𝗧𝗵𝗶𝗿𝗱 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻'𝘀 𝗣𝗢𝗩Takipsilim na at rinig na rinig ang hiyawan sa kutang iyon. Masasaya ang kanilang mga tinig.
"Sa wakas, hawak na natin ang babaeng 'to." Sabi ng isang lalaki habang hinahaplos ang mukha ng babaeng walang malay at nakagapos.
"Tila mas maganda ng malapitan ang babaeng ito ah." Sabi naman ng isa.
"Ngunit bakit mo binitag ang sarili mong pamangkin at sinuplong pa sa amin, punong madre." Lahat sila napunta ang tingin sa matandang babae na nakaupo sa upuan habang nakatingin kay Aecy.
Ang mga tulisan, sina Erwin ang dumukot kay Aecy at dinala sa kanilang kuta at nangyari iyon dahil sa tulong ng matandang ito, ang punong madre...
Si Tiya Teresita.
"Sabihin na lamang natin na may malaking kasalanan ang kaniyang lola sa akin at siya ang napili kong maging kabayaran. Ngunit hawak na ninyo siya, kayo na ang bahala sa kaniya." Sabi nito. Nag-apiran ang mga kalalakihan at nagsalok ng alak na kanilang tinungga.
"May atraso rin ang ang pamilya nito sa akin." Sabi ni Erwin at tinapunan ng alak sa mukha si Aecy upang magising.
Ngunit hindi siya nagising. Gumalaw ang panga ni Erwin at malakas na sinâmpàl ang babae kaya nagising ito. Tumama pa ang malaking singsing niyang hawak sa súgat ni Aecy sa pisngi.
"Ayan mabuti at gising ka na." Nakangising bati ni Erwin. Gulat at nagtatakang nakatingin si Aecy sa kanila.
"S-Sino kayo?"
"Sino kami? Ipakilala mo nga ang dalawa, Pedro" Lumabas mula sa malaking puno ang dalawa na kilalang-kilala ni Aecy.
"S-Susan? A-Ano 'to? Bakit nakagapos ako?" Utal-utal na sabi ni Aecy.
"Sila ay kabilang ng grupong pinamumunuan ko, at ikaw ang aming bisita ngayon." Nakangising sabi ni Erwin
Takot at kaba para sa kaniyang buhay ang nararamdaman niya ngayon.
𝗔𝗲𝗰𝘆 𝗔𝗹𝗹𝗶𝘆𝗮𝗵'𝘀 𝗣𝗢𝗩
Ano na naman ba 'to? Bakit ba ang malas ng araw na 'to?
At si Susan na pinagkatiwalaan ko, niloloko lang din pala ako all this time.
"Panigurado kilala mo na kami? Sa mga sulat na may pagbabanta na aming ipinapadala sa iyo." Kumunot ang noo ko.
Mga sulat? Eh wala naman akong natatanggap na mga threats.
"Kayong dalawa ng iyong nobyo ay mayroon no'n. Ngunit hindi ko rin maintindihan kung paano niyo nagagawang sumaya kahit pa alam ninyong nasa panaganib ang mga buhay ninyo." Sabi nitong lalaking 'to. Ano bang kailangan nila sa'kin?
At bakit niya binabanggit ang EX ko?
"Fyi sir, EX ko na siya, okay? At wala akong natatanggap na threats." Untag ko. Diniinan pa yung word na "ex".
"Ano ang iyong mga tinuturan?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hoy para alam mo, sira na ang buhay ko simula nang mapunta ako sa panahon na 'to kaya kung may balak ka pang sirain 'yon, huwag na." Kumunot ang noo niya. Inirapan ko lang siya at napatingin sa kabilang direksiyon.
Kumunot naman ang noo ko nang makilala ang balabal na 'yon. Nagsimulang tumambol ang puso ko. Hinarap ko ulit ang pinuno raw nila.
"B-Bakit nandito ang balabal ng Tiya ko?! Huwag niyo siyang sasaktan. Tama ng ako ang narito, huwag niyo lang sasaktan ang Tiya Teresita ko!" Singhal ko sa kanila.
"Ang ibig mo bang sabihin ay ang punong madre? Paano mo naman nalamang narito siya?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Huwag mo siyang sasaktan!" Sigaw ko.
Tumuro siya. Napatingin ako sa tinuro niya at gulat nang makita si Tiya Teresita na nakaupo sa upuan habang nakatingin sa akin.
"Hindi talaga siya masasaktan dahil siya ang dahilan kung bakit ka narito, bunsong anak ng Arandia. Salamat sa kaniya at sa wakas, nahuli ka na rin namin."
Kusang tumulo ang luha ko nang maintindihan ang sinabi niya.
I feel played. I feel betrayed.
"B-Bakit po?" Naiiyak kong tanong kay Tiya Teresita na tumayo ngayon at nilapitan ako.
"Ito na ang oras upang makaganti ako. Salamat at nagpalaki si Jamaica ng mamong puso na naninirahan sa kaniyang apo. Makakamit ko na rin ang matagal kong hinihintay." She leaned. "Wala kang ibang kaaway sa panahon na 'to kung hindi ako lang, at nahulog ka sa bitag ko." I froze.
"P-Pinagkatiwalaan ko kayo, Tiya." Nanggigilid na ang luha ko habang pinagmamasdan siya.
So, lahat ng sinabi niya puro kasinungalingan lang? Ang sinabi niyang magiging masaya ako ay walang katotoohanan dahil ito ang plano niya talaga. Pagpanggapin ako bilang bunsong anak ng Arandia dahil alam niyang may problema ang pamilyang 'yon.
Naaawa ako sa sarili ko. Ang dami kong pinagdaanan sa panahon na 'to pero umasa pa rin akong sa huli, si Tiya Teresita na lang ang kakampi ko.
At lahat pala ng kutob ko sa kwarto niya noon, totoo.
"Sabi nga sa kasabihan, huwag mong husgahan ang libro batay sa itsura nito." Aniya. Tumayo siya mula sa kinauupuan at lumapit sa akin, huminto siya isang metro mula sa'kin.
"Ano bang kasalanan ni Lola sa'yo? Hindi ko naiintindihan!" Sigaw ko. Tuluyan nang tumulo ang luha ko.
Lumapit ito ng tuluyan sa akin. Yumuko siya hanggang sa abot tainga ko na lang siya.
"Bakit hindi ang Lola mo ang tanungin mo tungkol diyan? Nais ko lang na pagdusaan mo ang taksil na pag-ibig. At hindi ako nabigo, batid kong dûguàn sa sakit ang puso mo ngayon sa nangyari sa inyo ni Sebastian. Masaya na ako ro'n." Napakagat ako sa labi habang umiiyak pa rin.
Hindi ako makapaniwala, ito talaga ng plano niya simula palang. Sana hindi na lang ako naglasing ng gabing iyon para hindi niya nabigay sa'kin yung libro. Sana nung sinabi ni Aichille na nilagay 'yon ni Lola sa basement, hindi ko na sana kinuha pa.
Sana hindi ko nararanasan ang lahat ng 'to ngayon.
"Kayo na ang bahala sa mahal kong pamangkin. Gabi na, ako ay aalis na." Nakaalis na siya pero nakatitig pa rin ako sa pwestong iniwanan niya.
Bakit kasi ang bilis bilis kong magtiwala.
"Kalagan ninyo at dalhin sa kulungan. Magsama sila ng kapatid niya!" Manhid na yata ako at hindi ko na ramdam ang hapdi habang kinakalagan nila ako. Alam kong nagsûgat ang mga kamay ko sa sobrang higpit ng pagkakatali sa'kin pero wala akong maramdaman.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...