ʚChapter 13ɞ

28 3 0
                                    


Sabay kaming naglakad ni Tiya Teresita palabas ng simbahan.

Tiya na raw ang itawag ko sa kaniya.

“Nais kong ipakilala siya ng mabuti sa inyo.” Pagkibo ni Tiya Teresita kina Sebastian na nagtatawanan.

Napunta naman sa amin ang attention nila.

Nagtagpo ang mga mata namin ni Sebastian pero umiwas lang ako ng tingin.

“Malugod kong pinapakilala sa inyo ang aking sobrina [pamangkin]  na si Aecy Alliyan Arandia.  Ito ang unang beses na pagpunta niya rito sa Pilipinas, tumakas lamang siya sa Britanya dahil sa sensitibong dahilan. Siya ang bunsong anak ng namayapang mag-asawa na si Francisco at Clarita Arandia.” Pagpapakilala niya sa'kin.

Gulat naman na nakatingin sila sa akin maging si Sebastian.

Grabe uso na pala mga OA sa panahon na 'to.

“Kung gano'n ikaw ang pinaka-iingatang anak ng David at Arandia? Kinagagalak kong mapalapit sa'yo, binibini.” Masayang usal ni Katrina.

“Ako ay lubos na tagahanga ng iyong nakakatandang kapatid na si ate Carmela sana ay makilala ko rin siya.” Napatango lang ako at nginitian din siya.

Napunta rin ang tingin ko kay Sebastian na nakangiti sa akin.

Hindi ba ito napapagod kakangiti? Hindi ko malang siya pinansin.

Ganap na ganap naman si Tiya.

Anong sasabihin ko kung tanungin ako sa talambuhay ng identity ko rito?

“Tayo na, inaanyayahan din po kayo ng aking ama, Madre Teresita, May kaganapan sa aming tahanan dahil sa aming pagbabalik.”

“Kung ganoon ay pupunta ako. Sasabay ba lamang ako sa inyo dahil wala pa ang aking tauhan upang itawag ako ng karawahe.” Tugon ni Tiya Teresita.

Lumapit naman sa akin si Katrina at inakbayan ang braso ko.

“Maaari ba kitang maging kaibigan, binibini?” Mahinang tanong ni Katrina sa akin.

Natawa ako dahil parang k-pop ang atake ko dito.

“Oo naman, friends na tayo.” Usal ko.

“Friends?” Tanong niya.

Tinapik ko ang kamay niyo.

“Magkaibigan. Magkaibigan ang ibig sabihin niyan” Paliwanag ko.

Tumango naman ito ng ilang beses. At ngumiti.

“Friends. Friends tayo.” Napangiti ako ro'n.

“Bes tawagan natin kahit may bes na ako sa panahon ko.” Kumunot naman ang noo niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy kami sa paglalakad.

Mangha kong pinagmasdan ang malawak at malaking bahay nila Sebastian.  Ang laki ng backyard at may garden pa sila na napakalaki rin. Ang laki rin ng bahay nila at halatang mayaman ang nakatira dahil ang layo sa nga maliliit na bahay na nadaanan namin.

Sa labas palang ay halata ng maraming tao, naka-kalat ang mga bisita nila at may nga gwardya pa. Halata ang class sa mga bisita.

Nang magsimula kaming maglakad ay sa amin napunta ang attention nila. Maraming bumabati kina Sebastian, Katrina, Gabriel at Tiya Teresita maliban sa akin. Duh! Sino ba naman ako para batiin? They don't even know me for sure. Syempre ngayon lang naman nila ako nakikita eh...stkk stkk

“Bes, isipin mo lang na matagal ka ng kilala ng aming pamilya para hindi ka kabahan sa harap ng aking pamilya.” Usal ni Katrina.

Tinanguan ko lang siya, hindi naman ako kinakabahan eh.

Nang makapasok kami sa bahay ay mas dagsa ang tao, ang daming bisita at halatang mayayaman.

“Narito na pala sila, narito na ang aking mga anak.” Dinig kong malakas na usal ng lalaki.

“Ama!” Excited na usal nina Sebastian at katrina na sinalubong ang ama  nila, halata sa itsura dahil kamukhang kamukha  nila ito.

Nagsitabi ang ibang bisita at naiwan sa gitna ang pitong tao, kasama na roon sina Sebastian at Katrina.

“Halika, lumapit tayo.” Hinawakan ni Tiya Teresita ang siko ko at lumapit sa kanila.

“Alcalde Mayor, Don Jacinto. Buenas noches para ti y tu familia [magandang gabi sa iyo at sa iyong pamilya], kinagagalak kong muli kayong makita.” Bati ni Tiya Teresita. Tumango kaya tumango rin ako. Gaya gaya lang.

“Sino naman itong magandang binibini na nasa iyong tabi, Madre Teresita?” Napatingin ako sa isang lalaki na matangkad at gwapo rin.

Pero hindi mapagkakaila na mas gwapo si Sebastian.

Sa totoo lang naman..

Well, I'm not gonna lie anymore. Sebastian is more attractive and handsome. His usual gelled hairstyle is adding to his fine feature. Medyo makapal ang kilay nito at matangos ang ilong. Halatang may lahi na rin silang espanyol. Talagang gwapo siya, kamukha kamukha nung lalaking nakabunggo ko sa panahon ko.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon