ʚChapter 70ɞ

9 1 0
                                    

I was waiting for Sebastian to help me get up but he walked towards Regine instead.

Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko habang nakatingin kay Sebastian na dahan-dahang inalalayang makatayo si Regine mula sa lupa.

Ang kaninang nanggigilid ko palang na luha ay tuluyan nang bumuhos habang pinapanood si Sebastian na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

“N-Nandito rin ako, natumba rin ako, nasaktan din ako... pero bakit siya ang tinulungan mo?” Ako ang girlfriend mo. Nagkasugàt pa nga.

Inalalayan akong makatayo ni Gwen pero wala akong lakas na balansehin ang katawan ko kaya bumigay lang din ang katawan ko sa lupa.

Seeing him as if he doesn't care about me feels strange, hindi naman siya ganiyan.

Seeing him looking at me coldly and expressionless was new to me, he used to look at me with full of love visible in his eyes.

Seeing him helping another girl and letting his girlfriend on the ground makes my heart shattered, why?

Why?

Bakit pakiramdam ko sa sandaling oras na 'to, lahat nagbago?

“Hindi mo man lang ba tutulungan si Aecy? Hoy Sebastian, si Aecy ang nobya mo ha! Hindi 'yang brûhang babaeng 'yan!” Narinig kong singhal ni Gwen.

I met his eyes, it feels strange meeting his eyes right now.

They are looking at me like he don't know me.

Does he know already kaya ganiyan siya? I thought... I thought he would understand me even in the days I'm hard to understand? Did he ate his own words?

“H-Hindi mo man lang ba ako t-tutulungan?” My voice broke. I'm trying to hold my tears, bakit biglang nagkaganito?

Anong nangyari para magkaganito bigla?


“H-Hindi mo man lang ba ako ta-lagang t-tutulungan?” Umiwas siya ng tingin at hinawakan sa braso si Regine at... umalis sila?

Iniwan niya akong nanghihina ang mga tuhod habang nakaupo pa rin sa lupa. Napahawak ako sa dibdib ko habang pinapanood si Sebastian na papalayo na sa akin at nanlalabo na rin siya sa paningin ko.

“S—Sebastian...” I whispered his name as tears continued to flow from my eyes.

Napatingin ako kay Gwen na lumuhod sa lupa para pantayan ako.

“G—Gwen, anong nangyari? B-Bakit... Bakit gano'n? Bakit umaalis na siya nang hindi ako ang kasama niya?” Ramdam kong umagos ang mainit kong luha at pinunasan naman 'yon ni Gwen.

Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan sa balikat si Gwen.

“A-Anong ginawa ko bakit nangyari 'to?” Napahagulgol ako sa kaniya at mahigpit siyang niyakap.

Anong nangyari? Bakit all of a sudden pakiramdam ko sobrang layo na naman namin sa isa't isa?

Bakit parang pakiramdam ko nadagdagan lang ang sakit na nararamdaman ng puso ko? Bakit parang pakiramdam naulit ang nangyari sa'min ni Kayden at mas masakit 'to? May ginawa ba ako para humantong kami sa ganito?

“W-Wala kang kasalanan, hush now please. Don't question yourself, Ali.Please.” I met her teary eyes. I pointed at myself.

“B-Baka meron, b-baka marami k-kasi hindi naman niya alam ang totoo kong pagkatao, k-kasalanan na 'yon kasi nagsisinungaling ako sa kaniya. I never told him that I love him, he never heard that from me... G—Gwen baka alam na niya. G-Gwen hindi ko kaya... hindi ko kakayanin.” Muli akong humagulgol sa harap niya at napasandal sa balikat niya habang ramdam kong bumibigat ang paghinga ko.

Masaya naman kami kanina ah? Nagtatawanan pa, nagngingitian pa, bakit nangyari bigla 'to?

Lord naman eh, akala ko naman wala ng mas ikakasakit pa kay Kayden. Akala ko chance ko na 'tong sumaya pero bakit naman ganito Lord, bakit nangyayari na naman 'to?


“Hindi ko siya makausap, hihintayin niya raw si Sebastian na bumalik. Baka hinatid niya lang daw yung Regine na 'yon.”

“Ngunit kanina pa tayo rito, hapon na ngayon at batid kong gutom na siya. Kanina pa tayo rito naghihintay.”

“Gabriel, hayaan na lang muna natin siya okay? Tsaka sino ba yung babaeng 'yon?”

“Regine lamang ang alam kong pagkakakilanlan niya at ang narinig ko mula kay katrina ay siya ang bagong babaeng nakatakdang maka-isang dibdib ni Sebastian.”

“Ano?! Seryoso ka ba?!?!”

Napatingin ako sa direksiyon nila nang marinig ko ang usapan nila. Napatingin naman sila sa akin at bahagyang nanlaki ang mga mata, pinalo pa ni Gwen si Gabriel na parang sinisisi kung bakit ang lakas ng mga boses nila.

Ikakasal? May ikakasal na naman para kay Sebastian?

Alam ni Katrina?

Pero bakit sabi sa'kin ni Sebastian, hindi naman daw niya kilala ang babaeng 'yon at bisita lang ng ama niya? Bakit kanina siya pa ang kusang nagsabi na kakausapin niya si Regine tapos ngayon naman magkasama sila panigurado.

“Nagsisinungaling ka ba sakin Sebastian?” Napayuko ako at sumirit na naman ang mainit kong luha.

Bakit naman siya magsisinungaling sa'kin? Maiintindihan ko naman 'yon kung sinabi niya eh, bakit kailangan niya pang sabihing hindi niya 'yon kilala kahit ang totoo, kilala niya talaga?

Tumayo ako sa kinauupuan ko nang mawalan ng gana.

“Gwen, uuwi na tayo. Gusto kong magpahinga.” Nakakapagod ang araw na 'to, baka bukas okay na ulit. Baka suyuin ako ni Sebastian, marupok naman ako eh. Baka may explanation siya, papakinggan ko muna ang side niya.



Paalis na sana kami nang may humintong kalesa sa harapan ko. Lumabas doon si Hiroshi at nginitian naman ako, agad ding napawi nang matitigan ako.

Malamang kita niya ng mugto ang mga mata ko.

“Sinabihan ako ni Sebastian na ihatid kayo sa inyong pag-uwi, mabuti at naabutan pa kita. Nagkaroon ng problema habang kami ay patungo rito.” Hindi ko pinansin ang iba niyang sinabi.

“N-Nasaan si Sebastian? Hindi ba siya kasabay naming uuwi? Sa bahay na kasi siya tumutuloy eh, sigurado ka ba?” Nasasaktan lang ako kapag naririnig ko ang pangalan niya o kaya binibigkas ko ang pangalan niya.

“Hindi, binibini. Pinakiusap ka lamang niya sa akin.” Anito.

“Bakit hindi siya ang gumawa?” Ang babaw ng luha ko pûtcha, tumutulo na lang bigla.

“Siya ay umuwi ngayon sa kanila, batid kong alam mo na ang nangyari.” Napa-iwas ako ng tingin.

“Ang kasal niya? Ngayon ko lang nalaman haha! Walang hiya oh.” Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko nang tumulo na naman ang pêsteng luha ko.

“Kung gayon hindi mo pa batid ang nangyari sa kaniya—” I just passed him by. Hinila ko si Gwen at hinarap ulit si Hiroshi.

“Hindi mo na kailangan sayangin ang oras mo sa'min, kaya na namin ang mga sarili namin. Pakisabi sa kaniya sabihan niya lang ako kung nakikipaghiwalay na siya para makabalik na'ko sa panahon ko. Wala na rin namang silbi ang pananatili ko rito.” Kumunot ang noo niya pero hindi ko na siya pinansin ay naglakad na habang hinihila si Gwen.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon