ʚChapter 90ɞ

8 1 0
                                    


Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, pakiramdam ko magco-collapse na lang ako bigla.

Nakatingin lang ako kay Sebastian na maayos na maayos ang kasuotan, bagay na bagay niya ang barong na suot niya. Pati ang medyo brushed up hair niyang naka-gel, bumagay sa kaniya. Ang gwapo niya talaga.

I swear, I'm not waiting for him to look in my direction.

But I do hoping.

“Binibini, tayo na ho. Kayo po ay kanina pa umiiyak.” Hindi ko ulit pinansin ang sinabi ng madre sa tabi ko. Alam ko magsasawa rin siya.

Tama si Lola, napunta lang ako sa panahong 'to naging iyakin na ako.

Mahigpit kong kinakagat ang labi ko, wala ng pakialam kung dumúgô man 'yon. I'm just looking at the man I love with a teary eyes.

At parang huminto ang lahat nang sa wakas napunta sa direksiyon ko ang tingin niya. Nang magtagpo ang mga mata namin, halata ang gulat sa expression niya.

And now, meeting his eyes was the wrong choice to make but I couldn't even shift my gaze off him.

Bakit ng sakit? Ang sakit ng paraan ng pagtitig niya? Bakit ganito na lang lagi? Bakit kailangan nasasaktan na lang ako lagi?

Kung ano mang kasalanan ko sa nakaraang buhay ko, bakit kailangan kong pagdusaan sa buhay ko na 'to?

Parang pinipirat ang puso ko.

“A-Akala ko i-iba ka sa kanila... A-Akala ko h-hindi mo ako sasaktan gaya ng ginawa ng iba... A-Akala ko ikaw n-na...” I bursted into tears while saying those words. Parang kinakausap ko lang din siya, ang kaso... hindi niya naririnig.

Ramdam ko na ang panginginig ng mga tuhod ko habang pinipilit kong ihakbang patalikod ang mga paa ko.

Nakatitig pa rin kami sa isa't isa. Simula nang magkatitigan kami ay hindi siya kumurap ni isang beses, nakatitig lang siya sa akin at kumikislap na ang mga mata niya.

Mariin akong napapikit. Hindi ko kayang tagalan ang titig niya, mas nasasaktan lang ako.

Sabi ni Lola mamang pigilan ko ang kasal, pero hindi ko man lang magawang magpunta roon at isigaw ang “Itigil ang kasal!”

Dinilat ko ang mga mata ko at natagpuan pa rin ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

Tinatapik na siya ni Winchi pero maging si Winchi napunta sa akin ang titig. Nang nakilala ako ay napatingin siya kay Sebastian at parang may binulong.

Papalapit na si Regine sa kaniya pero hindi binaling ni Sebastian ang tingin niya sa iba, nasa akin pa rin.

Dinig ko na ang ilang tao na tinatawag ang attention ni Sebastian pero hindi siya nagpapatinag. Nasa akin lang ang tingin niya na para bang sobrang tagal naming nawalay sa isa't isa.

“Sebastian! Magsisimula na ang kasal. Ano ba ang iyong ginagawa?”

“Umayos ka, Sebastian. Umayos ka.”

“Si Aecy, narito ang babaeng iyon.”

Sari-sari na ang naririnig ko pero gaya ni Sebastian, sa kaniya lang din ako nakatitig.

Hindi ko alam kung nagzo-zoom in lang ba siya sa paningin ko o totoong naglalakad si Sebastian papalapit sa akin dahilan para mag-ingay palengke ang karamihan.

Well, iniwan lang naman niya yung bride niya sa altar at ngayon naglalakad siya papalapit sa ex niya.

Hanggang sa ilang hakbang na lang ang layo niya sa akin ay nakatitig pa rin siya sa akin. Nilahad niya ang kamay niya, napunta ang tingin ko ro'n at nanginginig ang kamay niya.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon