Masaya ako nang makauwi kami. Kanina pa ako pasulyap-sulyap sa orasan at alas dos na ng hapon ngayon.
“Ang tagal naman gumabi.” Bulong ko.
“Sino yung lalaking kasama mo kanina?!” Napatingin ako kay Gwen habang nakatutok sa'kin ang sandok na hawak niya.
“Kaka-break niyo lang ni Kayden, lumalandî ka na.” Inirapan ko siya at upo ng dekwatro sa upuan.
“Ikaw na nagsabing mag move on sa kaniya tapos ngayon brini-bring up mo 'yang ex ko na?!” Pinanlakihan ako nito ng mga mata at nakangiting tinabihan ako sa upuan, pinatong niya rin yung sandok sa maliit na lamesa.
“Girl power ka na, shûta ka! Ex na ha, may balak ka 'no?” She squinted her eyes on me.
“Tell me, crush mo na 'yong poging guy na 'yon 'no? Teh nung nakita ko kanina, nakalimutan kong may manliligaw pala ako sa panahon natin. Gagî ang pogi!” Umayos ako ng upo at tinaasan siya ng kilay.
“You find him pogi?” Tanong ko.
“Oh chill, alam kong sa'yo na 'yon.” Mas tinaasan ko siya ng kilay. Hindi naman siya sa'kin?
“So you find him pogi nga?” Tanong ko ulit.
“Pogi naman talaga siya, Ali. Kahit sino nga yatang babaeng makakakita sa kaniya, crush na siya agad eh.” Nakangiti niyang kwento. Napangiwi ako.
“So crush mo siya?” Tanong ko.
“Hoy teka, nagseselos ka ba diyan? Shûta, jowa mo na 'yon 'no?” Inirapan ko lang siya at iniwas ang tingin.
Me? Nagseselos? No way. Bakit naman ako magseselos? Walang kaselos-selos doon..
“Hindi ako nagseselos at hindi ko siya boyfriend!” Tinaasan ko siya ng boses at inirapan.
“Papunta palang do'n gano'n?” Sinundot nito ang tagiliran ko kaya napalo ko siya. Nakakainis talaga siya, alam na niyang may kiliti ako do'n.
Napasandal ako sa upuan at ngumiti ng parang sîra.
“Hindi na ako normal, ngumingiti na lang ako bigla.”
Tapos na'kong mag-ayos lahat lahat, hindi pa rin siya dumadating.
“Bakit ba kasi hindi niya ini-specific ang oras ng pagpunta niya?” Napatingin ako sa orasan at alas dyes na.
Sa oras na 'to, dapat tulog na'ko eh. Pero ito, hinihintay ko siya na parang hindi na darating.
“Paasa ampotek! Change mind, I don't think I like him because I really don't like that guy who's full of himself.” Inis akong pumasok sa kwarto ko.
Baka kasi tulog na siya tapos nakalimutan niyang may pupuntahan pala siya at ako 'yon.
Oh baka naman sabi niya bukas na lang kasi gabi na, mapaano pa siya sa daan.
Psh!
“Kaya pala paasa ang mga lalaki sa panahon ko, may pinagmanahan!” Inis kong bulong. Nahiga ako sa kama.
Nilagay ko ang pareho kong kamay sa dibdib ko at tumulala sa kisame.
“Sabi ko na eh, wala talagang matinong lalaki. Akala ko naman meron dito, pero wala! Sa una lang talaga sila magaling tapos kapag matagal na, wala na.” Inis na inis kong usal.
“Ha! Anong akala niya kakausapin ko pa siya?! After this? No way! Kahit ngumiti pa siya, no way! Kahit hawakan niya pa kamay ko, no way! Kahit ilabas niya pa dimples niya, no way. Kahit iligtas na naman niya ako, no way! No way lahat!” Napasigaw ako sa inis. Pinagpapadyak ko ang higaan ko at nagdadabog.
“NAKAKAINIS KA SEBASTIAN!!!” Buong lakas kong sigaw. Pinadyak ko pa ng isang beses ang higaan ko at napabangon.
I heaved a sigh and stood up. Nagpunta ako sa bintana ng kwarto ko para isarado sana 'yon pero nagulat ako nang makita si Sebastian at may kasama siyang dalawang lalaki na may hawak na gitara at ang isa may parang tambol.
Naka puting parang tuxedo na suot si Sebastian, may rosas pa siya sa bulsa nung top niya at naka neck tie pang itim. Nagtago ako at sinilip sila.
May sinasabi pa si Sebastian sa mga kasama niya pero hindi ko na narinig 'yon dahil malayo sila at nahaharangan ng bakod.
Napakunot noo ako nang makilala ang dalawang lalaking kasama niya. It was Gabriel and Winchi, what the actual fvck?! Bakit magkasama yung dalawa! Eh mga lalaki sa buhay ni Katrina yung dalawa na yan!
Kahit nahaharangan ng bakuran ang view ko ay kita ko pa rin ang ginagawa nila.
Winchi started to strum the guitar.
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang tunog ng gitara. No way! It's not gonna happen.
That song was for a couple or married, the meaning of the song but he's going to sing it? No way! Kakanta siya?
Biglang bumukas ang pinto at ang aligagang si Gwen 'yon.
“Bes, yung future boyfriend mo nandiyan.Tara sa veranda dali, para makita mo siya!!!” Hinila niya ako palabas ng kwarto ko. Nagpahila lang ako sa kaniya hanggang sa marating namin ang veranda.
Malaya ko nang nakikita ngayon si Sebastian na nakangiti habang nakatingin sa akin.
Winchi gave him a sign to start singing.
“𝘪𝘬𝘢𝘸 𝘢𝘵 𝘢𝘬𝘰, 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘵𝘢𝘨𝘱𝘰. 𝘔𝘢𝘨 𝘶𝘶𝘴𝘢𝘱 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘶𝘴𝘰, 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘴𝘶𝘯𝘥𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘩𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺𝘺𝘺. 𝘔𝘢𝘨𝘴𝘶𝘴𝘶𝘮𝘱𝘢𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘭 𝘰𝘩!𝘨𝘪𝘭𝘪𝘸. 𝘞𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘯, 𝘵𝘢𝘨 𝘪𝘯𝘪𝘵 𝘮𝘢𝘯 𝘰 𝘵𝘢𝘨 𝘶𝘭𝘢𝘯. 𝘏𝘢𝘩𝘢𝘳𝘢𝘱𝘪𝘯 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘶𝘯𝘰𝘴 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨 𝘥𝘢𝘢𝘯.. 𝘚𝘢𝘯𝘢'𝘺 𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘵𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘬𝘢𝘺 𝘥𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯, 𝘬𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱 𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯𝘯𝘯𝘯..𝘚𝘢 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘪𝘺𝘢𝘬𝘢𝘯 𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘢𝘱𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴—°~”
Sebastian stopped singing and Winchi keeps strumming the guitar.Hindi pa rin ako makapaniwala, pati si Gwen na pinapalo palo ako ngayon. Halatang iniba niya ang ibang lyrics, at ginawang future tense ang mga past tense.
Nakatitig lamang siya sa akin habang patuloy na kumakanta.
Kumakanta siya. Maayos ang suot. Halatang pinaghandaan.
Is this the old tradition of serenade?
“Am I experiencing the old form of serenade?” Wala sa sariling bulong ko.
“Oo teh! Haba ng hair mo!” Niyuyugyog na'ko ni Gwen pero hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang ginagawa niya.
So, hindi niya ako pinaasa? Kundi may plano siyang mag-akyat ligaw kahit hindi second floor ang bahay ni Tiya Teresita at hindi siya nakatanaw mula sa itaas, pantay lamang ang mga tingin namin.
Nagpatuloy lang siya sa pagkanta habang patuloy na dinadamba ang puso ko ng mabibigat na kaba at tibok.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasía"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...