“Binibining Aecy, tayo na.” Hinigit ko siya sa braso para akbayan kaya nagulat naman siya agad. OA talaga ng mga tao rito!
“Ipakilala mo ako bilang kaibigan mong bibisita ah? Sabihin mo bibisita ka lang.” Alinlangan pa siya pero tumango rin kalaunan.
Nakayuko lang ako habang naglalakad papalapit sa gate.
“Ginoong Hiroshi? Mabuti po at napabisita kayo dito, kay tagal na ng huli niyong pagpunta rito.”
“Ganoon na nga. Ikaw pa rin pala ang bantay ng mga Xelvestry, masaya akong makita ka ulit, Ismael.”
“Ganoon din po ako.”
Jusko 'tong mga 'to, nag-uusap pa.
“Sino po yung kasama mo, ginoong Hiroshi?” Mas yumuko ako nang mapansin na nga ako.
“Aking kaibigan, kasama ko siyang bibisitahin si Sebastian. Maaari na ba kaming pumasok?”Hindi ko alam kung tumango ba yung guard kasi walang nagsalita.
Nang humakbang si Hiroshi ay doon ko napagtantong pumayag nga ang guard. Sinabayan ko naman siya sa paglalakad at bahagyang inangat ang tingin ko sa nakabukas na pinto ng bahay nila.
Ano kayang meron?
“Anong meron, Hiro” Kinalabit ko siya.
“Hindi ko rin batid, binibini. Tumuloy na lamang tayo.” Tinanguan ko na lang siya at tumingin sa dinadaanan ko.
Hindi ko alam kung bakit kabado ako eh naglalakad lang naman kami papasok sa bahay nila at tatanungin si Sebastian kung bakit hindi niya ako sinipot sa aming tagpuan. Pero grabe kung tumambol ang puso ko, akala mo aalis na sa dibdib ko.
“Shûta para naman akong may pin@tay nito.” Bulong ko sa sarili at mahigpit na hinawakan ang saya ko.
“AMA! MAKINIG KA NAMAN SA AKIN!” Umangat ang tingin ko ng marinig kong boses ni Sebastian na sumisiga . Naalerto naman ako at nagmadaling pumunta hanggang sa marating ko ang bukana ng bahay nila.
“Ako ang iyong pakinggan! At huwag na huwag mo akong pagtataasan ng boses, Sebastian. Parang hindi kita pinalaki ng maayos kung pagtaasan mo ako ng iyong boses riyan!” Galit na boses iyon si Don Jacinto.
I can see them now. Magkaharap si Sebastian at si Don Jacinto. Habang si Donya Elena naman ay nakaupo sa upuan at pinapaypayan ni Elizabeth at Katrina kasama na din si Martin, tila nahihirapan siyang huminga. Habang nakatayo naman sa likod ni Don Jacinto si Manuel.
Pero isang babae ang nakakuha ng attention ko. It wasn't Vienna, but a beautiful girl. Maputi siya at malayo ang itsura sa kanila, foreigner siya.
She looks sophisticated while looking at Sebastian who's now talking again.
“Pinagkakaitan ninyo ako ng karapatan. Oo nga at ako'y inyong pinakain at binihisan, ngunit hindi habang buhay hahayaan ko na lamang kayong kontrolin ang aking buhay. May sarili na akong pag-iisip at desisyon.” Iyon ang sabi ni Sebastian. Napakunot noo naman ako, bakit parang ang intense doon?
Anong nangyari at nagsasagutan silang mag-ama?
Sa nakikita ko ay parang nawala ang galit na nararamdaman ko kay Sebastian napalitan ng pagtataka at pagalala. Nakatingin ako sa kaniya na lukot lukot ang barong na suot at magulo ang buhok niya. Wala rin itong tsinelas sa paa niya.
“Binibini? Mukhang maling oras ang ating nadatnan. Umalis na muna tayo rito.” Hindi ko pinansin si hiroshi na nagsalita at seryoso lang na pinapanood silang nagpipigil na masaktan ang isa't isa.
Fvck! What's happening?
“Hindi kita pinalaki upang sagutin ako ng pabalang, Sebastian. ¡No tienes ningún respeto por tu propio padre!” [Wala kang respeto sa sarili mong ama!]
Nagulat ako ng biglang sàmpalín ni Don Jacinto si Sebastian. Tumabingi ang mukha niya at nasa direksiyon ko iyon. Nakita ko pa siyang pagak na natawa.
Napatingin siya sa direksiyon ko at nagulat din siya ng makita ako.
Napalunok ako. May kalayuan siya sa akin pero kitang kita ko ang mugto niyang mga mata at ang magkabilaan niyang pisnging na may pasa. Dûmudúgo rin ang gilid ng labi nito at ang taas na bahagi ng pisngi niya.
Did his father did that?
Nasa kaniya lang ang tingin ko nang umayos siya ng tayo at mabilis na nilakad ang pagitan namin. Habang papalapit siya at nasa mukha niya lang ako nakatingin, at sa mga mata niyang malungkot ang emosyon.
Nang marating niya ang kinatatayuan ko ay hinawakan niya ang kamay ko. Nginitian niya pa ako ng maliit bago higpitan ang pagkakahawak sa kamay ko at naglakad.
Nabigla ako kaya nalaglag ang suot kong sombrero. Natatalisod din ako sa bilis ng hakbang niya kaya nilakihan ko rin ang mga hakbang ko.
Now, I feel even more nervous. He's holding my hand as if he don't want to let it go and he just want to grip on it.
We stopped in front his father, halos may isang metro lang ang layo.
Naramdaman kong mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.
“Sinasagot kita ama dahil may dahilan ako at pinagtatanggol ko ang aking sarili. Batid mong simula bata ako ay ang desisyon mo ang lagi kong sinusunod dahil iyon ang iyong nais, ngunit ngayon hayaan mo sana akong magdesisyon para sa aking sarili.” Dama ko ang hinanakit sa boses niya.
“Anong ibig sabihin nito? Anong ginagawa ng babaeng iyan sa aking pamamahay?!” I flinched because of Don Jacinto's shout.
“Siya po ang babaeng mahal ko at nais ko lamang iharap sa altar. Siya ang aking kasintahan, ama. Siya lang ang nais ko pakasalan, ama.” Taas noong usal ni Sebastian at walang pag-aalinlangan.
Kita ko naman ang gulat ni Don Jacinto at Katrina. Ramdam ko ring gulat ang iba pa maliban kay Katrina.
“ANO ANG IYONG SINASABI?!” Napapikit ako sa sobrang lakas ng sigaw ni Don Jacinto. Humigpit din ang hawak ko sa kamay ni Sebastian. Ramdam kong medyo tinago niya ako sa kaniyang likuran.
“Siya po ang babaeng mahal ko at nais ko lamang iharap sa altar. Siya ang aking kasintahan, ama.” Inulit niya ang sinabi niya kanina. Halatang namimilosopo pero nakakagaan sa puso.
He never denied me. He's the proudest man to announce that I am his kasintahan.
“Ano?! Kay sandaling panahon pa lamang kayo nagkakilala at ngayon ihaharap mo siya bilang iyong nobya? Ako ba'y pinagloloko mo upang takasan ang desisyon ko para sa iyo?!” Dinig kong sabi ni Don Jacinto. Sinilip ko siya pero napunta lang ang tingin ko kay Manuel na seryosong nakatingin sa akin. Napa-iwas naman ako agad ng tingin dahil hindi ko gusto ang binibinigay niyang tingin sa'kin.
“Desisyon na para lamang sa iyo, ama.” Madiin na sabi ni Sebastian. “At hindi para sa akin. At totoo ang aking mga tinuran, siya ay aking kasintahan. Hindi panahon ang makapagsasabi kung ano ang totoong pag-ibig, ama, kundi ang mga pusong parehong nasa iisang lugar at parehong tinitibok ang pag-ibig ng isa't isa.” He added.
Naiiyak ako. Yung inis ko kay Sebastian tuluyang nawala. He's really the man I can't still believe I have now. He's like a dream. A perfect character in a fictional book. He's so unreal.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...