“So ayon nga bes kasi edi nasa bar ba naman ang babaeng 'to, hindi ko pa knows noon na wala ka na pala sa 2024 era. Tapos ayon nga may lumapit sa aking matandang babae na binigyan ako ng book nung nagsûsvka ako sa sobrang dami kong alak na nilagok tas syempre confused ako kaya tinanong ko siya para saan naman yon. Sabi niya nasa panahong 1880 ka raw at kailangan nandoon din ako para may kasama ka, naku teh akala ko joker si lola ,eh! kasi ang imposible no'n. Akala ko rin may tama lang din siya ng alak eh hahahaha. Tapos ayon na nga, magkwento kwento na siya tungkol sa panahon na 'to tas syempre naniwala ako teh, lasing ba naman ako. Binuksan ko yung libro mismo sa harap niya tas teh akala ko paningin ko yung umiikot pvtcha yung libro! Hinila ako teh tas bumagsak ako sa kwadra ng mga kabayo, pvtcha sumubsob pa ako sa poopoo ng kabayo! Muntik pa akong sipain nung kabayo tas teh alam mo ba? Akala ko dala lang ng alak 'yon hanggang sa may matanda nang nakatayo sa harap ko doon ko nakilala si Lola Teresita, Pvtcha totoo nga, nandito kang brûha ka! Pero hangover pa rin ako bes.” Mahaba niyang kwento.
Yung kwento niya 5 minutes lang tinagal eh, tapos sabi ni Tiya Teresita mahaba? For sure, short cut 'tong kwento ni Gwen.
“Totoo po ba, Tiya?” Tanong ko. Tumango siya.
“Ginusto rin naman ng iyong kaibigan. At naisip ko lang na baka nais mo ng may makakasama ka na galing din sa panahon mo kaya dinala ko siya rito.” Usal niya.
Napatingin ulit ako kay Gwen na pinagmamasdan ang bahay ni Tiya habang amaze na amaze.
Mukha ngang ginusto niya.
“Wala bang side effect yung pag time travel namin? Like walang mababago sa future? Pamilya pa rin namin ang aabutan namin? Usually kasi sa time travelling na napapanood, once na bumalik sila sa panahon nila maraming nagbago.” Pagkwento nito na kinalunok ko.
Totoo nga 'yon, may napanood na rin akong katulad nong sinabi ni gwen na pag may nagbago sa past, babago din ang nasa future.
“Maaaring oo, maaari ding hindi. Hindi pa ito ang tamang panahon upang malaman ninyo. Humali na kayo at tayo'y mamalengke mamaya.” Magsasalita pa sana ako nang iwan na kami ni Tiya Teresita.
Ang hilig talaga nito ako iniiwan..Baka nga kaiwan-iwan siguro ako.
“Hoy teh, bakit mukhang wala ka sa mood yata? Hindi ka masayang nandito ako?!” Inirapan ko lang siya at pumasok na sa kwarto ko, sinundan naman niya ako.
Oo nga, bakit parang wala nga ako sa mood? Hays! Ang ganda ganda ng umaga, para naman akong pinagsakluban ng langit at lupa.
“Bes, si Charlote at Kayden na pala eh. Ang bilis naman, wala pang month yung breakup niyo may pinalit na sa'yong bago.” Napahinto ako sa pag-aasikaso ng susootin namin.
“Alam ko na 'yan, bago pa ako makapunta rito.” Tugon ko.
Naupo ako at hinarap siyang naka sandal sa pader habang naka cross arms.
“Eh kumusta ang puso mo? I know how it's hard for you, I just hope so you're already moving forward kasi wala ka ng mapapala sa kaniya eh. Tuluyan ka na niya talagang binitawan at kalimutan, sana gano'n ka rin. Sana you're learning to let things go.” Anito. She smiled a little bit and approached me.
Naupo siya sa kama at hinawakan ang kamay ko, sinundan ko lang ng tingin ang mga ginagawa niya.
“I do. Aaminin kong hindi ko maiwasang isipin siya at manghinayang sa naging relationship namin pero I realized din na masyado ko ng nilulunod ang sarili ko sa nangyari. I have to live without thinking about him, I should really move forward. Kaya siguro ako nandito sa time na 'to para ma-realize ang worth ko, to realize I'm being too much and hard to myself that I even forgot to be gentle with myself. I'm here to heal and to accept new love.” Napangiti ako nang maisip bigla si Sebastian.
Pero agad ding napailing! Gosh, why am I thinking of him???
No way! Wala ako sa mood pero nung naisip ko siya bumalik agad ang magandang mood ko.
Oh no! Sebastian is too dangerous for me na.
“In love ka bes? Huy sino 'yan. Ngumingiti-ngiti ka diyan ah, para kang t@nga.” Napatingin ako kay Gwen at ngumiwi.
Fvck! Nakangiti pa rin ako??? At anong in love???
Ako? In love? Kay Sebastian? No wayy! Hindi pwedeng mangyari to!
“Hoy hindi ako in love, I'm just appreciating his gentleman side and kindness 'no. Tsaka hindi ganon kadaling ma-in love super ikling panahon palang kaya.” Depensa ko.
“Hindi mo sure.” Banat naman niya at nang-aasar akong tinignan. Inirapan ko pang siya at tinalikuran siya.
Me? In love? Not gonna happen. I won't fall in love in this time, I won't love him in 1880.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...