ʚChapter 37ɞ

13 1 0
                                    

Mabigat ang ginawa kong paghinga at tumayo. Namumula pa ang mga tuhod ko dahil isang oras akong nakaluhod sa harap nila. Masakit pa ang sûgat ko dahil sariwa pa 'yon.

Hinarap ko si Don Jacinto.

“N-Naiintindihan ko po. Salamat sa mabuti niyong pakikitungo sa akin, salamat sa pagbibigay ng masusuot at makakain ko, salamat sa pagpapatuloy niyo sa akin. Patawad din kung ako pa ang maaaring maging dahilan ng pagkasira ng pamilya niyo.” Napatingin ko kay Katrina na umiiyak ngayon habang nakatingin sa'kin, nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay umiling siya pero nginitian ko lang siya.

Napatingin din ako kay ate Elizabeth na nagpipigil ng luha. Napatingin din ako kay Martin na parang batang nakanguso habang pinipigilang humikbi. At napatingin ako kay Donya Elena na malungkot na nakatingin sa akin.

Napatingin din ako kay Sebastian na walang emosyon pero nang makita niyang tinignan ko siya ay agad siyang ngumiti ng mapait.

Pero hindi ko na  tinignan si Sebastian. Pakiramdam ko mas mahihirapan lang akong umalis.

Wala si Tiya Teresita ngayon dahil nagpapahinga siya.

“A-Aalis na po a-ako. ” My voice cracked as tears sprung out of my eyes.

Tinalikuran ko sila at nagsimulang maglakad kahit nanginginig ang mga tuhod ko.

“Kung aalis ka...” Napahinto ako sa paghakbang ng marinig ko ang boses ni Sebastian.

“Saan ka naman pupunta? Hindi mo alam ang daan pabalik, paano kung m-maligaw ka?” Mas napaluha ako.

Kinagat ko ang labi ko na pinagsisisihan ko rin dahil may sûgat ako doon.

His voice broke, same as I did.

Napapikit ako ng mariin pero nakatalikod pa rin sa kanila.

“Hindi naman natatapos ang daan, kung saan ako dalhin ng mga paa ko edi doon ako.” Nagtuloy ako sa paglalakad pero bago ako makarating sa pinto nila ay may humawak sa kamay ko.

“Sasama ako. Sasamahan kita.” Pigil ni Sebastian.

Napapikit ulit ako at bumuntong hininga.

“Hindi pwede, ano ba kita? Wala namang tayo.” Usal ko.

“Pero magkaibigan tayo, hindi ba?” Napatingin ako sa kaniya na malungkot ang expression.

Magkaibigan? Magkaibigan... Magkaibigan.

Umiwas lang ako ng tingin at winaksi ang kamay niya na nakahawak sa akin.

“Kung ayaw mong samahan kita, ihahatid na lang kita don.” Dagdag pa niya.

Ang kulit niya! Nahihirapan nga akong nandiyan siya eh, bakit niya ako ihahatid eh magkaibigan lang kami? Psh!

Yeah magkaibigan..

Saan niya ako ihahatid? Hindi ko nga alam ang pupuntahan ko eh.

“Hayaan mo siya Sebastian, mananatili ka rito sa bahay.” Dinig kong nagsalita si Don Jacinto.

Akmang maglalakad na ulit ako nang hawakan na naman ako ni Sebastian sa kamay.

“Hindi ama, hindi ko siya hahayaan at hindi ako mananatili rito hangga't hindi ko nalalamang ayos lang siya, ihahatid ko siya dahil may pakialam ako at may paninindigan sa kaniya. Mauuna na kami.” Matigas ang boses niyang iyon at nagulat ako nang hilain niya ako palabas ng bahay nila.

“Sebastiannn!”

“Kuya!”

Rinig ko pang sigaw nila pero wala lang siyang pakialam.

Parang bumagal na naman ang galaw ng paligid. Ang paglalakad namin ay mabagal, ang paggalaw ng buhok niya ay mabagal. Nakatingin lang ako sa kaniya, pero siya ay nakatingin sa daan.

Isang metro ang layo namin sa isa't isa pero magkasaklop ang mga palad namin.

Bumagal pati ang pagkurap niya ng sandali niya akong tapunan ng tingin.

Mabagal ang galaw ng paligid pero... mabilis ang pagtibok ng puso ko.

Tanging tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kanta pero tumutugtog ang “Ikaw at Ako” ni Johnoy Danao at parang sadyang tumugtog 'yon sa utak ko habang magkahawak kamay kaming parang sîrang tumatakas sa tahanan nila.

“Aray!” Biglang daing ko ng bumigay ang tuhod ko dahil nanginginig talaga 'yon. Bumagsak ako sa lupa dahilan para mabitawan ko ang kamay niya.

Napatingin siya sa'kin at nilahad ang kamay niya pero tinignan ko lang 'yon. Ilang sandali pa ay naupo siya sa harap ko ng patalikod.

“Sumakay ka sa aking likod, ikaw ay aking bubuhatin.” Hindi ko alam kung ilang segundo lang ba akong nakatitig sa likod niyang malapad.

“Tititigan mo lang din ba ang likod ko gaya ng lagi mong ginagawa sa tuwing nakalahad ang aking kamay sa iyo?” Napunta ang tingin ko sa kaniya at nagtagpo ang mga mata namin.

Parang guminhawa ang mabigat kong pakiramdam nang ngumiti siya.

Palihim akong napangiti at tumayo.

Pumasan ako sa kaniya at nakayakap ako sa parteng leeg niya. Pinulupot ko ang hita ko sa bewang niya at naramdaman ko naman ang paghawak niya sa mga hita ko.

“Kung kanina ka pa sana ngumiti, edi sana kanina pa tayo bati.” Bulong ko at sinadal ang ulo sa balikat niya. Nagsimula na siyang maglakad na parang normal lang at parang walang binubuhat.

“Nag-away ba tayo?” Napairap ako sa tanong niya.

“Sabaw ka talaga kahit kailan! Paano mo naman natutunang pasanin ang isang tao?”

“Hindi naman ako kahapon lang pinanganak, Aecy. At saka hindi ako sabaw, nais mo bang kumain?” Natawa na lang ako sa sinagot niya.

Hindi ko dapat ina-apply humor ko sa kaniya, hindi niya naiintindihan agad eh.

Kailangan pa ng mahabang mahaba na  explanation.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon