ʚChapter 87ɞ

6 1 0
                                    

Kailangan kong mahanap si Lola at alamin ang totoo. Kailangan ko ring makabalik sa panahon nina Sebastian.

Nilibot ko ang kabuuan ng bahay namin pero wala si Lola, hindi ko matagpuan. Nagtungo ako sa garden at napahinga nang malalim nang naroon si Lola at nakaupo sa upuan.

“Lola....” Tawag pansin ko sa kaniya. She looked at me, smiling.

And the book... Nasa kandungan niya yung libro at hinahaplos-haplos niya.

What? How?


Paanong na kay Lola ang libro? Pero ang diary ni Sebastian ay kasama ko ngayon dito?

I'm confused.

“Oh apo, magandang umaga.” Nakangiti nitong bati at tinapik ang katabi niyang upuan. Nakita ko kung paano niya ako pinagmasdan mula ulo hanggang paa habang naglalakad ako palapit sa kaniya.

Naupo ako sa tabing upuan niya at napatitig sa libro.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung io-open ko ba ang nangyari kay Lola.

Hinarangan ng dalawa niyang kamay ang cover ng book dahilan para mapunta ang tingin ko sa kaniya.

“May gusto ka bang sabihin, apo?” Bakas ang nginig sa boses niya dahil sa katandaan.

Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Alam kong may alam si Lola. Hindi naman niya itatago yung libro sa basement kung wala siyang alam sa libro eh.

“Bakit niyo po tinago yung libro?” 'Yon ang unang lumabas sa bibig ko. Gusto kong itanong kung paano ako makakabalik sa nakaraan but I don't wanna jump into conclusion.

“Akala ko ang itatanong mo ay paano ka makababalik sa nakaraan, hija.” Nanlaki ang mga mata ko. Does she know? She do.

“L-Lola...” Nagsimulang maggilid ang mga luha ko.

“Napunta ka lang sa nakaraan, naging iyakin ka na, apo ko.” Natatawa nitong sabi. Totoo nga, alam na alam niya.

Niyakap ko siya nang punasan niya ang pisngi ko.

“Lola, sorry po. Sorry po matigas ang ulo ko.” Umiiyak kong sabi habang nakayakap pa rin sa kaniya. She's caressing my back.

“Matigas pa rin ba ang ulo mo ngayon? Mag kwento ka nga sa nangyari, hija.” Kumawala ako sa kaniya at umayos ng upo. Pinatong ko rin ang diary sa hita ko at napahinga ng malalim. I'll tell her everything, siya lang ang makatutulong sa akin.


I started telling her what happened from the very beginning. About Tiya Teresita what she did to me. Everything. Even about Sebastian.

When I mentioned Sebastian at siya na ang laman ng kwento ko, nagbago ang itsura ni Lola Pasing. Her face softened at parang paborito niyang fairytale book ang kine-kwento ko.

Napansin ko rin agad ang mahigpit na paghawak niya sa libro hanggang sa matapos ako.

“A-Ano pong nangyari sa inyo ni Tiya Teresita? Ang litrato niyo po nung dalaga kayo, nakita ko po doon sa kwarto ni Tiya Teresita.” Dahan-dahang sumandal si Lola sa upuan niya at napatingin sa kailangitang pasilip na ang araw.

“Napunta rin ako sa nakaraan, apo.” She started a convo. Nagulat naman ako sa biglang usal niya.

“Sa taong 1880 din. Ilang araw pa ay napunta rin si Teresita sa nakaraan at masaya kaming nanirahan doon hangga't hindi nagpapakita sa amin ang libro na ito na dahilan ng aming paglalakbay sa nakaraan. Sa kasalukuyang panahon pa lamang namin ay magkaibigan na kami, ngunit nagbago ang aming pagsasama ng dahil sa isang lalaki. Isang lalaking nagpabago ng aming buhay, ng aming paniniwala, maging ang plano naming bumalik sa aming panahon ay nasira. Una ko siyang nakilala sa Intramuros, at pinakilala ko siya kay Teresita. Hanggang sa mas lumalim ang pagkakaibigan namin ng lalaking iyon at bawat pagkakataong magkasama kaming tatlo, palagi kong nahuhuli ang panakaw na tingin ni Teresita sa aking iniirog. At doon pa lamang, alam ko ng iniibig din ng aking matalik na kaibigan ang lalaking iniirog ko.” She stopped and looked at me.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon