa lungsod ng Maynila tayo, binibini. Kasalukuyang nakatira kami rito sa Larson dahil inaayos ang bahay namin sa Santa Rita. Kami'y sinugod doon ng mga tulisan." Nanlaki ang mga mata ko.

Totoo nga yung sabi ni Lola noon na kapag makapangyarihan ka sa panahon na 'to, puntirya ka ng mga tulisan lalo pa kung may atraso sila sa mga tulisan.

Grabe! I can't take this anymore na.

Nakaka-stress.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon