ʚChapter 64ɞ

6 0 0
                                    

------------------------------------------------------------------

Napunta sa akin ang tingin ni Don Jacinto.

“Ganiyan ka ba kababang babae upang sagutin agad ang aking anak? O kaya mo binigay ang iyong ‘Oo’ ay dahil mayaman ang aming pamilya at ikaw ay isang kaladkarin?” Napaatras ako sa sinabi niya.

Hindi ako ganoon. Hindi ko kailan man inisip na mayaman si Sebastian, hindi ako gold digger.

“M-Mahal ko po ang anak niyo.” Nautal pa ako sa unang salita ko. Humigpit na naman ang hawak ni Sebastian sa kamay ko.

“Bakit tila hindi ka pa sigurado? Anak, narinig mo, hindi ka niya tuna—Wala kayong karapatang pagsalitaan ng ganiyan si Aecy, Ama! Hindi ninyo siya kilala, hindi ninyo siya kailan man kinilala kaya wala kang karapatang sabihin iyon dahil iyon ay walang katotohanan. Ramdam kong mahal niya ako at hindi ang kayamanan ko ang habol niya. Ano bang alam ninyo sa pagmamahal? Tila hindi niyo naman tunay na mahal si ina.”

“Ho!” Napabulalas ako nang suntukîn ni Don Jacinto si Sebastian pero hindi siya bumigay sa sahig. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko.

“Walang hiya ka! Wala kang karapatang magsabi ng mga salitang walang katuturan!” Singhal ni Don Jacinto.

Tumayo ng maayos si Sebastian and face Don Jacinto again.

“Hindi ba't masakit sa damdamin na pagsabihan at tanongin ang pagmamahal mo sa taong tunay mo namang mahal talaga? Iyon ang aking naramdaman, at batid kong naramdaman din ni Aecy, Wala ka ring karapatang magsabi ng wala namang katuturan!”

Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Don Jacinto.

Napapalunok lang ako dahil sa intense na nangyayari.

Naramdaman kong gumalaw si Sebastian at hinila na naman ako. Bitbit niya ang isang may kalakihang bag. Nagpatianod na lamang ako kahit natatalisod na'ko.

Tinatawag pa ang pangalan niya pero hindi siya lumilingon.


Nakatingin lang ako sa nagtataas baba niyang balikat habang hila-hila niya ako at nakasunod lang sa kaniya.

Nang makalabas kami ng bahay ay agad kaming hinarangan ni Hiroshi.

“Seb, ayos ka lamang ba? Anong nangyari sa iyo?” Hindi rin siya pinansin ni Sebastian at tuloy tuloy na nilampasan si Hiroshi na nagaalala.

“Hindi siya ayos, hayaan mo na muna! Ako na muna bahala sa kaniya!” Sigaw ko kay Hiroshi na nakatanaw pa rin sa'min.

Naramdaman ko na naman ang malamig na haplos ng hangin sa aking balat. Ramdam ko rin ang init sa pagitan ng magkasiklop naming mga kamay.

I was just looking at the strands of his hair na nililipad na rin ng hangin.

It feels heavy. He feels heavy and I can feel it.

Hindi ko alam kung saan na kami pumupunta pero hinayaan ko lang siyang hilain ako at dalhin sa kung saan. Napapatingin pa ako sa paa niyang walang pang sapin.

I want to initiate a talk but I don't know what to say. I want to pinch his hand to let him know I'm already tired but I also want to let him do this. I want to sing him a song so that he could calm but I don't have a good voice.

Ang dami kong gustong gawin ngayon pero hindi ko magawa kasi gusto ko ring pakalmahin niya muna ang isip niya.

“Pagod ka na?” Mahina ang boses niya.

“Hindi pa.” Pagsisinungaling ko dahil ayoko ring tumigil kami kahit sumasakit na ang paa ko sa bilis ng lakad namin tapos para pa kaming sira kasi mukhang hinihila niya talaga ako.

Tumigil siya sa paghakbang kaya nauntog ang noo ko sa braso niya.

“Hindi marunong magsinungaling ang iyong tinig, mahal ko. Paumanhin at pinagod pa kita.” Nagulat ako nang bigla niyang higitin at niyakap.

Naipit ang dalawa kong kamay sa dibdib niya kaya hindi ko siya mayakap pabalik. Hinawakan niya ang ulo ko at dinikit sa dibdib niya habang ang isa niyang kamay ay mahigpit na nakayakap sa likod ko. Sinandal niya rin ang ulo niya sa ulo ko at rinig ko ang mahihina niyang buntong hininga.

“Paumanhin kailangan mo pang masaksihan at marinig ang mga iyon, mahal ko.”

There his "Mahal ko" go again. Grabe, parang kahit gaano pa yata kabigat ang mangyari sa buhay ko, marinig ko lang 'to mula sa kaniya ay nagiging okay ang lahat eh.


The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon