“Tapos na po, binibini.” Usal ni Lushia nang matapos niya ng ipusod ang buhok ko.
Napatingin ako sa reflection ko sa salamin, ang ganda ko talaga.
Medyo singkit ang mga mata ko at matangos din ang ilong ko. I have a cupid-bow shape lips that everyone's envy of not having.
Weird na siguro kung weird pero may natural blush on ako kapag kinikilig o nagagalit, namumula talaga ako.
“This blue baro't saya fits me well.” Bulong ko. Na-emphasize talaga ang puti ko dahil sa kulay ng dress ko. Hanggang elbow lang din ang sleeve nito.
“Tayo na po, binibini.” Napatingin ako kay Lushia na bitbit na ang basket na may sinuotan ko.
Siya raw ang maglalaba.
I composed myself once again and breathe deeply.
“Wala dapat akong ikahiya! Bakit ako mahihiya kay Sebastian? Duh! Siya ang tumingin sa dibdib ko. I'm not even aware na visible pala 'no.” Pagkumbinsi ko sa sarili. Totoo naman!
“Tara na, Lushia.” Nauna na akong maglakad sa kaniya pero parang gusto ko lang ulit bumalik sa kwarto ko.
“Bes! Magandang umaga.” Napatingin ako kay Katrina na kulay dilaw ang suot na baro't saya. Inakbayan ako nito sa braso at sabay kaming naglakad.
“Himala at napakabagal mong maglakad ngayon, bes.” Nginitian ko lang siya at mas mabagal na naglakad.
Paano pa ako tatakas ngayon eh nakapulupot na kamay niya sa'kin? Lunokin ko nalang ang pride, Aecy!
“Nariyan din sa baba si Vienna at Gabriel, ayoko pa ngang bumaba ngunit pinuntahan na ako ni ina.” Nakasimangot niyang usal.
“Ayoko ring bumaba...” Mahina kong bulong.
Napatingin ako sa baba at kitang kita rito ang dining area. Magkatabi si Sebastian at Vienna kaya napairap ako.
Nakakainis talaga yung babaeng 'yon!
“Tara na, bes. Bilisan na natin ang paglakad.” Bagsak ang balikat kong sinunod na lang siya.
Chandelier. Big painting. Maliit na takure. Malaking orasan na kakaiba ang style.
Doon lang nagpapaulit-ulit ang tingin ko habang naglalakad kami palapit sa dining area.
I don't want to meet Sebastian's eyes.
Kung yung libro hinigop ako, baka yung lupa pwede rin akong higupin sa kinatatayuan ko ngayon?
Hindi ko ramdam na nakatingin din sa'kin si Sebastian. Dapat lang 'no! Dapat lang mahiya siya.
Naupo ako sa upuan na katabi ko sa kanan si Martin, ang bunso nilang kapatid. At sa kaliwa ko naman ay si Katrina na inaayos ang table napkin sa kaniyang hita. Ginaya ko siya. At katabi ni katrina si gabriel.
The table is 10 seater.
Sa kabilang row ay sina Elizabeth, Vienna, Sebastian at ang kanilang ina na si Elena.
Sa magkabilang dulo naman ng mesa ay naka upo si Manuel at ang ama nila na si Jacinto.
Oh pak! Memorize ko agad mga pangalan nila.
“Magandang umaga, binibining Aecy.” Napatingin ako kay Manuel na nakangiti sa'kin ngayon.
Tinanguan ko lang siya at umiwas ng tingin.
“Bitawan mo muna ang diyaryo, Jacinto at tayo'y magdasal na nang sa gayon, makapag-almusal na ang lahat.” Yumuko sila at nag-sign of the cross, ginaya ko rin. Ano ba, gaya-gaya ako eh.
Ang kanilang ina ang nagle-lead ng prayer. Pasimple akong tumingin kay Sebastian na nakapikit habang nasa mesa ang naka-intertwined hands nito.
“Amen.” Usal nang lahat pero late na ako kaya hindi na ako nagsalita. Nag-umpisang tumunog ang mga kubyertos at pinggan.
“Tikman mo ito, bes. Ito ang papaitan ala Xelvestry na palaging niluluto ni ina.” Hinayaan kong lagyan ako ni Katrina sa plato no'n.
I know what papaitan is but I never taste this food.
“Masarap 'yan, binibining Aecy.” Tinanguan ko lang ulit si Manuel na nagsalita na naman. Feeling close naman ang isang ito..
“Hindi ginagamit ang kutsara para sa sabaw sa kanin, binibini.” Napatingin ako sa katabi ko na nagsalita.
Hindi siya nakatingin sa'kin at naka tingin lang sa pagkain niya.
Napansin kong ibang kutsara ang gamit niya kaya pasimple kong binalik yung medyo malalim na kutsara at kinuha yung katulad ng kaniya.
Kung magsalita naman 'tong batang 'to parang ang tanda na eh.
“Hindi gumagamit ng tinidor upang itusok sa kanin, binibini.” Napatingin na naman ako sa batang 'to nang magsalita na naman. Ang daming napapansin!
Hindi ko na lang siya pinansin at ginawa ang gusto ko.
“Huwag mong itabi ang karne.” Napatingin na naman ako sa kaniya nang magsalita ulit siya.
Hindi niya ako binabalingan ng tingin at abala lang siya sa pag-kain.
“Mind your own business na lang okay? Ganito ko gustong kumain, kumain ka na lang din diyan.” At finally, napatingin din siya sa'kin.
May pagkakahawig sila ni Sebastian, bata palang pero gwapo na. Panigurado maraming girls ang magd-drool over him.
“Ganiyan ba ang paraan mo ng pag-kain sa iyong bansa?” Tanong niya na walang expression ang mukha.
Oh nonchalant.
“So what? Eat up and don't mind me.” Iniwas ko na lang ang tingin sa kaniya at kumain na.
“Basvra talaga ang iyong ugali, binibining Aecy, pati ang inosenteng bata ay pinagsasalitaan mo sa ganiyang tono.” Napatingin ako kay Vienna nang magsalita siya.
Papansin din ehhh!!
Ang kapal naman niya! Basvra ang ugali ko? Ano pa tawag ng sa kaniya? Ang kapal din ng mukha eh mas malala pa nga sa basvra ang ugali niya tskk..
“Itigil niyo na iyan, tayo'y kumakain. Respetuhin niyo ang pagkain.” Nabaling ang tingin ko sa pagkain ko nang magsalita si Don Jacinto sa boses na puno ng pag-uutos.
“Paumanhin, tiyo.” Rinig kong usal ni Vienna.
Kumain na lang ako at hindi na tinapunan ng tingin ang sino man sa kanila. Bakit ba kasi nandito ako? Pwede naman akong isama ni Tiya Teresita sa tinitirahan niya eh.
“Finish your food.” Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Martin nang magsalita siya ng English.
Oh my! I thought pinagbabawal sa kanila ang pag-aaral ng English? Kinindatan lang ako nito. Pero gulat pa rin ako.
“Where did you learn that?” Mahina kong tanong sa kaniya pero hindi na niya ako pinansin.
Wow! Snob agad. Làngyang bata to oh...
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...