I sat on the road as I let myself get wet by the heavy rain. Alam kong basang-basa na ang mga librong dala ko.
*****************************************
“Sabihin mo nga, lakas ng amats mo ah.” Pinipigilan ko ang tawa ko habang inaabala si Sebastian na nagsusulat para lang sa walang kwenta kong banat.
“Ano naman ang salitang iyan na binanggit mo?” Tanong niya, nasa sinusulat ang tingin.
“Sabihin mo na lang kasi!” Inis ko siyang pinalo. Napunta naman ang tingin niya sa akin kaya malawak akong napangiti.
Bumuntong hininga ito at wari'y nawawalan na ng pasensya sa'kin.
Abàh! Magtiis siya, ginusto niya ako eh.
“Lakas ng amats mo.” What?! Why that sounds so malutong? T4ngina?
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at inirapan siya.
“B-Bakit? M-May mali ba akong sinabi? M-Mahal ko...”
“Che!” Winaksi ko ang kamay niya sa'kin.
Ako kvpal?! Ha! Nasaan na yung pagiging gentleman niya? Sinabi niya pa talaga!
“Bakit mo sinabi with conviction? Nakaka-offend ah!” Inis kong singhal sa kaniya.
“Dahil sabi mo ay sabihin ko sa iyo, ano ba ang ibig sabihin ng aking tinuran?” Tanong nito. Hinarap ko siya at sinamaan siya ng tingin.
“Ewan sa'yo! Oh bente pesos, bumili ka ng kausap mo!” Mabilis akong tumayo at iniwan siya sa silid niya na nalilitong nakatingin sakin.
Nakakainis siya!
*****************************************
I regret being so snobby and ignorant towards him, and being mean as well tapos ako pa galit.
“Stvpid, Aecy. Hindi ka na nga nagpadilig, tinotoyo ka pa!” I whispered between my sob.
Hinayaan ko lang bumagsak sa akin ang napakalakas na ulan, wala ng pakialam kung magkasakit pa ako. Inaalala ko ang mga alaalang nakalimutan ko, hindi ko pinapalampas bawat detalye na alaalang kasama ko siya.
From our first meet to our first kiss. From our first heartbreaks to our total heartbreaks. From those laughter to our sob. Everything.
“Miss, ayos ka lang ba?”
Napahinto ako sa paghikbi nang maramdamang hindi na ako binabagsakan ng ulan.
Napatingin ako sa harap ko at pares ng itim na sapatos ang natagpuan kong nakatayo sa harap ko. It's a person malamang. Hay nako Aecy.
Tiningala ko ang lalaking may hawak ng payong habang pinapayungan ako kaya pala wala akong naramdamang hindi na ako binabagsakan ng ulan.
Tuluyang tumulo ang mga luha ko nang unti unting nakilala ko siya. Sa wakas, sa wakas nakita na din kita.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...