“Pinagtagpo siguro tayo ng tadhana para pag-isahin ang ating mga puso. Narito at may sinulat akong tula para sa iyo, hindi ako nagsusulat nito ngunit ginugol ko ang aking oras para lamang makabuo ng isang tulang ikaw ang nilalaman, mahal ko.”Dagdag niya.Ramdam ko na naman ang guilt ko. I just left him there last night, hindi man lang nag atubiling kausapin siya tapos ngayon kung kausapin ko siya parang wala lang nangyari.
“Kung iniisip mo ang nangyari kagabi, huwag kang mag-alala dahil naiintindihan ko. Nauunawaan kong hindi ka pa handa.” Nakangiti niyang usal. Pero alam kong nasaktan din siya nang i-open niya 'yon ngayon, bakas sa mga mata niya.
Iniisip niya sigurong wala na siyang pag-asa sa akin.
“Nais mo bang mamasyal? Maganda ang araw ngayon at sa tingin ko, magiging maganda pa ito lalo kapag kasama kita.” Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para pigilan na naman ang ngiti ko.
Bakit ang dali lang sa kaniyang pangitiin ako? Feeling ko talaga ginayuma niya ako eh.
“Saan naman tayo pupunta?” Tanong ko sa kaniya.
“Kung saan tayo mapadpad ng mga paa natin, kung saan nakaramdam na tayo ng pagod. Huwag mong isipin ang layo, alam ko kung paanong makakabalik.” He assured.
Ngumiti ako ng tuluyan at nilunok na ang hiya ko. Ito rin naman talaga balak ko kapag nagkita kami, ang maka usap siya ng matagal.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsiklop ang mga kamay namin. Mas lumawak ang ngiti ko ng mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at nagmartsa na kaming maglakad.
“Hoy brvha walang motel dito!” Napalingon ako kay Gwen na nasa labas na ng office habang hila hila ang buhok ni Gabriel? What the hêll?! At hindi man lang nagpupumiglas si Gabriel?
“Magde-date lang kami!” Pabiro kong sigaw pabalik at nagtuloy-tuloy na kami ni Sebastian sa paglalakad hanggang sa makalabas ng simbahan.
Para kaming couple. Ang cute.
Wow! Just wow.
Nakaka-amaze ang Manila sa panahon na 'to. It looks really aesthetic and as a fan of aesthetic stuffs, I find these places really IG coded.
Ang Intramuros, napakalaki at napakaganda. Ngayon ko lang nalaman na yung Fort Santiago pala ay kulungan dito, I always skip Araling Panlipunan and History when I was studying. Nangangapa tuloy ako ngayon dito.
Ang palagi naman naming pinupuntahan na simbahan ay katedral ng Maynila ang tawag, iyon naman daw ang pinakamahalagang Katolikong simbahan sa Pilipinas.
Nagtungo rin kami sa Anyumiento, isa iyong City Hall. 'Yon daw amg sentro ng pamahalaan ng Maynila sa panahon na 'to.
May dalawa pa kaming nadaanang simbahan, ang San Sebastian Church at Santa Cruz Church.
Grabe, ang Maynila talaga ang sentro at pinakamayaman sa kasaysayan ng kultura.
Ang susunod na pupuntahan namin ay Binondo. Nakapunta rin ako doon nung nasa panahon ko pa ako, Chinatown ang tawag doon. The oldest Chinatown in the world. At sabi ni Sebastian, sa Luneta naman ang huli naming pupuntahana kaya nakaka-excite.
Nakakapagod na pero masaya, susulitin ko na 'to 'noh. Free travel, wala pang mga usok ng gasolina sa daan kaya ang sarap huminga.
“Seryoso? So Las Filipinas pa or Filipinas pa ang tawag sa bansa? Hindi pa Pilipinas?” Mangha kong tanong.
“Hindi ba't magkasingtunog lamang iyon?” Tanong niya. Napakamot ako sa ilong ko dahil magmumukha lang akong balîw kung ipagpilitan ko pa.
“Ewan ko sa'yo. Tara na lang.” Hinila ko na si Sebastian nang matanaw ko na ang mga kumpulan ng mga tao na kaniya kaniyang pila.
“We're here! Ang Chinatown.” Anunsyo ko at tinaas pa ang isa kong kamay.
Buhay na buhay talaga ang ang Chinatown noon, makulay at masaya. Puno ng mga tindahan, iba't ibang pagkainan, at may mga templo pa.
Hinila ko si Sebastian sa may tindahan ng mga alahas.
“Pumili kana para kay Vienna diyan, baka may gusto siya.” Usal ko at tinitignan din ang mga alahas. Geez! Totoo bang mga ginto 'to? Or not?
“Bakit ko naman siya pipilian?” Napatingin ako kay Sebastian na nakakunot ang noo sa'kin ngayon.
“Baka gusto niya rin ng jewelries. Malay mo, magkasama naman kayo kanina eh.”
Umiwas na ako ng tingin at kinuha iyong pearl na bracelet, this looks so stunning. Bagay sa kutis ko.
“Hindi ba't dapat ikaw ang pilian ko dahil ikaw ang nililigawan ko at hindi siya?” Kibo na naman niya.
“Eh bakit kasi magkasama kayo kanina?” Usal ko nang hindi siya tinitignan.
Abala ako sa pagpili ng jewelries kahit wala akong perang pambayad nito.
Baka manalo intrusive thoughts ko na ibulsa 'tong nga 'to eh, wala namang cctv sa panahong ito.
Mukhang may halong ginto pa naman ang ilang jewelries, instant millionaire ako nito kung makabalik ako sa panahon ko.
“Dahil pupuntahan namin si Padre Spencer upang kausapin siyang alisin na ang nakatakdang kasal namin sa kaniyang kuwadernong pang kasal. Kailangan ng sulat kamay namin doon.” Paliwanag niya. Hindi ko lang siya pinansin.
Tapos ang feeling masyado ni Vienna non, What the—?
“Niyayakap ka pa nga sa braso eh, bumili ka ng dalawang bracelet na magkatulad.” Saad ko.
“Bakit magkapareho at para saan?” Hindi ko siya tinignan.
“Para couple bracelets kayo. Para magkapareho kayo ng susootin na bracelet.” Naiinis na'ko ah! Ang dami niyang tanong.
“Kung ganoon, ano naman ang breyslet?” Napatingin na'ko sa kaniya.
“Hindi mo alam?” Umiling siya.
Bagsak ang balikat ko siyang inirapan. Akala ko pa naman alam niya, kung magsalita siya parang naintindihan eh. Nako!
![](https://img.wattpad.com/cover/376343364-288-k899823.jpg)
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Фэнтези"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...