ʚChapter 22ɞ

20 2 0
                                    

Sa ilang oras kong pag-gagala ay marami na akong nalaman. Nakaka-amaze rin pala dito. Disiplinado rin ang mga tao, mababait. Kahit mag-isa ako, walang nagtangkang gawan ako ng masama. Pero may mga pakawala rin. Literal na ugaling palengke ang ilan.

“Binibini, mukhang kayo po ay nagmula sa mayamang pamilya. Maaari ko ho bang malaman?” Nagsalubaba ulit ako habang pinapanood si Susan na nagbabalat pa rin ng kawayan.

“Pamilyang Arandia” Nanlaki ang mga mata niya napangiwi ako.

Ang OA na talaga ng mga tao noon palang.

“Kung gayon ay ina po ninyo si Ginang Clarita?” Tinanguan ko lang siya.

“Kayo po ba ang nagngangalang Carmela?” Umayos ako nang upo pero nakaharap pa rin sa kaniya.

Mukhang interested siya masyado eh.

“Hindi, ako si Aecy. Ang bunsong anak nila.” I hate to lie, but I don't have a choice. Nagbago ang expression niya at muling bumalik sa ginagawa.

Psh! Pati siya snobbish.

“Hindi pa po ba kayo uuwi?” Tanong nito.

“Nakalimutan ko yung daan pauwi eh.” Napapakamot ako sa batok nang sabihin ko 'yon.

Napatingin na naman ito sa'kin na gano'n pa rin ang expression, akala mo may ginawa ako sa kaniya.

“Mag-ga-gabi na po. Delikado tuwing gabi, binibini, lalo pa ikaw ay isang babae.” Untag nito. “Maaari niyo pong alalahanin ang daan at kayo po ay aking sasamahan, kung iyon ay ayos lamang sa inyo.” Dagdag pa niya.

Oh! That's a good idea.

“Alam mo ba yung bahay ng mga Xelvestry? Doon ako tumutuloy sa ngayon.” Nanlaki na naman ang mga mata niya, gulat na gulat?

Mabilis niyang binitawan ang kawayan na hawak at nilapitan ako.

“Halika na po, binibini.” Nagmamadali nitong usal.

Nagmamadali talaga siya, parang may mangyayari naman sa akin eh.

“Sasamahan ko lang po si binibini na maka-uwi, amang Pedro.” Napatingin ako sa lalaking kinausap niya at masama ang tingin nito sa'kin, agad ding lumambot nang mahuli niya akong tumingin din sa kaniya.



“Bakit hindi niyo po kasama si binibining Carmela? At bakit po kayo nakatira sa pamilya ng mga Xelvestry, binibini?” Tanong nito.

Nakasakay kami sa kalesa ngayon, siya na raw ang magbabayad kasi sabi ko wala akong pera.

“Hindi ko kasama si ate Carmela.  Nakatira naman ako sa mga Xelvestry kasi pinakiusap 'yon ni Tiya Teresita, ang punong madre.”

Napatango naman siya pero napansin ko lang ang marahas niyang paghawak sa kamay niya.

Hindi ko na lang 'yon pinansin, baka mannerism niya lang talaga ang ganiyan.

“Narito na ba tayo?” Tanong ko dahil hindi pa rin ako familiar sa dinadaanan namin.

I'm really bad at directions, mabilis kong makakalimutan ang daan kaya wala akong sariling kotse.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa panonood sa kapaligiran. Ang buong expect ko, magulo sa nakaraan pero hindi, normal lang ang pamumuhay ng mga tao.

Napangiti ako nang makarating kami sa bahay nila Katrina. Agad akong bumaba, gano'n din si Susan pero pinaghintay niya lang yung kalesa.

“Salamat, Susan.” Nakangiti kong usal sa kaniya. Nginitian niya rin ako at tinanguan ako.

“Umuwi ka na rin ha, gabi na.” Tumango lang ulit siya. Kinawayan ko lang siya at nag-ala ninja na naman para makapasok.

Pero matyagang nagbabantay lang ang mga guwardya kaya hindi ako makalusot. Nakarinig ako ng mga yapak kaya nagtago ako sa isang malaking halaman.

“Hindi niyo ba talaga napansing naka-alis ang binibini? Kanina pa siya hindi nagpapakita, wala sa kaniyang silid at wala rin sa buong bahay. Baka naman hindi ninyo ginagawa ng maayos ang inyong trabaho at naka-alis ang binibini.” Narinig ko ang boses ni Sebastian at parang galit naman siya.

Ako ba yung binibini? Kanina pa ako hindi umuuwi eh.

“Assumera ka rin, Aecy eh. Malay mo si Vienna pala  'yon, bumalik siya.” Napairap ako sa hangin at lumabas sa halaman.

Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa marating ko ang likod ng pader.

Mataas 'to, pero pwedeng akyatin.


“Ha!” Mahigpit kong tinali ang dulo ng baro't saya ko para malaya akong maka akyat.

Kita na ang legs ko pero I don't care, I have to come inside.

“Pinapahirapan pa kasi ako eh, pwede namang kumain muna yung mga guard.” Inis kong bulong sa sarili at umakyat sa mataas na poso siguro tawag dito.

I tiptoed to hold the edge of wall. Nang mahawakan 'yon ng dalawang kamay ko ay buong lakas akong umakyat. Inalalay ko ang paa ko sa dulo ng pader para maka-upo ako ro'n.

“Yahh! Sa wakas.” Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay nakaupo na'ko.

“Buwis buhay 'to ah.”

Napadungaw ako sa ilalim at nanlumo nang mataas ang babagsakan ko at walang pwedeng patungan.

“Pûtchâ! Mapipilay pa ata ako ng 'di oras.” Nilibot ko ang tingin ko dahil baka may makapansin sa'kin dito at humanap ng pwedeng alternative way para makapasok.

“Kung gano'n ikaw nga ay tumakas.” I froze. Dahan-dahan akong napatingin sa baba at nakatayo si Sebastian doon habang naka-cross arms, wala ring expression ang mukha niya.

So ako ang hinahanap niya?

I wish! Hindi naman ako tumakas eh, umalis lang.

“Hoy umalis lang ako 'no!” Mahina kong sigaw dahil baka may makarinig.

“At inabot ka ng sampung oras, saan ka nagtungo kung gano'n kahabang oras ang nakain ng iyong pag-alis.” Napanguso ako.

Bakit bilang na bilang niya? Hindi ko nga napansing 10 hours pala akong wala.

“Masamang mag-enjoy? Umalis ka nga diyan, bababa ako.” Utos ko sa kaniya.

I gestured to move but he just stayed there, ang kulit talaga!

“Bakit ba gustong-gusto mong pinapahirapan ang iyong sarili? May daanan, bakit diyan ka dumadaan?” Inirapan ko lang siya.

“Trip ko lang, ba't ba? Umalis ka na diyan!” Inis kong utos pero hindi pa rin siya gumalaw.

Wala pa ring expression ang mukha niya. Parang tatay ko naman 'tong nahuli akong gabi na umuwi.


The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon