ʚChapter 10ɞ

39 3 0
                                    

“Katrina, batiin mo ang anak ni Don Zandro  na si Gabriel.” Tawag ni Sebastian sa hindi kalayuan.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Katrina bago bitawan ang braso ko.

“Sandali lang, binibining Aecy ha?” Tinanguan ko lang siya at pinanood na lumapit doon sa isang lalaki.

I crossed my arms when I saw Sebastian approaching me.

“Ganiyan mo pa ako kinasusuklaman at naka ganiyan ang iyong braso sa aking harapan? Niligtas ko ang iyong buhay.”

“So what? Konsensiya ko ba bakit naiinis ako sa'yo?” Hindi ko rin alam saan kong hinuhugot ang inis ko pero kapag nasa harap ko na siya, naha-highblood ako.

“Tsaka sinusumbat mo ba yung pagliligtas mo sa'kin?” Tinaasan ko siya ng kilay.

Nakita ko ang pagngiti nito ng maliit dahilan para lumabas ang dimple niya. Agad akong napaiwas ng tingin.

“Hindi naman, binibini. Ikaw ay aking binibiro lamang.” Pumwesto ito sa tabi ko at sinuot ang sombrero niya.

Pasimple kong sinilip ang mukha niya at nakangiti pa rin siya.

“Happy? Happy yung pag-tripan ako.” Bulong ko at inirapan siya.

Nang bumaling ang ulo niya sa'kin at agad akong umiwas ng tingin.

I cleared my throat. Mas binilisan ko rin ang pagpaypay sa akin para ma-lessen ang awkwardness na nararamdaman ko.

“Haha...” Napatingin ako sa kaniya nang tumawa siya ng mahinhin pa rin as expected.

Nakatingin ito sa pamaypay ko kaya napatingin din ako doon.

Nang ibalik ko ang tingin sa kaniya ay nakatingin na ito sa'kin at malawak na nakangiti.

“Oh ano namang ngini-ngiti mo diyan?” Mas binilisan ko ang pagpaypay sa'kin.

“Hindi na ako magtataka kung bakit maraming babae ang nagkakagusto sa akin. Maski ikaw na kakikilala palang ako ay hindi na maitago ang nararamdaman.” Natatawa niyang usal.

Napangiwi ako.

Grabe, ang lakas naman ng hangin ditooo...

“Ano? Ako gusto kita?” Tinaasan ko siya ng kilay at tinuro ang sarili ko.

Nginuso naman niya ang paraan ng pagpaypay ko at napahinto ako sa pagpaypay ng may ma-realize!

Gosh! Nag-assume siya sa paraan lang ng paypay? Eh ano naman kung naiinitan ako?

“Assumero ka rin pala eh. Wala naman akong gusto sa'yo.”

“Ngunit hindi tinatanggi ng paraan ng pagpaypay mo, binibini. Lalo pa nasa harap ka ng isang binatilyo.” Napahinto ako.

Gosh! Yeah, right! May meaning 'yon! Oh fvck! Magka iba pala ang panahon sa panahon nila. Bakit ba hindi na lang siya ang mapunta sa panahon ko para malaman niyang normal 'to???

“FYI ginoong Sebastian, naiinitan ako kaya mabilis ang pagpaypay ko!” Mabilis kong usal.

Hindi pa rin naaalis ang ngiti niya.

“B-Binibini!” Gulat nitong daing ng paluin ko siya ng abaniko. Napahawak din siya sa braso niya at gulat pa ring nakatingin sa'kin.

“Assumero ka! Hindi nga kita gusto!” Inirapan ko siya dahil sa inis at mabilis na binaling ang ulo ko sa harap.

I crossed my arms again.

“Ikaw ay tunay na kakaiba.”

Paano ako naging kakaiba? Loko to ah!

Hindi ko na lang siya pinansin at pinanood si Katrina na kausapin yung Gabriel  daw.

“Sino naman yung kausap ni Katrina?” Bakas pa rin sa boses ko na ayaw ko siyang kausap, pero naiintriga talaga ako eh.

Halatang ilap si Katrina doon sa lalaki.

“Siya si Gabriel Hallado, ang takdang mapangasawa ng kapatid kong si Katrina. Mahahalata mong hindi ito ang kagustuhan ni Katrina ngunit wala kaming magagawa sa desisyon ng aming ama.” Nanlaki ang mga mata ko.

“So ia-arrange marriage si Katrina?” Gulat kong tanong kay Sebastian.

Kumunot naman ang noo niya.

Gosh! Hindi ba talaga sila marunong mag-English?

“What I mean is pilit lang ang kasal?” Tumango siya. Napamaang ako.

Woah! Even in this time legal ang arrange marriage?

“Ikaw ba binibini? Ikaw ba ay ikakasal na rin?” Napatingin ulit ako sa kaniya at nakatingin ito sa'kin.

Umiling ako at pinantayan ang tingin niya.

“Wala eh, failed yung date to marry guy ko.” Umiwas ako ng tingin nang kumot ang noo niya.

Hays! Turuan ko 'to ng English.

“Paumanhin binibini kung hindi ko maunawaan ang iyong mga tinuturan. Iilan lamang ang alam kong salitang Ingles sapagkat ito ay hindi tinuro sa amin. Tanging Tagalog at Espanyol lamang ang aming lenggwahe.” My mouth formed an "O" . Napatingin ulit ako sa kaniya.

“Pinagbabawal?” Tanong ko.

Tumango naman siya.

Umiwas ulit ako ng tingin at nagpaypay na lang ng mas mabagal, baka may masabi pa siya eh.

“Binibini,  Pwede bang samahan mo ako sa simbahan ngayon? Araw ng pagbisita kasi sa  simbahan ngayong araw.” Napatingin na naman ako sa kaniya at nagtagpo ang mga mata namin.

I gulped.

Tumango ako kahit hindi ko naman talaga gustong sumama.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon