ʚChapter 19ɞ

19 2 0
                                    

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagmatigas pa rin.

“Hindi mo ba nakikita yung oras? Alas kwatro palang, maaga pa masyado oh.”Tinuro ko pa ang orasan.

“Ikaw marahil ay oras nang natulog kagabi kaya inaantok ka pa. Ganitong oras ang gising, Aecy. Mag-a-almusal na tayo.”
Mas nilapit niya yung basket sa'kin.

Napabuntong hininga ako at inis na tinanggal ang kumot ko. Busangot akong Tumayo ako sa higaan at tinanggal long sleeve na suot ko dahilan para matira na lang ang manipis na sleeveless kong suot.

Kita ko kung paanong mabilis siyang umiwas ng tingin sa akin.

“Oh nasaan tapang mo? Sabi mo bibihisan mo ako?” Nakita ko ang paggalaw ng panga niya bago tumalikod sa'kin.

“L-Lushia, tawagin mo ako kapag bumalik pa rin siya sa kaniyang higaan.” Napangisi ako nang walang tingin tingin siyang lumabas ng kwarto ko.

“Kakainin mo rin pala sinabi mo eh.” Napatingin ako kay Lushia na nakatingin sa akin.

“B-Binibini, hindi niyo ho d-dapat ginawa iyon. Aninag ho kasi ang inyong dibdib, binibini.” Mabilis akong napatingin sa dibdib ko at shocks! My nípplés are clearly visible! Fvck! Fvck!

“Oh gosh, Aecy! What have you done!?” Napasapo ako sa noo at napaupo sa kama.

“Oh my goodness! Paano ako haharap sa kaniya? Nakakahiya na.” Nagpapadyak-padyak ako sa sahig habang ini-imagine kung paano niya nakita!

“WAAAA!!!!” Malakas kong ngawa at napahiga sa kama.

I looked at the ceiling and heaved a sigh.

“Binibini, tatawagin ko lang po ang ginoo.” Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Lushia.

“What? Why? Bakit mo siya tatawagin?”

“Sabi niya ho kasi ay tawagin ko siya sa oras na bumalik kayo sa inyong higaan.” Dali-dali akong bumangon at tumayo mula sa kama ko.

Oh God! Bakit ba ang masunurin ng mga tao dito? Hindi ba sila aware sa tandem?

Paano ako haharap kay Sebastian? Gosh! Wahhhh!!!!! Nakakahiya ka Aecyyyy!!!!!!

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon