ʚChapter 76ɞ

7 1 0
                                    

“At doon buo na ang pasya kong tuluyan ng bitawan at palayain si Sebastian. Kay tagal ko ring naging matigas, napuno ng hindi kaaya-ayang ugali, at masyado ako naging makasarili. Para sa kaniya, naging desisyon ko ang tuluyan ng iatras ang nakatakdang kasal upang malaya na kayong magmahalan. Dahil napagtanto kong, ako ang hadlang sa kaniyang kasiyahan.” Napayuko si Vienna. Mariing napapikit si Aecy at nanggigilid na rin ang kaniyang mga luha.

Napatingin si Aecy kay Vienna na umiiyak na ngayon.

“H-Hiwalay na kami, wala na kami ni Sebastian.” Gulat namang napatingin si Vienna kay Aecy.

“Ano?! Paano? Sandali pa lamang kayong nagsasama.” Hindi makapaniwalang usal nito.

“May pumalit sa'yo sa buhay ni Sebastian. At siya ngayon ang nakatakdang pakasalan ni Sebastian at 'yon din ang rason kung bakit kami nagkahiwalay.” Aniya. Gulat namang hindi makapaniwala si Vienna.

“Ano ba ang iyong mga sinasabi? At kanino?”

“Kay Regine." Bagsak ang balikat na napabuntong hininga si Vienna. Hindi makapaniwala sa narinig.

Gustong sabihin ni Aecy ang buong katotoohanan pero baka hindi lang din siya paniwalaan nito.

“Hindi ka tunay na Arandia, hindi ba? At si Regine ang tunay. Ang babaeng 'yon talaga, sinabihan ko na siya! Siya na naman ang magpapahamak sa buhay ni Sebastian.” Mahigpit na nakahawak si Vienna sa kumot at masama ng tingin sa pader.

“P-Paano mo alam?” Gulat na tanong ni Aecy.

“Sumasakit ng aking ulo na paniwalaan ito ngunit sa kinikilos, at pananalita mo unti-unti kong pinaniniwalaan iyon kahit masyadong malabong mangyari.” Kumunot ang noo ni Aecy.

“Na ikaw ay isang manlalakbay mula sa hinaharap.”

Gulat na gulat si Aecy ngunit naiiyak din. “Kung ganoon may naniniwala sa'kin?” Naiiyak na sabi ni Aecy habang nakangiti.

“Siyang tunay. Paaalalahanan lamang kita Esy. Hindi kita tinuturing na kaibigan ngunit tutulungan kita, hindi ko nais si Regine para kay Sebastian. Kung may makaka-isang dibdib si Sebastian, ikaw lamang iyon at hindi ang babaeng 'yon.” Seryoso niyang sabi. “Marami akong alam tungkol kay Regine, at iyon ang laban natin sa kaniya.”

“Ah okay pero Aecy ang pronunciation sa pangalan ko, Aisy. Hindi Esy okay?” Pagkaklaro nito.

“Hindi kita maunawaan, Aisy.”

“Wag kang maingay, kinakalagan ka nga eh. Magpanggap ka na lang na nakatali ka.” Natanggal ni Aecy mula sa pagkakagapos si Vienna. Alam niya ang ganitong technique dahil pinag-aralan niya 'to para magamit sa oras na ma-kidnap siya.

“Ayokong magpasalamat sa'yo.” Tinignan ni Aecy si Vienna na inirapan lang siya.

“You're welcome.” Pilosopong sabi ni Aecy at tumalikod na mula kay Vienna at bumalik sa higaan niya upang magpanggap ding nakatali pa siya.

Balak nilang tumakas.

Napatingin sila sa pinto nang kumalampag iyon. May taong papasok. Agad na nagpanggap na natutulog si Aecy.

“Anong tinitingin-tingin mo riyan, Vienna? Ayoko talagang nakikita ang pagmumukha mo.” Boses iyon si Elizabeth.

Lumapit si Elizabeth kay Aecy at binuhusan siya ng tubig. Sa gulat ay nagising si Aecy mula ro'n. Napatingin naman siya kay Elizabeth na nakasampa ngayon sa higaan.

Pinaupo niya si Aecy at marahas na hinawakan sa panga.

“Batid mo bang ang saya ko na ng sa wakas dumating na ang bunsong anak ng Arandia? Dahil sa wakas makakapaghiganti na rin ako. Ngunit isa ka palang huwad!” Malakas niyang binitawan si Aecy dahilan para masubsob siya sa higaan.

“Ang bunsong anak ng Arandia na walang ano mang kilalang pagkakakilanlan niya ay ang dahilan kung bakit nam@tay ang aking asawa.” Gigil na usal nito. “Ngunit bakit hindi pa ikaw ang tunay na Arandia!” Singhal niya at sinàmpâl si Aecy.

Mas nagagalit siya ngayon dahil hindi na naman muling abot-kamay ni Elizabeth ang paghihiganti sa namayapa niyang asawa dalawang taon na ang nakalipas.

“Ngunit hindi rin naman kita gusto para sa aking kapatid kaya nais ko ring mawala ka sa aking landas.” Nakangisi niyang sabi.

Hindi alam ni Aecy ang sasabihin dahil nagsimula na naman siyang ma-guilty sa pagpapanggap niya.

Muli na naman siyang nawalan ng malay.

“Nagsasayang ka ng oras sa kaniya. Nasa paligid mo lang ang tunay na bunsong anak ng Arandia at pinipikot niya kayo.” Untag ni Vienna. Napalingon naman si Elizabeth sa kaniya at magkasalubong ang kilay.

Nginisian niya ito. “Huwag kang magtiwala agad sa mga taong bagong pasok lang sa buhay niyo, malay mo sila pala ang tunay na traydor.” sabi ni Vienna.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon