Hindi ko alam paano makikita ang libro.
“Baka maaari kang sumulat ng isang liham? Kung hindi naman ay baka nasa tahanan iyon ng punong madre.” Sabi ni Sebastian habang nagpapahinga kami sa labas ng maliit na kubong tinutuluyan namin ngayon.
Nandito kaming lahat maliban kay katrina na umuwi sa bahay nila dahil hindi alam ni Don Jacinto ang nangyayari sa'min.
Wala rin dito si Hiroshi. I know he's hurt, I didn't mean to hurt him. Umuwi na rin si Winchi dahil baka hanapin na siya ng mga magulang niya.
Si Gabriel, Vienna, Gwen, ako at si Sebastian lang ang naririto ngayon. Dito muna kami magnanatili pansamantala. Buti nga mayroong bahay kubo si Winchi eh, kahit malawak na palayan ang bungad sa likod, okay na.
Gabi na rin at tanging liwanag lang ng apoy ang nagsisilbing ilaw namin ni Sebastian sa ngayon.
“Hindi. Alam kong magpapakita mismo sa'kin 'yon, wala 'yon kay Tiya Teresita.” Mentioning her name hurts me. Hindi ko akalaing siya pala ang mas traydor sa kanila.
“Kung ganoon, paano ka makakabalik sa iyong panahon?” Hinarap ko siya.
“Bakit ba atat na atat ka? Ayaw mo na ba akong makasama?” Mahina itong tumawa at ginulo ang buhok kong maayos. Para siyang gobyerno, sinisira yung maayos na daan para ayusin.
“Hindi, nais ko lamang malaman kung muli ba tayong magtatagpo.” Paliwanag niya. Inirapan ko siya at umayos ng upo.
Mahabang troso lang ang inuupuan namin ngayon. Isang metro pa ang layo namin sa isa't isa.
Wala na kasing kami kaya ayon, no touching.
Napatingin ako sa inuupuan namin nang may nilapit siya sa aking kulay brown na aesthetic vintage notebook.
“Isa iyang talaarawan. Naglalaman ng mga kaganapan sa aking buhay, mga salitang hindi ko magawang masabi ay sinusulat ko riyan. Sa kalagitnaan ng libro ay ang pagsisimula ng ating kwento, lahat ay nariyan. Maging ang mga tula't matatalinhagang salitang alay ko sa iyo ay nariyan. Ikaw ang paborito kong sinusulat dahil binibigyan mo ng buhay ang librong iyan. Ngayon, nais kong ikaw naman ang sumulat at punuin ang natitirang mga pahina ng aking talaarawan at isama mo sa oras na makabalik ka sa iyong panahon.” Kinuha ko ang makapal na libro at pinagmasdan 'yon. Ang ganda ng mga vintage designs.
I opened the first page of notebook and mesmerized by his handwriting. Shet! Daig niya pa akong akala mo kalaykay ng manok kung magsulat, napaka ganda ng sulat niya. May pagka-Gothic ang style.
He's really something. Nakaka-in love talaga siya. Plus points na naman siya sa'kin.
“Bakit naman binibigay mo ito sa'kin?” Tanong ko habang seryosong binabasa ang unang page ng diary niya. Wow! His life was interesting. Ang dami ko na agad nalalaman sa kaniya first page palang.
I closed the book nang makalahati ko ang binabasa ko at tumingin na sa kaniyang nakatitig na sa akin ngayon.
Nakakatunaw pa rin ang mga titig niya.
“Iyan na lamang kasi ang tanging bagay na maiiwan ko sa iyo maliban sa ala-ala nating dalawa. Nang sa gayon, kahit magkalayo tayong dalawa, may kasama ka pa ring pag-aari ko.” Nakangiti niyang sabi.
By his words, alam kong mangyayari at mangyayari ang pagbabalik ko sa panahon ko.
I was about to say something when his diary moved. Mabilis akong napaatras, ganoon din si Sebastian.
Mag-isang bumukas ang diary sa kalagitnaan ng libro, it's page 76. Kung saan nakamalaking titik ang “ANG AMING UNANG PAGKIKITA” that serves as the title of the page.
![](https://img.wattpad.com/cover/376343364-288-k899823.jpg)
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...