“Dios te salve, María, llena eres de gracia; el Señor es contigo; bendita tú eres entre todas las mujeres, y bendito es el fruto de tu vientre, Jesús.”“Santa María, Madre de Dios, ruega por nosotros, pecadores, ahora y en la hora de nuestra muerte. Amén.”
“Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo; bukod kang pinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.”
“Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen.”
Sari-saring mga dasal, bulong, at akala mo kumakanta ang naririnig ko. Dinig na dinig ko rin ang kampana ng simbahan.
Napadaing ako nang maramdamang sumakit ang likod ko. Nung hinila ako ng libro, para akong hinulog mula sa langit tapos bumagsak at nawalan ng malay.
Ang sakit sa likod.
“Diyos ko! Siya ay buhay! Hindi siya isang birheng Maria, siya ay buhay!”
“Maryosep, patawarin tayo ng Panginoon!”
“Buhay ang dalaga. Tulongan nating makatayo.”
Nadilat ko ang mga mata ko at napansin ko agad ang mga babaeng naka puti at itim na kasuotan, mga madre. Kaniya-kaniya silang may hawak na libro at lahat sila nakatingin sa akin.
Napatingin din ako sa kinahihigaan ko at table 'yon. Table ng simbahan. What the?
“Naayos na ba ninyo ang nangyari? Dinala na ba ni Ken Jason ang dalaga sa silid tanggapan? Malapit nang magsimula ang kasalanan.” Rinig kong sabi ng kung sino. Ako ba ang tinutukoy niya?
At may ikakasal tapos sa maling lugar pa ako napadpad? Oh gosh, nakakahiya!
“Ayos ka lamang ba, binibini? Tutulungan kitang tumayo.” Napatingin ako sa humawak sa braso ko at inalalayan naman niya akong tumayo.
“Ano ba ang iyong pinagsasabi, Salome? Ngayon ay Oktubre bente uno, ikaw ba ay iniwan na ng iyong utak?”
“Dalawang buwan na rin pala ang nakalilipas simula nang matakwil si Ginoong Sebastian sa kanilang pamilya ano? Nalulungkot ako sa kaniyang sinapit, mapa hanggang ngayon ay nabibilog pa rin ni Don Jacinto ang kaniyang isip. Hindi man lang maka-tanggi si Ginoong Sebastian, siya'y aking kinaaawaan.”
“Nasa Diyos ang awa, Salome. Maghanda na lamang tayo sapagkat ilang sandali na lang ay magsisimula na ang kasalan.”
Natameme ako sa narinig. 2 months has already passed? Eh ilang oras palang nga nang makabalik ako sa panahon ko eh.
Daig ko pa pagong sa sobrang bagal maglakad. Hindi pa rin ako maka-get over sa narinig ko kanina.
Why are they mentioning Sebastian and Don Jacinto? At bakit niya kinaaawaan?
”MAGSISIMULA NA ANG KASALAN!” Napahinto ako sa paghakbang nang marinig ko iyon. Humarap ako sa bukana ng malaking pinto nang magsimula nang pumasok ang mga taong nakasuot ng magagara.
Hindi ko alam kung bakit sobrang curious ako sa bride and groom. There's something beneath this floor that keeps pulling me to stay still, to wait until the groom enters.
I heaved a sigh. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ako kinakabahan.
Hindi ko rin alam bakit may thoughts akong si Sebastian ang groom at si Regine ang bride.
Dalawang buwan.
That's what the madre said, dalawang buwan na ang lumipas simula nung itakwil siya ng pamilya niya. That means, sa panahon na 'to, dalawang buwan na ang lumipas.
Akala ko ba tatapusin niya ang lahat? Tapos hahanapin niya ako?
Is he lying again? Is he making nonsense again just to let me fall to my false hopes? Why is this so painful?
Ganoon na ba katagal ang dalawang buwan kaya nag no choice na lang siya at pakasalan si Regine?
But no. Maybe hindi sila 'to.
Maybe not—
Pero lahat ng pag-asa ko bumagsak, lahat ng natitirang perhaps sa'kin ay tuluyan ng nawala nang makita ko si Elizabeth, Manuel, Katrina maging si Martin na pumasok at naupo sa harap.
“Binibini? Hindi niyo na po ba kaya ang sakit at kayo'y lumuluha na riyan? Hali na po kayo, dadalhin na po namin kayo sa—” Hindi ko pinansin ang sinabi ng madre na umaalalay sa akin.
Nakatingin lang ako sa lalaking tahimik at malumanay na naglalakad sa aisle habang nasa tabi nito si Winchi, may mga pagkakataon na mapapabuga ng hangin at may mga pagkakataong akala mo nagp-practice ng pag-ngiti.
Hindi ako pwedeng magkamali sa nakikita ko ngayon. Ang lalaking minsang nai-imagine kong naghihintay sa akin sa altar habang dahan-dahan akong naglalakad papalapit sa kaniya ay siya namang maghihintay sa babaeng hindi ako.
Hindi ako ang ikakasal sa kaniya.
Kundi siya. Ang babaeng bumago ng tahimik naming relasyon, si Regine.
Sunod-sunod na nagsitulo ang mga luha ko habang nanghihinang pinapanood ang dahan-dahang pagbukas ng malaking pinto ng simbahan.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Viễn tưởng"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...