Umiiyak ako nang matapos ang sinusulat.
Is this the end? Kalimutan ang lahat ng pinagsamahan namin?
Kanina pa ako napapasulyap kay Sebastian na hindi ako binabalingan ng kahit isang tingin. I know I hurt him, naging makasarili na naman ako. But it's the only way to save him. To erase Regine's existence in this lifetime.
In fact, I'm not the one who saved him.
He saved me in every way a person can be saved. He saved me many times without thinking twice, without any hesitation. He indeed saved me every time. And it's time for me to do the same.
I hugged myself as I silently sob. Dinukdok ko ang mukha ko sa tuhod ko habang patuloy na humihikbi, at inalala ang mga ala-ala naming dalawa.
*****************************************
“Woah! Mabuti at narito ka pa, mahal ko. Akala ko ay tuluyan ka ng nakaalis.” Napangiti ako nang makita na siya. Kanina pa kasi ako naghihintay dito sa park eh, may isang oras na nga. Akala ko hindi na siya darating.
“Paalis na nga eh. Bakit ba ang tagal mo? Kung sino-sino na naman yata kinausap mo sa daan 'no? Dami kasing kakilala eh." Pabiro akong umirap sa kaniya. Umayos ako ng tayo para mapantayan siya.
“Hindi, ako ay may ginawa lamang.” Nayuyuko ito. Kumunot noo naman ako nang mapansin yung mga kamay niyang nakalagay sa likod niya.
He's not like that. Usually, nasa harap ang kamay niya at madalas hawak yung sombrero niya.
Ang weird talaga niya minsan eh.
I crossed my arms as I raised my brow at him. Mukha na naman akong may mood swings.
Duh! I waited for an hour here tapos wala man lang kiss sa forehead? Hindi ko talaga alam bakit sinagot ko siya eh.
Napatingin ako sa kamay niya ng may nilahad ito sa'kin. “Para sa iyo.”
Nagsalubong ang kilay ko nang kahoy na kahon lang naman 'yon at antique ang style.
“Ano namang gagawin ko diyan?” Tanong ko sa kaniya.
“Nais ko sanang bumili ng kwintas para sa iyo ngunit wala akong sapat na salapi upang bilhin iyon kung kaya't gumawa na lamang ako ng lalagyan ng alahas para sa iyo. Upang hindi mawala ang porselas na iyong suot.” Mabilis na umukit ang ngiti ko sa sinabi niya. Alam na alam niya talaga pa'no kunin ang kiliti ko eh.
Kinuha ko naman 'yon mula sa kaniya at tinitigan. Nang mas matitigan ay mas na-appreciate ko ang style no'n.
He made this? This is my favorite jewelry box now. He's so effort talaga.
“Wow! Ang ganda nito.” Nakangiti kong usal.
“Gaya ng nagma-may-ari na sa kaniya ngayon.” Napakagat labi ako para pigilang mapangiti ng malawak. Ano ba!
“Sebastian ah, nakakainis ka!” Inirapan ko siya. Tinawanan lang ako nito at saka tinitigan na naman ako.
Matutunaw talaga ako!
*****************************************
I looked at my bracelet.
“I won't lose you, I promise.” I kissed the bracelet as another tears sprung out of my eyes.
Ito na lang ang maiiwan sa akin sa oras na tuluyan ko na siyang makalimutan.
*****************************************
“Nasaan na tayo?” Mangha akong napatingin sa paligid. Nasa tabing dagat kami, dinala ako rito ni Sebastian matapos naming tumakas mula sa ama niya.
“Dito ako madalas tumutungo sa tuwing napakabigat ng mundo para sa akin.” Napatingin ako sa kanila. Parehong nililipad ang mga buhok namin dahil malakas na hanging tumatama sa amin.
Nakapikit siya habang nilalasap ang sariwang hangin.
Napatingin ako sa papalubog ng araw.
“Ang ganda dito. Calming—I mean panatag, tsaka nakakagaan nga ng pakiramdam.” sabi ko. Muli akong napatingin sa kaniya at nakatingin na ito sa akin. Napalunok naman ako at mabilis na umiwas ng tingin.
Magjowa na kami pero nahihiya pa rin ako sa kaniya. Lalo na kapag nahuhuli ko siyang nakatitig sa'kin.
“Nagustuhan mo ba ang lugar na ito?” Tumango ako ng hindi siya tinatapunan ng tingin. “Mabuti naman. Ang malawak na karagatang nasasaksihan mo ngayon ay magbibigay ng kakaibang pakiramdam sa iyo, ang malawak na kahel na kalangitan at papalubog na araw ay magbibigay din ng kakaibang pakiramdam sa iyo.”
Napatingin naman ako sa mga sinasabi niya. Mali siya, wala naman akong ibang nararamdaman kundi kaba dahil nandito siya sa tabi ko at tumitibok na naman ang puso ko sa paraang kakaiba.
Ilang sandali pa kaming tahimik at hinahayaan lang na hanginin ang mga buhok at damit namin.
“Nang ikaw ay hinubog ng Maykapal, tumitig Siya sa mapulang dapithapon at sinabing, "Ito, ngunit sa anyong tao—isang ningning na walang hanggan, isang alindog na hindi kukupas.” Napatingin naman ako sa kaniya at nakatitig ito sa akin. “Napakaganda.”
There's really something about his eyes. The way they hold a quiet intensity, like he's always thinking of something just out of reach. When he looks at me, it's like he's seeing deeper than the surface, almost like he's reading me without needing a single word. There's a warmth and mystery there, a feeling that he knows more than he lets on.
Paano ba napasakin ang taong 'to?
Parang hindi ko pa rin lubos maisip kung paano nagkrus ang landas namin. Minsan pakiramdam ko, hindi ko siya deserve. Pero heto siya, nandito, at hindi ko alam kung anong ginawa ko para mapasakin siya.
*****************************************
Sana he still sees me like the sunset, not symbolizes as a goodbye but as something that stays beautiful, even as the day fades. A reminder that even endings can be breathtaking, that some things don't lose their value, no matter how much time passes.
Please, let us meet again. Sebastian..
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...