ʚChapter 84ɞ

7 1 0
                                    

“Walang may gusto ng nangyari, wala kang kasalanan. Hindi kita sinisi at kailan man hindi kita sisisihin.” Hinawakan nito ang baba ko at hinarap ako sa kaniya.

“Ako ang dapat humingi ng tawad at ako lang ang dapat sisihin sa mga nangyari sa iyo. Huwag mo akong patawarin.” I can sense that he's fighting the urge to cry in front of me, but he's holding his tears.

Walang pag-aalinlangan ko siyang niyakap ng mahigpit. “Sorry sa mga masasakit na salitang sinabi ko sa'yo, hindi ko alam na pinaniniwalaan mo pala talaga ako, sorry.” Bulong ko. Ramdam ko ang unti-unti niyang pagyakap sa akin.

We're now opening things about what happened. But it hurts me thinking we're no longer in a relationship.

Ang daming nangyari. Ang daming lessons na natutunan. Ang daming buhay ang nawala.

“S—Sebastian.” mawala ko sa yakap ko at tiningala siya. Nasalubong ko agad ang mga mata niyang sabik na sabik sa akin. “Minahal mo ba ako?” I know that's a dumb question but I want to hear it from him.

“Ano ba sa tingin mo?” Tanong niya pabalik.

“Oo. Minahal mo ako.” Matapang kong sagot. Ngumiti ito ng maliit dahilan para sumilip ang dimples niya. I miss seeing them.

Bakit ang sakit ng past tense? Bakit parang pakiramdam ko ito na naman ang huli? Bakit pakiramdam ko hindi talaga kami para sa isa't isa?

Umiwas ako ng tinin sa kaniya at medyo lumayo. Nanginginig ang labi ko dahil kino-kontrol ko ang luha ko.

Baka nga si Regine na ang para sa kaniya. Hindi naman malabong magpatawad 'di ba? Minsan nga kahit yung bagay na hindi deserve ng forgiveness eh eventually mapapatawad mo rin. Baka nga, he's committed to Regine already.


I guess it's time? Time to let him go. We met and fell in love for a very short time, though I know getting over him will take a long time or maybe never.

I will never get over him. I won't move on.

“Ang tunay na pagsinta, hindi ipagkakait ang ninanais mong ligaya. Hindi maramot at mapagparaya, hindi madaya sapagkat hahayaan kang maging malaya. Marunong din itong tumanggap at umunawa, kaya kung hihilingin mo ang kumawala upang hindi na magdusa ang puso mo,pahihintulutan kita sa paraan na walang pag-sabi.” Nabasa ko 'yon sa favorite motivational book ko, English 'yon eh pero trinanslate ko para maintindihan mo.” He looks so confused. “Hindi na ako muling iimik, lihim at tahimik na lang sa'yong iibig. Maging masaya ka sana.”

Tinalikuran ko si Sebastian pero hindi ko maihakbang ang paa ko. Ayaw kong umalis, gusto kong makasama lang siya pero ayokong maging selfish dahil baka sa susunod, siya naman ang malagay sa kapahamakan.

“Sandali, nakalimutan mo ito.” Hinawakan niya ang pulsuhan ko. Dahan dahan naman akong humarap sa kaniya at nanlaki ang mga mata ko ng hawak niya ang cellphone ko. “Batid ko nang gamitin ang bagay na iyan.” Aniya.

Kinuha ko mula sa kaniya ang phone ko at agad tinignan ang percentage, 20% na lang 'yon wtf??? Pa-lowbat na!

“Paanong nasa sa'y—Maaari bang kumuha tayo ng litrato nating dalawa? Ang huling litrato nating dalawa?” Putol niya sa sinasabi ko. Wala sa sarili akong napatango.

Nagsimula siyang maglakad. Dahil hawak niya ako, napasunod ako sa kaniya. Kahit masakit ang paa ay umakyat din ako sa napakalaking bato at doon kami tumayo. Kitang-kita na ang liwanag ng kalangitan.

He looked at me. I position my phone para makapag-selfie kami.

Ngayon ko lang nakita ang itsura ko. May gasgas sa noo, may mahabang dalawang hiwa sa kanang pisngi, isang súgat sa kaliwang pisngi at mga scratches sa ilong. Ang dami, hindi ko man lang maramdaman.

“Kita mo? Napakaganda mo pa rin.” Nagkatitigan kami sa camera ng phone ko. Ngumiti na lang ako para kunwari ngumingiti ako para sa picture, pero ang totoo napangiti talaga ko dahil sa sinabi niya.

“123 smile.” Mas nilawakan ko ang ngiti ko dahil alam kong ito na ang huli. Gano'n din siya. I captured three photos of us, may isang naka wacky kaming dalawa. “Cute.”

Pero parang piniga lang ang puso ko habang tinititigan ang picture namin.

Last pic? Ang sakit naman. So, ito na nga talaga ang huli? The ending I never thought I'd reach. The ending I didn't even want to end this way.

This is too painful for me. And it's more painful seeing his left hand has wounds, nakuha niya para lang mailigaw yung natitirang mga lalaking nagbabantay sa'min.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon