Hinahangos na ako nang tuluyan na kaming huminto sa lugar na may mga malalaking puno ang nakapalibot, maraming mga batong malalaki at magaganda ang formation, at mababaw na ilog na malinis ang tubig.
I wandered my gaze and my mouth form an "O".
“Ang daming alitaltap, ang ganda.” Mangha kong sabi habang pinapanood ang mga nagliliwanag na alitaptap. Ngayon lang ako nakakita nito.
“Siyang tunay, napakaganda.” Malawak ang ngiti ko at napatingin kay Sebastian na nakatitig sa akin. ”Tunay na maganda.” Dagdag pa niya. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi niya.
Napaiwas ako agad ng tingin sa kaniya. Pinatong ko ang mga hawak ko sa malaking bato na malayo sa tubig para malaya akong makagalaw.
Madilim na ang paligid at tanging mga alitaptap na lang ang nagsisislbing liwanag namin.
Bumalik ang tingin ko kay Sebastian at nakatingin pa rin ito sa akin.
“Ano ba kanina ka pa ah! Umayos ka nga, Sebastian, Galit pa rin ako sa'yo.” Sabi ko pero hindi siya umiwas ng tingin, mas tinitigan niya lang ako.
“Kay tagal kitang hindi nakita. Hindi pa rin nagbago ang iyong mukha, napakaganda mo pa rin, mahal ko.” Napalunok ako sa sinabi niya. Oo nga pala, 2 months has already passed sa panahon na ito.
“At hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko sa iyo.” Dagdag niya dahilan para mapaiwas ako ng tingin.
“Eh bakit ikakasal ka na?” Irita kong tanong.
“Iyon ay hindi ko kagustuhan, iyon ay pilit. Ngunit plinano ko na rin ang pagpigil sa magaganap na kasal, ngunit mas napadali nang makita kita kanina sa hindi kalayuan at umiiyak habang nakatingin sa akin. Hindi ako nagdalawang isip na higitin ka at halikan sa harap ng mga taong naroon.” Muli na namang nag-init ang pisngi ko. Alam kong pulang pula na ako ngayon ng maalala yun.
“Oh bakit mo sinabing buntis ako? Hindi pa nga tayo nag-aano.” Napakagat labi ako. Shûta kinikilig ako!!!
Ang rupok ko talaga. Dakilang marupok ka talaga Aecyy..
Napaliyad ako nang humakbang siya palapit sa akin, as in lapit na wala ng distansya.
Napapalunok ako sa paraan ng pagtitig niya. Wtf!?!? Gano'n ba katagal ang dalawang buwan at parang miss na miss niya talaga ako?
Tama nga si Lola na ako ang nanaig sa lahat ng pag-ibig na naranasan niya. He's fréâking in love with me.
Ang haba naman talaga ng buhok ko, oo.
“Nag-aano, mahal ko?” It sounds like he's nang-aasar.
Mahal ko raw pft. Gosh! Nagwawala na ako sa loob-loob ko.
“Wala! Umalis ka nga diyan!” Tinulak ko siya dahilan para marinig ko ang tawa niyang ubod ng hinhin. Kung marinig niya lang tawa ko, akala mo pinapakuluang tubig sa takure o di kaya sinasapian ng masamang esperito..
“Binibiro lamang kita, Aecy Alliyah. Kumusta ka? Kumusta ang iyong panahon?” I cleared my throat. Seryoso na siya ngayon, tinawag na'ko sa pangalan ko eh.
“Ayos lang, nakita ko ulit yung pamilya ko. Pero maniwala ka man o hindi, ilang oras lang nung makabalik ako sa panahon ko pero dito dalawang buwan na agad ang lumipas. Ang dami sigurong nangyari sa'yo.” Sabi ko.
“Malungkot ang lumipas kong buwan, hindi kita nakikita kahit sa malayuan man lang. Tunay na ang daming nga nangyari, sumuko na si Erwin sa mga guwardiya sibil at pinagbayaran na ang kaniyang kasalanan. Hindi na muling nagpakita ang punong madre at tuluyan ng naatras ang nakatakdang kasalan nila Gabriel at Katrina.” Pag-kwento niya. Napatango naman ako at naupo sa isang malaking bato habang pinapanood ang mga alitaptap na malaya sa paglipad nila.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasía"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...