“Nakakatuwa. Napakarami mong alam, ako'y tila napag-iiwanan ng panahon.” Natawa ako sa sinabi niya.
Naiwanan naman na talaga siya ng panahon.
“Dapat palagi ka lang tumatawa at ngumingiti, binibining Aecy. Napakaganda ng iyong ngiti kaysa sa pag-ikot ng iyong mga mata. Tila ikaw ay masayang kasama mo ako kapag ngumingiti ka sa akin at hindi ako tinitignan na parang ayaw mo akong kasama.” Hindi pa nila alam ang taray at irap?
Oh no!
Nginitian ko lang siya at nagtuloy na kami sa paglalakad.
“Sabi ko Aecy na lang, Sebastian eh.” Usal ko at hindi na siya tinapunan ng tingin.
Ang layo na rin namin sa bahay nila dahil halos nakalahati na naman ang malawak na hardin.
“Siya nga pala, Aecy. Batid mo na bang panandalian kang titira sa aming tahanan? Pinakiusap iyon ng iyong Tiya na si Madre Teresita. Hindi ko na narinig pa ang dahilan kung bakit.”
Napahinto ako at nanlaki ang mga matang napatingin sa kaniya.
“Titira ako sa bahay niyo???” Gulat kong tanong.
Kumurap ako ng ilang beses nang tumango siya.
Napalunok ako.
Okay naman sa'kin kasi close na kami ni Katrina at mukhang makaka-close ko rin si Elizabeth pero panigurado palagi ko ring makikita yung Manuel na yun.
“Uhm kung hindi mo mamasamain ang tanong ko, pwede ko bang malaman kung palagi rin sa bahay niyo si Ma-Manuel?” Tanong ko.
“Siya ang Kapitan Heneral kaya madalang lang siyang umuwi rito. Bakit, Aecy?”Napatango ako.
Ayoko namang sabihin uncomfortable ako sa kaniya, baka ma-offend siya.
“Wala naman, natanong ko lang.” Usal ko. Tumango rin ito sa'kin.
“Mas makikilala pa kita niyan, at mas magkakalapit pa tayo.” Anito.
Hindi ko na lang siya pinansin.
“Tara, uwi na tayo.”
Naglakad kami pabalik dahil wala kaming dalang lampara, nagdidilim na ang paligid.
“Ginoong Sebastian nandito ka lamang pala, may naghahanap sa inyo.”
Biglang sulpot ng isang babae na sa tingin ko ay katulong dahil hindi magara ang suot niyang saya.
“Sino ang naghahanap sa akin?” Huminto siya sa paglalakad, gano'n din ako.
“Narito po ang buong pamilya Hallado, at kayo po ay hinahanap ng bunsong anak nila.” Napatingin ako kay Sebastian nang tumingin ito sa akin.
“Binibining Aecy, sasamahan kang makabalik ni Lushia, ang aming kasambahay. Ako'y may pupuntahan lang.” Hindi na niya hinihintay pa ang sagot ko at sinuot na ang sombrero niya nang maka-alis ito.
“Binibini amp! Kulit niya talaga.” Pinanood ko lang ang likod niyang papalayo sa akin.
“Binibini? Kayo po ay aking sasamahang makabalik sa kanilang tahanan.” Tinanguan ko lang yung Lushia at sumabay sa paglalakad niya.
Napansin kong naka-siklop ang kamay nito at nakalagay sa harap.
Medyo nakayuko rin siya habang naglalakad kami.
“Hindi naman sa nakiki-chismis ako pero bakit parang ang importante ng pamilya na 'yon?” Tanong ko habang naglalakad kami.
“Ahh... Ang pamilya po kasi ng Hallado ay tanyag at kilala sa kanilang negosyo. Ang kanilang ama na si Don Zandro ay Juez de Paz, hukom ng lungsod na ito.” I crossed my arms and tilted my head.
That sounds familiar, parang narinig ko na yung pangalang Don Zandro.
“Eh sino naman yung bunsong anak nila at parang interesante si Sebastian?” Tanong ko ulit habang nakatabingi pa rin ang ulo.
“Siya po si binibining Vienna, ang nakatakda pong ipakasal kay ginoong Sebastian.” Napahinto ako sa paglalakad at gulat na napatingin kay Lushia.
“Ikakasal na si Sebastian???” Gulat kong tanong.
Mabilis siyang umiling sa'kin.
“Nakatakda palang po, binibini.” Yumuko siya.
Napunta ang tingin ko sa lamparang nakasindi sa itaas ng puno at napabuntong hininga.
“So kinikilig ako sa malapit ng ikasal? Wow, Aecy!” bulong ko.
“Binibini, tayo na po.”
Malakas kong winahi ang baro't saya na suot ko at mabilis na naglakad.“Ha! Anong akala niya sa'kin hindi marunong magtanda ng daan kaya kailangan pa akong ipahatid? Wish niya dahil alam ko!” inis na bulong ko. Lumalaki na ang butas ng ilong ko.
“Binibini, hindi po riyan ang daan. Dito po.” Lumiko ako at nagkunwaring walang nangyari.
Ano tumingin lang ako doon hehehe... At
Exercise din 'yon!
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...