Giniginaw na ako pero nagtatampisaw pa rin ako sa tubig. Habang ayon si Sebastian, nakaupo na sa bato habang nilalaro ang mga malilit na bato.“Aecy?” Napatingin ako kay Sebastian na nakatingin na sa akin ngayon. Ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag siya na ang bumabanggit. Parang napakadali lang para sa sinaunang taong gaya niya.
“Oh?”Pabalang kong sagot.
“Alam kong paulit-ulit na ako at marahil nagsawa ka na sa aking mga salita ngunit gaya ng unang araw na hiningi ko ang pagtanggap mong ligawan kita ay mapa-hanggang ngayon nais kong matagpuan kang muli mula sa simula hanggang sa huling pahina. Nais muli kitang makapiling mula sa takipsilim hanggang sa pagsapit ng umaga. Ikaw pa rin hanggang sa mapipi ang musika, hanggang sa huli nitong instrumento, sa huling paghinga. Nais ko muling makamtan ang matamis mong “Oo” at kung pagbibigyan ng tadhana at panahon, hindi ako titigil hanggang sa hindi ko iyon nakakamit. Gabi-gabi kong pinagdarasal na sana dumating ang araw na maaari na tayo maging masaya ng walang humahadlang sa ating pagsasama. Sa kahit anong panahon, kahit anong oras basta naroon ka at makasama ka lang.” Seryoso niyang sabi.
Manliligaw ba siya ulit?
Kahit mga ilang metro ang layo namin sa isa't isa, kitang kita ko ang sinseridad sa mga mata nito.
Ilang sandali pa kaming nakatingin lang sa isa't isa hanggang sa umahon na ako at nilapitan siya. Ramdam ko ang lamig at nanunuot 'yon sa balat ko.
Kinuha ko ang dress ko at binalabal sa akin at lumapit palapit sa kaniya. I sat beside him.
“Paano kung hindi talaga pwede? Paano kung hanggang dito lang talaga tayo? Paano kung wala na talagang another multiverse?” Ramdam ko na naman ang pagkirot ng puso ko.
Ang bilis talaga bawiin yung saya at kilig.
“Kung gano'n, masaya akong nakilala at nakasama kita kahit sa napaka-ikling panahon. Panigurado hindi na ako muling iibig pa, ang puso ko'y habang buhay na isisigaw ang iyong pangalan. Masaya akong napakalaking bahagi mo sa aking buhay, Aecy! Kung hanggang dito man ang lahat, hindi ako mag-aaksaya kahit isang segundo lamang ng oras upang makapiling ka.” Hinaplos nito ang pisngi ko. “Sana pahintulutan mo ako.” Patuloy niyang hinahaplos ang pisngi ko.
“Gano'n din ang gusto ko, gano'n din ako. Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko, Sebastian Ikaw lamang. At kung ito man ang huli, kakalimutan ko ang mga paniniwala ko para sa isang gabing 'to.” Tinitigan ko ang kumikinang nitong mga mata. “Dahil hindi ko alam kung anong naghihintay na kapalaran sa atin bukas o susunod pa na araw.” Hinawakan ko rin ang pisngi niya at nginitian siya.
Simula nang dumating ako sa panahon na 'to, napagtanto ko kung gaano kahalaga ang huwag mag-aksaya ng buhay sa walang kabuluhang bagay. Na kahit gaano ako ka-bitter sa love, deserve ko rin palang mahalin dahil mahal talaga ako. Na kahit sa sandaling panahon lang, hindi pala masamang magtiwala kahit minsan ilalagay ka sa kapahamakan, at least may natutunan ka't may babauning aral.
Minsan sa buhay, okay din palang tumaya ka, i-invest mo ang lahat kahit ang ending ay mauubos ka. At least, when the time finally strikes to heal, you'll be able to gain the track you've lost.
Simula nang makilala ko siya, I started to rethink about my actions and my purpose in life. He was the best thing... that's ever been mine.
It wasn't all about love itself but also the feeling of being reciprocated, the feeling of considering your feelings, the kind of feeling that is too incomparable.
No matter how messy our life is going. No matter how crazy the shîtty things come into our life. May isang tao talaga na darating sa buhay mo and will change it all, will make it better.
Kung maling desisyong ibigin siya, pwes siya ang desisyon na paulit-ulit kong gagawin.
And what's mine is in front of me here.
“I love you, Sebastian. Mahal na mahal kita.” Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at siniil siya ng halik. No gentleness. No softness. But an aggressive one that I always want.
I felt his hands wrapped around my waist as he helped me sat on his lap while we're still sharing the thirsty lips of ours.
I wrapped my hands around his neck as I deepened our kiss.
“I miss you, S—Seb. I always love you. Please don't ever leave me, don't leave me.” I whispered between our lips.
I felt his gentle touch and it's not giving.
“Please don't be gentle.”
Tonight, I'm ready to forget all my beliefs and risk this moment to give myself to him. Only to this man.
Aba! Kung hindi man kami ang para sa isa't isa, at least may intense memory akong dadalhin after this.
Sana mabuntis hehe.
Alam mo yung nakakainis? Yung walang side na pagiging fvck boy yung ex mo!
Binitin ba naman ako! Nando'n na eh, ipapasok na tapos sabi niya, “Hindi pa maaari.” Eme niya!
“Hay nakakainis! Ang annoying niya talaga.” Kanina pa ako may sinasabi habang isa-isang pinagbabato ang mga bato sa tubig.
Kanina pa rin pilit na lumalapit sa'kin si Sebastian pero lumalayo lang ako sa kaniya, hindi ko siya kakausapin!
Baka kapag si Regine siguro bumuka sa harap niya, kakagat agad siya.
“Tuloy niyo p3steng kasal niyo!” Umirap na naman ako. Kanina pa ako irap ng irap dahil sa inis.
Nando'n na eh, handa na ako, bibigay na ako tapos hindi pa maaari? Ha!
Naiisip ko palang, binabalot ako ng hiya eh. Nagmukha akong desperada.
“A—Aecy, p-paumanhin... G-Galit ka ba?” Hindi ko siya pinansin. “P-Paumanhin kung hindi ko tinuloy, iniisip lamang kita at ang iyong hinaharap. Hindi pa tayo kinakasal kaya hindi pa kita maaaring angkinin. Hindi ko nais maging makasarili para lamang masiyahan ang pagkalalaki ko. Alam kong ikaw ay isang birhen at hindi ko gugustuhing angkinin ito hangga't hindi tayo ikinakasal. Nais pa kitang iharap sa altar, Aecy.” Seryoso niyang sabi.
May point naman siya pero kasi isipin mo 'yon, he already saw me nakèd tapos ganito? Hindi kaya ng pride kong makipagbati agad sa kaniya. Busít talaga siya!
Tinapunan ko siya ng tingin at inirapan. Parang bata naman itong napabagsak ang balikat.
Bumaling ulit ako ng tingin sa mga alitaptap na unti-unti nang nawawala. Malalim na ang gabi at sobrang lamig na ng simoy ng hangin. Hindi sapat ang dress na suot ko para ma-absord ang lamig.
Tahimik lang akong nagmumuni-muni hanggang sa makarinig ako ng liyab. Nagsimulang lumiwanag ang paligid kaya napasulyap ako sa likod ko para lang makita ang nakasilab na apoy sa kapatagan ng lugar na 'to.
Nang tuluyang umapoy 'yon ay napatingin sa akin si Sebastian. Dahan-dahan niyang inalis ang barong niya dahilan para tumambad na naman sa'kin ang mga pandesal niya—este abs.
Hindi ko na magawang i-iwas ang tingin ko nang dahan-dahan na itong lumalapit papunta sa akin.
“Oh anong ginagawa mo rito? Do'n ka! No touching tayo 'di b—” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang ipatong niya sa balikat ko ang barong. Pinaharap niya pa ako sa kaniya para ayusin ang pagkakabalabal sa'kin ng barong niya.
“Lalamigin ka, gamitin mo na muna ito.” Sabi niya habang nakatingin sa barong niyang binubotones ang dulo nito. I'm just looking at his fine figure. Parang biglang hinaplos ang puso ko habang tinititigan siyang busy sa pagbutones no'n.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...