“Batid kong ang iyong nararamdaman ay hindi masusukat ng kahit anong biro o lambing. Sana lamang ay busilak pa rin ang iyong puso at handang magpatawad.”
Napatingin ako kay Sebastian nang sabihin niya iyon. Nakasakay kami ngayon sa kalesa, pupunta raw kami kina Tiya Teresita! eh isa pa 'yon,naiinis din ako sa kaniya.
“Wala sa'kin 'yon, gusto ko lang maintindihan din nila ako kung bakit ko ginawa 'yon. Hindi man lang nga ako binigyan ng chance na magpaliwanag eh.” Napahikab ako dahil inaantok na talaga ako.
Napakaraming nangyari sa araw na 'to. Napapikit na rin ako dahil sa antok.
“Mahaba pa ang byahe, matulog ka na muna sa aking balikat.” Marahan niyang pinatong ang ulo ko sa balikat niya.
Inaantok na talaga ako at wala ng panahon na magreklamo. Siniksik ko pa ang ulo ko sa may leeg niya banda para mas comfortable.
Wala akong pake kung anong isipin nung nagpapatakbo ng kalesa basta inaantok ako.
“Hindi kita gigisingin sa oras na makarating na tayo, ikaw ay aking ihahatid sa iyong magiging silid.” 'Yon lang ang huling sinabi niya bago ako tuluyang makatulog.
Naramdaman ko pa ang paghawak niya sa kamay ko.
“Tulog ka na ba?” Hindi ako kumibo at nagkunwaring natutulog. Pinigilan ko muna ang antok ko dahil parang may sasabihin siya.
“Ika'y tulog na nga. Napakaganda mo.” Rinig kong usal niya. Parang kumarera na naman ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok no'n.
“Ako'y palihim na nag-aral ng ilang salitang Ingles, at ako'y may natutunan. Isang metapora ng syensya.” Ilang sandali pa siyang natahimik, ang kamay niya ay nakahawak pa rin sa kamay ko kaya damang dama ko ang kaba.
“Ang iyong pag dating ay tila meteor shower na hindi inaasahan at nais na muling masilayan sa matayog na kalangitan. Sa tuwing napapalapit ang pag orbit mo sa akin, ikaw ay may hindi maipaliwanag at malakas na gravitational attraction na humihila sa libo libong bituin at sa akin ang bagsak nila, nawawala ang pagiging kalmado ko at nagwawala ang mga asteroids sa isip ko. Unti-unti nang gumuguho ang mundo ko sa iyo at hindi ko na nais muling umikot ang aking mundo ng wala ka roon.” Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa.
I pursed my lips to control my smile.
Ang corny pero kiniliti ang puso ko, enebe!
Pagkatapos no'n nawala ang antok ko, nakangiti na'ko sa utak ko pero straight face pa rin kasi ayokong magpahalata sa kaniya.
Bago pa kami makarating ay nag kunwari na lang akong nagising, mabilis niya pa ngang binitawan yung kamay ko eh at nagkunwaring walang ginawa.
Ang hindi niya alam, lahat ng ginawa at sinabi niya alam ko.
“Narito na tayo.” Napatingin ako sa kaniya.
“Ang kalmado mo lang ah.” Pilosopo kong usal. Automatic na nagbago ang expression niya at mabilis na bumaba sa kalesa, umikot pa siya para alalayan akong bumaba.
“Sus!” Bulong ko nang hindi na niya ako tinitignan.
Ilang sandali na rin kami sa bahay ni Tiya Teresita, mag-isa lang siya nakatira rito at hindi gano'n kalaki ang bahay niya. Tama lang sa pamilya pero halata sa loob na may kaya pa rin ang nakatira.
Alam na rin ni Tiya ang nangyari at pumayag na siyang dito ako tumira.
“Mauuna na po ako, maraming salamat, punong madre.” Nagmano pa siya kay Tiya bago ako hinarap.
“Aalis na ako, Aecy. Matulog ka na at malalim na ang gabi.” Anito.
Nginitian niya ako at hinintay kung may sasabihin ako. Nang mapagtantong wala ay mas lalong lumawak ang ngiti niya at tinalikuran na ako.
Pinanood ko lang siya lumabas at nang tuluyan na siyang makalabas napahinga ako ng malalim.
Grabe! Kanina pa dinadamba ang puso ko.
Tinuro sa'kin kanina ni Tiya ang magiging silid ko kaya wala ng pasabi akong pumasok sa kwarto ko para pakawalan ang kilig na nararamdaman ko.
“Hindi naman sa nag-a-assume ako pero what if yung sinabi niya eh may meaning? Hindi lang metaphor? Paano kung gusto niya rin ako???” Napaupo ako sa higaan at pinagmasdan ang orasan.
“Oh gosh, anong gusto mo rin?! Gusto ko siya?! No way!” What I mean there is baka gusto niya ako, why not naman? I'm pretty.
“Nawawala raw pagiging kalmado niya kapag nakikita na ako? Ack!!!” Sinubsob ko ang mukha ko sa medyo malambot na unan at napatili.
Gosh! Bakit ba ako kinikilig?
“Oh dâmn you, Sebastian. I'm living Rose Dewitt Bukater with my own Jack Dawson. Gosh!” Napa-ayos ako ng upo at napangiwi sa naisip.
Bakit ba hinantulad ko yung Titanic sa'min? Eh paano kung magaya kami sa characters nila?
“Bakit ka umaasa, Aecy?” Tanong ko sa sarli at napairap ng ngumingiti lang ako ng parang t@nga.
Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Walang ayos-ayos akong lumabas sa Silid ko.
I feel carefree. Parang I'm more comfortable to wake up here kesa sa bahay ng Xelvestry.
Sa panahon ko, lalabas din ako ng kwarto ko na walang ayos tapos kakain tapos pasok ulit sa kwarto para mag cellphone. Nakaka-miss.
“Bes!!!” Muntik na akong mapatalon sa malakas niyang sigaw.
Napatingin ako sa babaeng katabi ni Tiya Teresita at nanlalaki ang mga mata ko sa nakikita ko. Hindi ako makapaniwala. How come? How is this possible?
“G-Gwen?”Hindi pa rin makapaniwala na nakikita ko ang brvha kong best friend ngayon.
Naka simpleng dress lang siya at nang-aasar na nakatingin sa akin.
Nakatayo lang siya sa may sala, nakatayo lang din ako dito.
Napatingin ko kay Tiya Teresita at nakatingin ito sa'kin.
“Mahabang istorya.” Tanginang usal niya.
“Hoy ante ano ka ba, walang long story sa'ming dalawa. Keribels kaya 'yon ng isang oras, kami pa! Ako na magke-kwento bes, nakakaloka teh!” Napatingin na naman ako kay Gwen na kinikilig at nakatingin pa rin sa'kin.
Hindi ako makapaniwala grabe!
Yung Gwen sa bar na iniwan ko? Yung Gwen na best friend ko nandito sa panahong 'to gaya ko?
“Gâgā ka na-miss kita.” Usal niya at tinakbo ang pagitan namin. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya napadaing ako.
“May sûgat ako sa likod, aray ko, punyêtâ kang babae ka!” Pinalo ko pa ang balikat niya.
“Ay sorry, na-miss kita!!” Maingay niyang usal kaya niyakap ko rin siya pabalik.
Napatingin ako kay Tiya Teresita na nakatingin sa akin habang nakangiti. Nginitian ko rin siya pabalik, hindi na ako mag-isa.
May kasama na akong parehong may tililing sa panahon na 'to.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasía"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...