Napatulala ako sa kaniya.
“Hindi niya tinigilan si kuya Manuel hangga't sa hindi niya naririnig mula sa kaniyang bibig na pinagtangkaan ka niya, Aecy.”
Nagsibagsakan na naman ang mga luha ko. Why did he do that? Because of what Manuel did to me?
So all this time I misjudged him? Siya pa ang gumawa ng paraan para iligtas ako samantalang ako dito nagtanim ng galit sa kaniya?
Napahikbi ako ng tuluyan at napaupo sa kalupaan habang pinapanood ang sariling luha na bumagsak sa lupa.
“S-Sebastian..” I whispered his name.
All I did was hate him and engraved madness but there he is, sacrificing himself for me.
Mas napahikbi ako at napatingin sa kalangitan.
“Lord, b-bakit kailangan maraming magsakripisyo para lang sakin? I don't even deserve those.” Nahihirapan na akong magsalita dahil pinangungunahan ng hikbi ang boses ko.
Pinunasan ko ang mga luha ko at kahit nanghihina ako ay tumayo ako.
“H-Hahanapin ko siya. Kailangan ko siyang mahanap dahil may itatanong pa ako sa kaniya.” Nagsimula akong naglakad palayo sa kanila. Nagsisimula na ring magbukang liwayway at kailangan ko siyang makita bago pa tuluyang mag-sunrise.
“A—Aecy, sasamahan kita.” Napahinto ako ng may humawak sa braso ko. Napatingin ako at si Hiroshi 'yon.
But his eyes telling me different, he wants me to stop right here and stop searching Sebastian.
Hindi ako manhin o t4nga para hindi malaman ang intention niya.
“Hindi, ako ang gagawa.” Humakbang ako palayo sa kaniya para mabitawan niya ang braso ko na ginawa niya nga.
“Alam ko ang ibig sabihin ng mga titig mo sa'kin, ng mga sweet gestures mo sa'kin, lahat lahat. At hayaan mong putulin ko ang pantasya mo, Hiroshi. Hindi ako ang babaeng para sa iyo, hindi ko kayang magmahal ng panibago dahil niloloko ko lang ang sarili ko kung sasabihin kong kaya kong palitan si Sebastian sa puso ko. Dahil kahit ang sakit sakit na, siya pa rin ang mahal ko. Prangka akong tao minsan, at nagiging totoo ako sa'yo ngayon. Wala kang pag-asa sa akin, Hiro. Deserve mo ng babaeng kayang mahalin ka pabalik. Masaya akong nakilala ka, masaya akong naging kaibigan ka at nagpapasalamat akong niligtas mo ako. Pero hanggang doon lang tayo eh, sorry kung maling babae pa ang nagustuhan mo.” Nang makita kong nagsimula siyang lumuha ay tinalikuran ko na siya at iniwan doon.
Pagod na pagod na ang utak ko at katawan pero hindi ako titigil sa kakahanap sa kaniya. Hindi ko na alam kung saan ako napadpad at hindi ko na alam pabalik pero hindi ako titigil.
“Sebastian! Magpakita ka naman sa'kin oh.” Medyo may kalakasan kong sigaw. Natatakot akong muling mahuli nila Erwin.
Hinihingal akong napasandal sa puno nang makarinig ng kaluskos.
“Pagod na'ko...” Mahina kong bulong.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang mas lumalakas na kaluskos. Dàmn! Paano kung mahuli ulit nila ako?
Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang sariling gumawa ng ingay.
“Oh my god!!!”
“Sino ka?”
Pareho naming sabi nang hilain niya ako palabas ng tinataguan kong puno. Hawak niya ang palapulsuhan ko habang nakatutok sa'kin ang malaking kahoy na may dug0.
Nagtagpo ang mga mata namin. Natagpuan kong muli ang itim niyang mga mata na punong puno ng emosyon nang matagpuan ang mga mata ko.
Ramdam ko ang pagkasabik ngunit kita ko rin ang nakaharang sa mga mata niya na gawin ang nais niya.
Sa pagkakataon na 'to, hindi naging mabagal ang galaw ng paligid natin kung hindi mabilis. Mabilis sa pagsayaw ang mga damo at dahon ng mga puno dahil sa hangin. Mabilis ang naging tagpo ngunit alam kong matagal na kaming nakatayo rito habang nakatitig lang sa mga mata namin.
Unti-unti niyang binaba ang kahoy na hawak at binitawan ang kamay ko at doon bumalik sa normal ang galaw ng paligid.
I didn't found him. He found me.
“S—Sebastian.” Muli na namang tumulo ang luha ko nang makita ko ang panggigilid ng luha niya.
Parang sobrang tagal naming hindi nagkita, parang muling nabuo ang puzzles na nasira dahil sa lakas ng hangin.
“Bakit mo ginawa 'yon? Alam mo bang pwede kang makulong kapag napàtày mo siya?” Tumango siya. “Pero ginawa mo pa rin! Ang tigas talaga ng ulo mo.” Nagsimula na naman akong humikbi.
“P-Pero bakit sinabi mo yung mga 'yon? Bakit pinamukha mo sa'king hindi mo ako pinaniniwalaan?” I'm expecting him to look away but he didn't. Instead, he stared on my wounds. I can see pain in his eyes while looking at them.
“Upang ilayo ka sa kaniya, nais kong magalit ka sa akin at umalis sa aming tahanan ng sa gayon mailayo kita sa kaniya kahit ang kapalit non ay habang buhay mong pagtatanim ng galit sa'kin.” Paliwanag niya. Napayuko ako.
“Pero mas napahamak lang ako. 'Yon ba ang gusto mo?” Tiningala ko ulit 'yon. Marahan itong umiling.
“Iyon ang bagay na pinagsisihan ko at hanggang ngayon pinagsisihan ko pa rin. Nang dahil doon, ito ka ngayon at puno ng galos at súgat. Paumanhin.” Siya naman ang napayuko ngayon.
“Niligtas mo naman ako, kaya okay lang.” sabi ko. Muli niya akong tinignan.
Nakatitig lang ako sa kaniya habang mabilis na tumitibok ang puso ko.
“May gusto pa akong malaman...” I caught him looking at my lips, watching every movement of my mouth. “Bakit tayo naghiwalay?”
Napunta ang tingin niya sa mata kong mamasa-masa na naman sa luha.
“Wala na rin namang t-tayo, pwede ko naman sigurong malaman ang dahilan?” Hindi siya umiwas ng tingin, ako na lang tuloy ang gumawa. Nakakapanghina ang mga titig niya.
“Bago namayapa si ina, sumulat siya ng huli niyang kahilingan at nakasulat doon na gusto niyang kahit sa huling pagkakataon at para sa kaniya, sundin kong muli ang kagustuhan ni ama. Iyon ay ang pakasalan si Regine.” Aniya. So that's the reason?
Oo nga naman, simula nang dumating ako rito, he started to disobey his own father and I'm the reason why her mother dîed.
“S-Sorry... Nang dahil sa'kin, wala na si Donya Elena ngayon.” Napayuko ako habang marahas na pinipisil ang kamay ko.
They all dîed because of me. I'm at fault, it should be me to blame.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...