𝗧𝗵𝗶𝗿𝗱 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻'𝘀 𝗣𝗢𝗩
Maganda ang sinag ng araw at maganda ang panahon. Sa hindi kalayuan ay matatanaw ang isang barkong malapit nang dumaong.
Sa hintayan naman ay makikita ang isang matangkad na lalaking naghihintay sa pagdaong ng barko. Naka puting uniporme ito at suot ang kaniyang malaking sombrero.
Ang mga kababaihang napapadaan ay palihim na tinitilian ang lalaking iyon, nginginitian niya rin ang mga ito pabalik. Siya ang kanang kamay ng Gobernador-Heneral at ang Pinuno ng mga Guwardiya Sibil, si Hiroshi Kageyama.
Ilang sandali pa at tuluyan ng dumaong ang barko at nagsilabasan na ang mga sakay no'n. Ang pinakahuling lumabas ay isang magandang babae at mukhang amerikana. Maputi at makinis ang kutis. Purple corset dress ang suot nito at may malaking bulaklaking lilang sombrero rin.
Siya ang sentro ng atensyon ng mga kalalakihan dahil mababakas na siya'y hindi nagmula sa Filipinas kundi sa Britanya. Kitang kita rin ang dibdib niya dahil sa suot at tila normal na ito sa kaniya, ngunit hindi sa bansang kaniyang pinuntahan.
Mabilis na tinanggal ni Hiroshi ang kaniyang suot na uniporme at pinatong iyon sa balikat ng babae upang maitago ang dibdib nito sa mga mapagnasang mga mata ng ilang kalalakihan.
“Maligayang pagbabalik, binibining Regine, Inaasahan ka ng Gobernador-Heneral, ang iyong Tiyo sa kaniyang palasyo.” Matamis na ngumiti ang babae kay Hiroshi.
“Thank you, Hiroshi. Ikinagagalak ko ring makita kang muli.” Inalalayan ni Hiroshi ang babae papunta sa kalesa.
Binitbit naman ng isang lalaki ang mga gamit ng babae.
Lahat ay nakatingin sa kaniya habang taas noo itong maglakad. Sopistikada ang itsura niya, halatang palaban at maarte rin. Pulang-pula ang lipstick nito at talagang kumyansa sa kaniyang sarili.
“Ano ang dahilan kung bakit bigla kang umuwi rito sa Filipinas? Hindi ba't sinabihan na kitang hindi ka ligtas dito? Ang iyong nakatatandang kapatid ay hindi ko pa rin natatagpuan, tanging ikaw at ako lamang ang nakakaalam na siya ay nawawala. Paano kung makilala ka ng mga taong dumukot sa iyong kapatid?” Maarteng pinaikot ni Regine ang globo.
“Hindi ba't pinadalhan mo ako ng sulat na may gumagamit ng aking pagkakakilanlan? Iyon ang aking dahilan kung bakit ako narito. At kung may dudukutin man, titiyakin kong hindi ako, Tiyo. Kundi ang babaeng hipócrita na iyon.” May ngisi sa labi nito.
“At isa pa. I want to meet him, the man I liked when I was a child. Nais kong makita muli ang lalaking hanggang ngayon ay laman ng aking puso.” Humarap ito sa Gobernador-Heneral na napapailing sa kaniya.
“Hanggang ngayon ay siya pa rin ang iyong iniibig. Siya ay may kasintahan na, Regine. Wala ka ng aasahan sa kaniya, wala ka ng pag-asa sa aking inaanak.” Napahawi ang babae sa kaniyang buhok at tinitigan ang hawak niyang mansanas..
Napangisi ito. “Anong saysay ng salitang ‘mang-agaw’ kung hindi ko naman mapapakinabangan?” Napunta ang tingin niya sa Tiyo niya na hindi makapaniwala sa mag sinasabi nito.
“Siya ay ang babaeng nagpapanggap na ikaw, Regine. Ang kasintahan ni Sebastian.” Tumaas ang kilay ni Regine.
“Alam ba ito ni Sebastian?”
“Marahil ay hindi.” Tugon ng kaniyang Tiyo. Napangisi na naman si Regine.
“Mabuti! Ngayon, babawiin ko ang dapat na sa akin lang. Kung naagaw ko siya noon kay Vienna, maaagaw ko rin siya ngayon sa babaeng hipócrita.” Kumagat ito sa hawak niyang mansanas at agresibo iyong nginuya habang matalim na nakatitig sa bintana.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...