ʚChapter 25ɞ

17 1 0
                                    

           𝗨𝗡𝗞𝗡𝗢𝗪𝗡 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡'𝗦 𝗣𝗢𝗩

Sa isang malawak na kagubatan ay hindi mo mahahalatang may isang kuta kung saan may naninirahan.

Kung hindi mo ito sadyang hahanapin, hindi mo ito matatagpuan.

Sa kutang iyon ay maririnig ang nagmamakaawang iyak ng mga kababaihan. Malalakas na tawanan ng mga lasing na kalalakihan. Matitinis na tunog ng palakol, espada maging pana. At maliwanag na sinag dahil sa malaking apoy.

“Mabuti at nakauwi ka na. Kumusta ang iyong naging lakad, pinunong Erwin?”

Natigil ang tawanan nila nang makarating na sa wakas ang isang makisig na lalaki, manipis na asul na long sleeve ang kaniyang suot at pang-ibaba.

Halatang sila ay hindi nabibilang sa mga angkan na makapangyarihan.

“Natagpuan ko na siya. Tunay na maganda at kakaiba siya, gaya na sabi ni Pedro at Susan.” Malalim ang boses ng pinuno nila.

Naglakad ito patungo sa isang babaeng nakagapos at natutulog.

Kinuha ni Erwin ang basket na naglalaman ng tubig at binuhos iyong sa babaeng sûgatan at halatang walang lakas.

Mabilis na nagising ang babae at napatingin sa lalaking dumerwatro sa harap niya.

“Kinagagalak kong sabihin sa iyo na natagpuan ko na ang iyong nakakabatang kapatid.” Nanlaki ang mga mata ng babae.

Gusto nitong hawakan ang lalaki ngunit nakagapos siya, hindi maigalaw ang mga kamay ng malaya.

“I-Imposible! H-Hindi mo matatagpuan ang aking kapatid dahil wala siya rito sa bansa.” Umiiling ang babae ngunit sinabúnutân lang siya ng lalaki.

“Pasensiya ka at nahanap ko siya. Sa wakas, mabubuo na rin ang pamilya niyo. Siya na lang ang hinihintay upang matapos na ang pagdurusa mo sa mundong ito, Carmela.”

Nanginginig ang mga labi nitong may mga sûgàt din, dry na dry ang labi niya at mahahalata mong kulang sa inom ng tubig.

Ang itsura niya ay tila tumanda nang tatlong pung taon kahit labing walong gulang pa lamang ang panganay na anak ng pamilya David at Arandia.

“H-Huwag mong papakealaman ang k-kapatid ko parang awa mo na. Wala siyang kinalaman sa alitan ng ating mga pamilya, hayaan niyo na siya parang awa niyo na.” Umiiyak namamakaawang babae.

Bakas ang pagdaing ito ng mas higpitan ni Erwin ang pagsabûnōt sa kaniya.

“Huwag mong subukang linlangin ang aking desisyon. Ang pamilya mo ang dahilan kung bakit mahirap ang kalagayan namin ngayon, kung hindi dahil sa iyong ama at sa pamilya ng Xelvestry ay hindi kami maghihirap at sinapit ito. Hindi matatanggal ang aking ama sa pagiging Alcalde Mayor at hindi ito papalitan ng Jacinto na 'yon. Hindi kami pinupulot sa basûrà ngayon!” Nanggagalaiiti itong nakatingin kay Carmela na lumuluha pa rin.

“P!natay ng iyong pamilya ang aking ina at nag-iisang kapatid!” Sigaw nito sa pagmumukha ni Carmela na labis ang galit.

“P!natay mo rin ang aking mga magulang! Walang hiya ka!” sigaw ni Carmela kahit nahihina na ito dahil sa walang kain at uhaw  na uhaw.

Malakas na sâmpal ang natanggap ni Carmela mula kay Erwin.

“Iyon ay dahil hindi ako makakapayag na hindi napagbabayaran ng mga nagkasala ang kasalanang ginawa nila. Taliwas at hindi patas ang pamamaraan ng gobyerno. Kung hindi nila maibigay ang hustisyang kailangan ko, ako mismo ang kakamit no'n.” Puno ng galit ang emosyon ng mga mata nito.

Patapon niyang binitawan ang babae at tumayo. Napasapo ito sa kaniyang noo at humihinga ng mabigat.

“P-Pakiusap, huwag ang aking kapatid. Huwag siya.” Napahagulgol si Carmela.

Alam niya kasi ang dadanasin ng kapatid niya sa oras na mapasakamay din ito ng mga tulisang ito mas mahirap pa sa dinanas niya at ayaw niyang mangyari iyon.

Sapat ng siya ang makaranas ng kababûyán at impyêrnøng buhay, huwag lang ang pinaka-iingatan niyang kapatid. Ayaw niyang danasin nito ang panggâgãhâs@, pananakit, panglalat!go, at kung ano ano pang paghihirap sa kaniya.

“Huwag mo akong utusan!” Sigaw ni Erwin at kinuha ang alak mula sa isang lalaki at timungga iyon.

“P-P-Pakiusap... H-Huwag si Regine. Nakikiusap ako, E-Erwin...” Paulit-ulit sa pagmamakaawa si Carmela ngunit parang bingi lamang si Erwin at hindi ito pinansin.

Ngunit lingid sa kaalaman nila ay hindi tunay na kapatid ni Carmela ang nakilala ni Erwin, at iyon lamang ay nagbabalatkayo bilang bunsong anak ng Arandia.

Hindi nila alam na ang babaeng iyon ay hindi tunay na nagmula sa panahong ito.

Hindi nila kauri. Hindi nila kaanib. Hindi iyon si Regine, ngunit siya ay si Aecy Alliyah.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon