ʚChapter 54ɞ

13 2 0
                                    


〔𝙿𝚊𝚞𝚖𝚊𝚗𝚑𝚒𝚗, 𝙰𝚎𝚌𝚢. 𝙷𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚔𝚘 𝚍𝚊𝚙𝚊𝚝 𝚜𝚒𝚗𝚊𝚋𝚒 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚒𝚢𝚘𝚗 𝚜𝚊 𝚒𝚢𝚘. 𝚂𝚊𝚗𝚊 𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚞𝚞𝚗𝚊𝚠𝚊𝚊𝚗 𝚖𝚘𝚗𝚐 𝚊𝚔𝚘'𝚢 𝚗𝚊𝚐-𝚊𝚊𝚕𝚊𝚕𝚊 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚍𝚒𝚗 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚜𝚊 𝚒𝚢𝚘.—— 𝚂𝙴𝙱𝙰𝚂𝚃𝙸𝙰𝙽〕

Basa ko sa letter niya. Napangiti naman ako.

Kinuha ko ang weird niyang panulat at nag umpisa na din magsulat.

〔𝙷𝚘𝚢, 𝚐𝚊𝚐𝚒 𝚘𝚔𝚊𝚢 𝚗𝚊! 𝚃𝚜𝚊𝚔𝚊 𝚒𝚔𝚊𝚠 𝚗𝚊𝚢𝚊𝚗 𝚎𝚑. 𝙸𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚘𝚛𝚛𝚢, 𝙸𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚐𝚒𝚝𝚒, 𝙸𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚝𝚒𝚗𝚐𝚒𝚗, 𝙸𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚊𝚕𝚒𝚝𝚊, 𝚆𝚊𝚕𝚊 𝚗𝚊 𝚞𝚖𝚒𝚒𝚔𝚘𝚝 𝚗𝚊 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚞𝚗𝚍𝚘 𝚔𝚘 𝚜𝚊𝚢𝚘. 𝙹𝚘𝚔𝚎 𝚕𝚊𝚗𝚐! 𝙿𝚎𝚛𝚘 𝚜𝚎𝚛𝚢𝚘𝚜𝚘, 𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚗𝚊 𝚜𝚊 𝚊𝚔𝚒𝚗 𝚢𝚞𝚗. 𝙱𝚊𝚜𝚝𝚊 𝚙𝚊𝚐𝚔𝚊𝚝𝚒𝚠𝚊𝚕𝚊𝚊𝚗 𝚖𝚘 𝚛𝚒𝚗 𝚜𝚊𝚗𝚊 𝚊𝚔𝚘.—— 𝙰𝙴𝙲𝚈 𝙰𝙻𝙻𝙸𝚈𝙰𝙷〕

Nang matapos ay binato ko rin sa kaniya sa labas ang papel, nasalo naman niya iyon. Binuklat niya 'yon at kumunot ang noo niya pero napangiti rin kalaunan. Napangiti rin ako.

“Dapat masanay ka na magkakaroon ka ng girlfriend na bàlîw at mataas ang pride.” Bulong ko sa sarili habang pinapanood si Sebastian na nagsusulat sa panibagong papel.

Sinignalan niya ako na magbabato na siya kaya gumilid ako. Nahulog naman 'yon sa sahig kaya dali-dali kong kinuha.

〔𝙱𝚊𝚝𝚒𝚍 𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚕𝚊𝚕𝚒𝚖 𝚗𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚐𝚊𝚋𝚒, 𝚖𝚊𝚕𝚊𝚖𝚒𝚐 𝚗𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚒𝚖𝚘𝚢 𝚗𝚐 𝚑𝚊𝚗𝚐𝚒𝚗, 𝚊𝚝 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚙𝚊𝚐𝚘𝚍 𝚖𝚊𝚐𝚕𝚊𝚔𝚊𝚍. 𝙽𝚐𝚞𝚗𝚒𝚝 𝚗𝚊𝚒𝚜 𝚖𝚘 𝚋𝚊 𝚊𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚜𝚊𝚖𝚊𝚑𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚕𝚊𝚔𝚊𝚍? ——𝚂𝙴𝙱𝙰𝚂𝚃𝙸𝙰𝙽〕

Automatikong napangiti ako. Hindi na ako nagsulat pa at finold na lang ang papel kasama yung panulat at sinuksok sa ilalim ng higaan.

Sinoot ko ulit ang balabal ko bago dahan-dahang binuksan ang pinto ng kwarto ko. Dahan-dahan din akong naglakad sa sala hanggang sa marating ko ang bukana ng pinto ng bahay.

I gently open the door so it won't make any sound.

When I get out, I heaved a deep sigh and closed the door slowly again.

Nagsoot na rin ako ng tsinelas at dahan-dahang binuksan pa ang kahoy na gate.

He must be clueless na nasa malapit na lang niya ako.

“Tara na, ano pang tinitingin-tingin mo diyan? Nakalabas na'ko.” Kibo ko.

Gulat naman itong napatingin sa'kin pero nginitian ko lang siya at inirapan.

Love language ko na siguro sa kaniyang irapan siya.

“Sebastian?”

“Hmm?”

“Paano kung hindi talaga ako nagmula dito?” Random kong tanong.

Napatingin naman siya sa'kin habang patuloy kaming naglalakad ng mabagal.

“Totoo naman iyon, hindi ba't sa Britanya ka pa nagmula?” Napalunok ako. That's not what I meant.

“Hindi, ano... halimbawa nag time travel ako like nagmula talaga ako sa hinaharap tapos napunta rito sa nakaraan tapos nakilala kita, I fell in love but unfortunately, malaki yung tendency na magkalayo rin tayo at bumalik ako sa present ko. Kapag nangyari 'yon, a-ako pa rin ba? A-Ako pa rin ba ang mahalin m-mo?” Utal-utal na ako.

Ramdam kong nagbabadya na ang mga luha ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya.

Sandali kaming natahimik pero patuloy pa rin kami sa paglalakad. Tumulo na ang luha ko at pasimpleng pinunasan 'yon.

Hindi ko alam bakit bigla kong nasabi 'yon. Ako rin talaga ang gumagawa ng ikakasakit ko eh.

“Hindi ko naunawaan ang iba mong tinuran ngunit sasakyan na lamang kita sa iyong teorya, iyan ay paniniwalaan lamang ng siyensiya at tanging nangyayari sa mga libro. Ngunit nais kong ipabatid sa'yo na magkalayo man tayo, ikaw lang ang aking mamahalin. Tunay ang pag-ibig ko para sa iyo at hindi ko kakayaning magmahal pa ng iba sa oras na magkalayo tayo dahil ang puso ko ay nakalaan lamang para sa'yo, tanging pangalan mo lamang ang naka-ukit.” Napatingin ako sa kaniya.

Nanggigilid na naman ang mga luha ko nang makita itong nakangiti sa'kin.

Ang mga ngiti niya, ang dalawang cute niyang dimples, ang mga tingin niyang puno ng emosyon, sila ang paborito kong titigan nang hindi nagsasawa.

“B-Bakit?” Pumiyok ako. Huminto ako sa paglalakad, ganoon din siya.

Hinawakan niya ang mga kamay ako mas ngumiti ng malawak.

“Sapagkat ikaw ang nagpatunay sa akin na ang pag-ibig ay maaari ding mahanap sa maikling panahon. At ikaw ang nilalaman ng puso ko, kailangan pa ba ng ipaliwanag iyon?” Tuloy tuloy na sa pag-agos ang mga luha ko.

“Nais kong maramdaman mong kamahal-mahal ka, nais kong tratuhin ka ng nararapat sa iyo, nais kong iparamdam sa iyo na ikaw ay isang napa importante, nais kong ikaw ay maging masaya sa akin, at nais kong pakalmahin ang nagwawala mong isipan sa pamamagitan ng presensiya ko. Iyon ang aking nais, Aecy.” Napangiti ako. Pigil na pigil ko ang paghikbi.

I want to be loved by him. To spend the rest of my life with him. I want it. I badly want it.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon