Ilang beses na ba akong kumurap at hanggang ngayon kumukurap pa rin ako?
Parang umiikot ang paligid ko at nagz-zoom in and out ang kwarto pati ang mga gamit dito.
Panigurado hindi maipinta ang mukha ko habang nakatulala sa lampara.
Napahilamos ako sa mukha at tinapik-tapik ang pisngi ko. Hindi naman ako nananaginip pero ang unrealistic ng nakikita ko.
"1880? Ha! 1880??? Ang layo ng 2024 sa panahon na 'to." Wala sa sariling usal ko.
"B-Bnibini? Paumanhin ngunit hindi ko nauunawan ang iyong emosyon, ikaw ba ay nagulat o ikaw ay nagtataka?"
Hindi ko tinapunan ng tingin si Katrina na kanina pa ako pinapakalma sa tabi ko matapos niya akong tulungang magbihis.
Hindi ko matanggap.
Ayaw mag-sink in sa utak ko ang nangyayari. So totoo ngang kinain ako ng libro at napunta ako sa nakaraan?
Pero bakit? Anong dahilan?
Paano ang Instagram ko? Road to 3k na ang followers ko doon. Panigurado wala pang kuryente sa panahon na 'to. Paano ako magch-charge? Walang kuryente.
Walang internet. Walang signal.
"Waaaa!!! Ayoko!!! Hindi 'to totoo!!!" Bigla akong napahawak sa ulo at napayuko.
"Paano sila Lola Pasing? Paano ang family at mga friends ko sa panahon ko? Hindi ko na sila makikita. Paano yung mga branded clothes, bags, perfumes, at sandals ko? Panigurado papakealaman lang iyon ni Aichille. Ayoko! No way! Bring me back to my generation!" Bulalas ko at pinalo ang makapal na baro't sayang suot ko.
"Paano na ang cellphone ko??? Hindi pwedeng pakialam ni Aichille 'yon dahil baka makita niya ang history ng Netflix ko. Oh my gosh! This can't be real." Sabog kong bulong.
Hindi pwede 'to!
Walang toothbrush sa panahong 'to for sure!!!
"Binibini? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Katrina.
"Hindi." Umiiling kong usal.
Nalungkot ang expression ng mukha niya. I pouted and I feel my tears already forming in my eyes.
"Anong nangyari? Maaari mo bang sabihin?" Hinawakan nito ang braso ko.
"Wala kasing signal dito tapos walang internet. Hindi ko pa tapos yung pinapanood kong movie, at hindi ko pa nada-download yung mga songs na ni-recommend sa'kin ni Kyden noon." Kumunot ang noo niya at parang hindi naiintindihan ang sinabi ko.
"Wala ring bar dito for sure, paano ako magwawalwal? Wala ring mall dito, paano ako bibili ng mga damit ko? Wala ring mga expensive restaurant dito, paano ako kakain ng Ratatouille Mashed Potato?" Naiiyak kong usal habang nakatingin sa kaniya.
Gulat naman ang expression nito at hindi alam ang gagawin.
"Huwag kang umiyak, binibini. Baka isipin nilang pinapaiyak kita."
Napanguso ako at mas lalong napaiyak.
"Aecy, ano ba itong pinasok mo?" Untag ko sa sarili at tuluyang napa-iyak.
"Napakalungkot ng buhay dito. Ayoko! Hindi ko matatanggap!" I keep sobbing and sobbing.
Narinig ko ang pagkatok ng pinto pero patuloy lang ako sa pag-iyak. Bumukas iyon at naramdaman ko ang pagtayo ni Katrina.
"Kuya Sebastian, bigla na lamang siyang umiyak ngunit hindi ko maunawaan ang mga sinasabi niya." Dinig kong mahinhin na usal ni Katrina.
"Anong gagawin ko rito? Kaka-graduate ko lang last month tapos plano kong i-enjoy muna ang buhay ko pero nandito ako sa panahong 'to? Anong gagawin ko rito? Mag-imbento ng ka-toxican?" Umiiyak ko pa ring sabi. Ngumawa ako nang maisip na baka habang buhay na ako dito.
"Binibini, ikaw ay kumalma." Mahinhin ngunit malalim na boses ni Sebastian iyon.
Lumapit ito pero hindi ako hinawakan upang patahanin.
"May orange juice ba?" Nakanguso kong tanong sa kaniya pero kumunot lang ang noo niya.
"Tignan mo! Pati ikaw hindi ako naiintindihan, paano ako mabubuhay dito kung wala namang nakakaintidi sa akin." Mas lalo akong napaiyak.
Kita ko naman ang nag-aalalang mukha ni Sebastian at ang kagustuhang hawakan ako pero hindi niya naman tinutuloy.
"Binibini, ikaw ay tumahan na." Usal nito. Napasinghot ako at napatulala na naman habang patuloy na umiiyak.
Masisiraan ata ako ng ulo dito bakit nangyari sakin ito? Bakittttt?
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...