ʚChapter 40ɞ

17 1 0
                                    

“Kabog! Sinauna ang atake ko. Shala teh, ang ganda ko dito oh ,tignan mo.” Napatingin ako kay Gwen nang lumabas siya ng kwarto ko.

Napangiti ako nang makitang kasya sa kaniya ang baro't saya na pagmamay-ari ng totoong pamangkin ni Tiya Teresita na nasa ibang bansa ngayon.

“Dito lang pala babagay itsura mo eh.” Sinamaan ako nito ng tingin kaya tinawanan ko na lang siya.

Ang expect ko naman maco-confuse pa siya bakit siya nandito, tapos na agad acceptance stage niya kahit hindi pa nag-uumpisa eh. Tanggap agad.

Feel na feel naman niya, parang dito talaga siya lumaki.

“Bes, ngumiti ka naman diyan. Sino ba kase nagpapalumbay sa'yo dito? Ikaw ah, wala na akong update update sa buhay mo. Isa pa yung cellphone ko, wala dito. Eh! Baka may nagnakaw na no'n. Pero keri lang, enjoyable naman dito kahit walang internet.”Napangiwi ako sa kaniya.

Paano niya nakakaya??? Gosh! Hindi ko talaga alam kung maling panahon lang ba siya pinanganak o pinangarap niya 'to, na mag-time travel.

“Speaking of cellphone, I have mine with me here.” Nanlaki ang mga mata niya.

“It's in my pocket nung napadpad ako rito.” Paliwanag ko agad.

“Bes, mag selfie tayo!!! Sulitin na natin. May picture ka na dito?” Paanyaya niya.

Isa palang ang picture sa phone ko, yung malawak na palayan.

“Naku bes, get your phone. Dalhin natin, let's make memories. And look what I have!” Masaya niyang tinaas ang dalawang black shades.

Sinuot niya pa ang isa at nag-rock and roll sign. Napangiwi ako, bakit dalawa bitbit niya?

“Nakakita na ba sila ng dalagang târantãdò? Welcome to us, Philippines!” Sigaw niya at natatawa akong napasapo sa noo ko.

Pûtcha! Feeling ko agad na may kahihiyang gagawin 'to.

Mukhang pag palagi ko itong kasama, kailanganin ko ng masyadong pampakapal ng mukha.

Hinila niya ako papasok sa kwarto ko at pinakuha sa'kin ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon sa drawer at pinakita sa kaniya.

“Walang bar dito? Patugtugin natin song natin tapos sayaw tayo.” Humalakhak siya.

Minsan talaga hindi ko alam kung saan siya dadalhin. Kung sa bar ba o sa mental hospital.

Bitbit namin pareho ni Stella ang ibang pinamili ni Tiya Teresita, bitbit ko ang mga isda samantalang mga gulay naman ang kay Gwen.

Nasa tindahan kami ngayon ng mga damitan dahil bibilhan niya raw ng masusuot si Gwen. Favoritism din 'tong si Tiya eh.

Abala rin ako sa pagtitingin nang mapatingin ako sa isang parte ng lugar na medyo patago. I even squinted my eyes to see if I'm really seeing them together.

“Patago pa talagang magkita ang dalawa.” Bulong ko. Sumiksik ako sa mga damit para malaya silang makita, nakita ko rin si Lushia sa hindi kalayuan at nagmamasid.

Napangisi ako at pasimpleng lumusot sa kumpulan ng mga damit at naglakad dahan-dahan papalapit sa kanila.

“Bawal 'yan ah, patagong nagkikita, ha!.” Malalim kong sabi.

Gulat na napatingin pa sa akin sila pero agad ding guminhawa nang makilala ako.

“Bes! Kumusta ka? Ano ang iyong ginagawa rito? Paumanhin at hindi kita mapuntahan sa inyo, kami ay pinagbabawalang makita ka at isa pa, hindi ko alam ang tahanan ng punong madre.” Malungkot ang expression niya nang hawakan ang mga kamay ko.

“Binibini! Narito po kayo.” Napatingin din ako kay Lushia na masayang nakatingin sa akin. Lalapitan niya sana ako nang pigilan siya ni Katrina.

“Manatili ka roon, Lushia. Magmasid ka sa paligid.” Napanguso siya at bumalik na lang sa pagmamasid.

Napangiti naman ako, miss na agad nila ako eh magkakasama palang kami kagabi.

“Ano na nga, bes?” Kibo niya ulit.

Napatingin ako kay Winchi at bumalik ang tingin kay Katrina, nang-aasar ko naman siyang nginitian at tinitigan. Pinanlakihan niya ako ng mata at halatang nagpipigil ng ngiti.

Psh! Kapag siya nanunukso tuwang-tuwa, kapag ako tuwang-tuwa pa rin siya.

“Nasa iyo ang usapan, sagutin mo na lamang ang aking tinatanong.” Aniya.

“Ulitin mo, nakalimutan ko na.” Napapakamot kong untag.

“Hindi ko inuulit ang aking sinasabi ngunit para sa'yo ay aking uulitin.” Aniya. Napaawang ang mga labi ko, uso na rin pala pride noon.

“Napakatahimik ng bahay simula nang umalis ka, maging si ina ay palaging wala sa kaniyang wisyo. Maging ang aking nakakatandang kapatid na si Kuya Sebastian ay hindi maka-usap ng maayos ni ama.” Usal niya.

Medyo matagal na rin kaming nag-uusap.

“Binibining Katrina, narito na po ang inyong ina.” Biglang lumapit si Lushia sa'min. Aligaga namang nilingon ni Katrina si winchi.

“Ikaw ay umalis na, aking mahal. Padadalhan na lamang muli kita ng sulat para sa ating sunod na pagkikita. Mag-iingat ka, mahal ko.” Napa-iwas ako ng tingin ng nag-kiss pa sila bago umalis si winchi.

Napangiwi pa ako.

Pft! May tinatagong landí rin pala 'tong katrina  na 'to.

Napapanguso ako para pigilan ang ngiti ko.

“Bes, alam ko ang iniisip mo.” Kibo niya.

“Hindi kaya, wala akong nakita.” Depensa ko. Inirapan niya lang ako gaya ng lagi kong ginagawa sa kaniya.

“Halika, isasama kita. Nais ka ring makita ni ina.” Hinawakan ni katrina ang aking kamay  at walang pasabing hinila ako palabas ng tagong lugar na 'to.

It's like a mini park ay may tatlong naglalakihang puno sa tabi na talagang itatago ang loob nito dahil sa mga sanga at dahon.

“Ina, si Binibining Aecy ho.” Mahinang usal ni Isabela upang tawagin ang atensyon ni Donya Elena.

Nang humarap siya sa amin ay ngumiti agad ito ng malawak at mabilis na tinawid ang pagitan namin. Niyakap niya rin ako pero hindi natamaan ang sûgat ko.

“Maryosep! Kumusta ka, hija? Ang iyong sûgat ba ay nalilinisan?” Tumango lang ako sa kaniya. Kakalinis lang ni Gwen kanina bago kami umalis.

Binansagan pa akong bayani amp!

“Paumanhin sa naging asal ng aking asawa, hindi ka niya nauunawaan. Ngunit nauunawaan kita, hija. Magaling ang iyong ginawa, kanina nga ay binisita ko si Joven. May malay na siya ngayon.” Napangiti naman ako.

As he should! Hindi pwedeng hindi siya lalaban, kailangan niya pang lumaban for himself.

“Kayo lang po narito?” Tanong ko naman.

“Hindi. Kasama namin sina Sebastian at Martin ngunit hindi ko batid kung saan nagpunta si Sebastian, si Martin ay naroon, kausap ang ilang mamamayan na akala mo ay may planong sumunod sa yapak ng kaniyang ama.” Pagkwento nito.

Hinahawakan niya pa rin ang mga kamay ko at masayang tinititigan ako.

Nandito pala siya? Nasaan naman kaya siya?

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon