Isang linggo na rin ang lumipas simula nang gabing 'yon. Araw-araw na siyang pumupunta rito sa amin para lang yayain akong lumabas o 'di kaya dito lang sa bahay just to spend his time with me.
Sa isang linggo na 'yon tanging si Gwen at Katrina palang ang nakakaalam ng relasyon namin. Pero siguro nakakaramdam na rin si Tiya Teresita at Susan, gustuhin ko mang sabihin kay Tiya Teresita pero natatakot naman ako na baka bigla ko na lang makita yung libro tapos bumalik ako sa present ko.
I don't want to. Gusto ko na lang dito kahit may pamilya pa ako sa present ko.
“Ate Aecy, aalis na muna po ako.” Napatingin ko kay Susan na nakabihis.
“Aalis ka na naman? Araw-araw na pag-alis mo ah.” Sumulpot naman si Gwen na galing sa kusina at may hawak na sandok.
Binalik ko ang tingin kay Susan
“Saan ka naman pupunta? Mag-isa ka lang ba?”
“Hindi po ate, sasamahan ho ako ng aking kaibigan na si Anabellya, nariyan po siya sa ating bakuran ay ako'y hinihintay.”
Napatango naman ako.Si Anabellya naman ang kapitbahay namin na naging kaibigan na niya dahil dito na rin tumira si Susan, pumayag na si Tiya Teresita na dumito muna siya.
“Mag-iingat kayo. Umuwi ka ng maaga ah, huwag magpa-gabi.” Tinanguan lang niya at tinalikuran na.
“Hay kaya nas-spoil 'yan eh, oo ka agad. Tara na, may session pa tayo ng pagluluto, mahal naming prinsesa.” Natawa ako nang irapan niya ako at nauna nang pumasok sa loob ng kusina. Napatayo naman ako sa upuan at sinundan siya.
She's good at cooking kaya magpapaturo ako sa kaniya, wala akong alam sa pagluluto eh. Prito-prito lang ang alam ko.
“Paglutuan mo 'yang boyfriend mo. Hays! Ako na lang single sa'tin.”
“Wag mo kasing sungitan si Gabriel, angry bird ka kasi kapag magkasama kayo eh.” Sinamaan niya ako ng tingin kaya tinawanan ko lang siya.
I shipped GwenRiel, Gwen and Gabriel.
“Hoy gàgâ bilisan mo diyan, nandito na ang shota mo!!!” Tili ni Gwen.
Tinitikman ko ang luto kong adobo nang tumili siya, mabilis kong nilagay sa platito ang kutsara at inalis ang apron na soot ko.
Inayos ko rin ang itsura ko bago binitbit ang mangko na may adobo papunta sa kusina.
“Patikim nga, patikim!” Bungad ni Gwen.
Napangiwi pa ako nang may hawak na siyang kutsara at handa nang kumuha sa mangkok kaya pinalo ko ang kamay niya.
“Masisira mo yung design on top. Meron doon sa kawali, doon ka mag taste test.”
Napasimangot naman siya pero inirapan ko na lang. I put the bowl on the table and angled it, aesthetic!
“Oh gosh! Baka ang baho ko na. Gwen, amoy usok na ba ako???” Busit naman kasi, bakit walang stove rito.
“Oo gágâ! Wag ka ng magpalit nandiyan na siya sa labas, para naman alam niyang ikaw nagluto nitong maalat mong adobo. Brûha ka papatayin mo pa yata ako sa sobrang alat. Wala ka bang panlasa?” Kunot noo akong napatingin kay Gwen na nauubo habang naglalakad papalapit sa akin.
“M-Maalat?” Maang kong tanong.
Tinaasan niya ako ng kilay. “Hindi teh, parang inasinang daing lang.”
Napatingin ako sa luto ko at napapamura! Dámn! Bakit hindi ko nalasahan? Am I too nervous ba kasi it's my first time magluto ng adobo?
“Oh my god, Gwen!!! What will I do???” Natutuliro na ako nang harapin ko siya. Nagpipigil naman siya ng tawa.
“Ulitin mo bes kaso nandiyan na siya, baka ikaw kainin niya.” Pinanlakihan ko siya ng mga mata at binato ng pot holder.
“What the fvcking fvck ka talaga 'no?!” Inirapan ko siya.
Kinuha ko ulit yung mangkok pero may kumatok na sa pinto. Napatingin ako sa pinto at dali-dali namang tumakbo si Gwen doon, hahabulin ko pa sana siya para pigilan nang binuksan na niya tuluyan ang pinto.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Paano 'to? Ako na lang kaya ihanda ko sa mesa? Masarap naman ako eh huhu..
Napapakamot ako sa batok ko nang pumasok si Sebastian.
Nilapitan naman ako ni Gwen at kinurot sa tagiliran. “Umarte ka na lang, bes. Kunwari hindi mo alam, kapag 'yan hindi niya nagustuhan ibig sabihin hindi ka niya talaga love.” Bulong nito.
Gosh! Baka magkasakit pa sa bato si Sebastian. Ako kinakabahan eh.
But yeah, act fool! Act fool! Kunwari hindi ko alam.
Nginitian ako ni Sebastian nang makita niya ako akmang lalapitan niya ako para halikan sa noo nang pigilan ko siya.
“Amoy usok ako, you know... hindi pa naliligo.” He chuckled.
“Wala naman sa akin iyon, mahal ko. Kinagagalak kong malaman na pinagluto mo pa ako, marahil binuhos mo rito ang lahat ng iyong kaalaman sa pagluluto.” Napalunok ako. Hotdôg nga lang alam kong pritohin, nasusunog ko pa nga eh.
Nilahad niya sa akin ang bouquet ng red roses, nakangiti ko namang tinanggap iyon at inamoy. Mabango, baka pwede kong ipahid sa'kin para mahawa ako sa bango niya.
May card pa na nakasiksik sa gilid mg roses kaya kinuha ko iyon para basahin.
💌
〔𝚂𝚒𝚢𝚊𝚖 𝚗𝚊 𝚛𝚘𝚜𝚊𝚜 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚜𝚊 𝚖𝚒𝚗𝚊𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚕𝚊-𝚛𝚘𝚜𝚊𝚜, 𝚜𝚒𝚢𝚊𝚖 𝚗𝚊 𝚕𝚎𝚝𝚛𝚊 𝚗𝚐 𝚜𝚊𝚕𝚒𝚝𝚊𝚗𝚐 "𝙼𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚔𝚒𝚝𝚊" 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚒𝚙𝚊𝚑𝚊𝚢𝚊𝚐 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚞𝚜𝚘 𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚒𝚔𝚊𝚠 𝚊𝚗𝚐 𝚑𝚊𝚗𝚊𝚙 𝚜𝚊 𝚋𝚊𝚠𝚊𝚝 𝚐𝚊𝚋𝚒. 𝙽𝚊𝚙𝚊𝚔𝚊 𝚐𝚊𝚗𝚍𝚊 𝚊𝚗𝚘? 𝙿𝚊𝚛𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚔𝚊𝚠, 𝙽𝚊𝚙𝚊𝚔𝚊 𝚐𝚊𝚗𝚍𝚊 —— 𝙰𝚗𝚐 𝚒𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚜𝚒𝚗𝚒𝚜𝚒𝚗𝚝𝚊 𝚂𝙴𝙱𝙰𝚂𝚃𝙸𝙰𝙽.〕Napangiti ako nang mabasa 'yon.
God! Noong jeje days ko, nac-cringihan pa ako sa ganito pero kinikilig ako.
“Nagustuhan mo ba, mahal ko?” Napatingin ako kay Sebastian na malawak na nakangiti sa'kin.
Nginitian ko rin siya, at tinanguan.
“Ang dami ko ng rosas, nalanta na sila sa aking silid.” Inirapan ko siya at pinatong sa lamesa ang flowers and card.
“Huwag kang mag-alala, hindi na sila muli pang malalanta. Nagpatayo ako ng isang hektaryang lupa upang pagtaniman ng mga bulaklak para sa iyo, Mahal ko.” Nanlaki ang mga mata ko.
A garden of flowers??? For me??? Pinagawa niya???
Jusko, Masyado na akong swerte sa kaniya.
Swerte lang ba talaga ako? Or this is what I deserve?
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...