Inuwi ko siya.
Yes.
Inuwi ko ang boyfriend kong ayaw umuwi sa kanila kasi that home doesn't feel home anymore na raw kasi he already found his home in me.
“Ackkkkkkk!!!! Like teh, oh gosh! Siya mismo unang humalik sa'kin. Alam mo yung kiss na mabagal lang pero dahil siya na 'yon, ang sarap.” Masaya kong kwento habang nakahawak sa labi ko at inaalala ang kiss namin kanina.
Nasa kwarto ako ngayon ni Gwen para lang i-kwento 'to kasi hindi ko na kayang itago pa ang kilig na nararamdaman ko.
Napatingin ako kay Gwen na nakangiwi sa'kin pero kinagat ko lang ang labi ko para pigilan ang ngiti ko.
“Ang creepy mo na ha! Kanina nagra-rant ka pa sa'king naghintay sa Luneta ng 2 hours tapos ngayon kilig na kilig ka diyan.” Parang inasinang isda lang ako nang gumulong sa higaan niya.
“Ano naman?! Mas nanaig kilig ko eh. Pake mo ba?” Inirapan niya lang ako at naghubad sa harap ko. Walang hiya talaga!
Tinakpan ko ang mga mata ko. “Wala ka talagang respeto 'no? Ang liit-liit ng dibdib mo tapos maghuhubad ka sa harap ko, mabuti sana kung malaki 'yan eh kahit irampa mo pa sa harap ko.” Natatawa kong sabi. Naramdaman ko namang tinapunan niya ako ng pinaghubaran niyang damit na agad ko ring tinapon sa sahig.
“Nahiya ako sa'yo ha! Nahiya ako sa'yong walang kinakapitan yung bra!” Napatingin ako sa kaniya.
Aba!
“Hoy for your information, mas malaki naman ang b0obies ko sa'yo! May makakapa pa , eh sa'yo, ba meron?” Inirapan ko siya.
“Heh! Puntahan mo na lang kaya doon ang boyfriend mo at gumawa na kayo ng anak para may dalhin ka sa panahon mo!” Pinanlakihan ko lang siya ng mga mata bago padabog na umalis sa kwarto niya.
Kinakabahan naman akong pumasok sa kwarto ko at natagpuan ko si Sebastian na walang damit pang itaas. Napalunok ako. Nakatalikod ito sa'kin pero parang natutunaw na ata ang mga tuhod ko.
Gosh! It's my first time na makita siyang walang pang itaas. Likod niya lang ang nakikita ko but he's looking so hot!
Mainit, mainitttt...
I just watched him change his cloth at napapalunok pa ako sa paggalaw ng balikat at likod niya. Nang matapos siya ay nagkunwari akong kakapasok ko lang ng kwarto.
Manipis na saya lang ang suot ko, at walang brâ kasi basa yung sinusuot ko palaging brâ na nag-iisa lang at galing pa sa panahon ko. Tsaka magjowa na rin naman na kami, at once na niya akong nakitang ganito.
“Narito ka na pala, mahal k—” Hindi niya natuloy ang sinasabi niya nang napatingin siya sa dibdib ko. Napalunok naman siya at mabilis na umiwas ng tingin, namumula ang mga tainga niya.
Napangisi naman ako. Sus! Conservative talaga ng taong 'to.
I feel so respected tuloy.
“S-Sa sahig na ako m-matutulog.” Aniya. Napatingin ako sa sahig ay may nakalatag na roong banig ay manipis na unan at kumot.
“Malaki naman space ng higaan ko, pwede naman tayong magtabi.” Usal ko.
“Hindi maaari, mahal ko. Hindi tayo maaaring magsiping hangga't hindi pa tayo ikinakasal.” Aniya, hindi pa rin nakatingin sa akin.
Oh! So bawal talaga mag live in ang magjowa sa panahon ngayon? Kahit magtabi lang sa higaan?ganon?
“Wala naman tayong gagawin ah, tsaka wag mo ngang masyadong sundin yung mga striktong paniniwala na 'yan.” Naglakad ako hanggang sa marating ko ang kama ko at naupo roon.
“Ikaw ay aking nirerespeto lamang sapagkat ikaw pa rin ay isang binibini.” Anito. Humarap rin siya sa akin at naupo sa tabi ko.
Napatingin na naman ako sa sûgàt at pasa niya. I gently touched his woúnd, dumaing pa siya pero hindi niya winaksi ang kamay ko.
“Matulog ka na. Alam kong pagod ang isip mo.” sabi ko at hinawakan ang pisngi niya. Hinalikan ko pa siya sa labi at mabilis na humiga sa kama ko at nagtalukbong ng kumot. Alam kong nandoon pa rin siya.
My God! Walang hiya naman ako pero ngayon tuwing nagki-kiss kami, nahihiya na ako. 4 times na kaming nag-kiss, ngayon pa ako nahiya.
“Dâmn you, Sebastian. What did you do to me? I fell deeply.” I whispered as I closed my eyes.
“Tulog ka na ba, mahal ko?” Napadilat ako ng mga mata nang marinig siyang nagsalita. Inalis ko rin ang taklob ko at gumulong sa kabilang dulo ng kama ko para makita siya sa lapag.
“Hindi pa, ikaw ba?” Napatingin siya sa akin at tumawa. Kumunot noo naman ako, anong nakakatawa sa sinabi ko?
“Paano kung sabihin kong tulog na ako, paniniwalaan mo ba?” Inirapan ko siya. Wow ha! Wow!
T@nga naman kasi ng tanong mo, Aecy eh.
“Sebastian?” Tawag ko sa pangalan niya. Tinignan naman niya ako.
“Hmm?” He hummed.
“Sino yung babae kanina sa bahay niyo? Ang ganda niya. Kamag-anak niyo ba siya?” Tanong ko. Nagbago naman ang emosyon niya at nakita ko pa ang bahagyang paggalaw ng panga niya.
“Bakit mo naman naitanong yan, mahal ko?” Tanong niya pabalik sakin.
“Wala lang naman, ngayon ko lang kasi siya nakita. Mukha siyang foreigner.” Tugon ko, nakatingin pa rin sa kaniya na umiwas na ng tingin ngayon.
“S-Siya lamang ay bisita ni a-ama. Hindi ko siya kilala.” sabi niya at nilingon akong muli.
Iba rin ang tono ng boses niya nang sabihin niya 'yon pero ayokong mag-overthink na naman baka ano pa maisip ko at lalong baka ikakasakit ko pa yun. Baka kaya ganoon ang boses niya kasi galit pa rin siya sa father niya.
“Bakit hindi tayo makinig ng musika gamit ang bagay na iyong pag-aari?” Anito. Napangiti naman ako at gumulong ulit sa higaan para marating ang kabilang dulo ng higaan ko at kinuha ko ang cellphone kong nakapatong sa maliit na estante.
Nang makuha 'yon ay gumulong ulit ako pabalik pero sumobra ako at nahulog kay Sebastian. Sumakto mismo ako sa ibabaw niya.
Gulat naman niyang nayakap ang bewang ko habang nakatingin sa'kin. Our eyes met, and my heartbeat runs fast. It's beating so fast.
“U-Uh e-eh sorry nasubrahan ang pag gulong ko kaya nahulog ako.” Tatayo na sana ako sa ibabaw niya nang mas niyakap niya lang ang bewang ko.
“Ikaw na ang may sabi, maaari naman sigurong kalimutan ko ang aking paniniwala sa tuwing kasama kita. Wala naman tayong masamang gagawin hindi ba, Mahal?” Nang-aasar ang tingin nito at mas niyakap ako.
Mahina kong sinuntók ang dibdib niya at hinayaan na lang siya. I put the earbud in his right ear, while the other one in me. I hugged him too and closed my eyes as the song played.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...