ʚChapter 71ɞ

8 1 0
                                    


Hanggang sa makauwi ako ay iyak lang ako ng iyak. Bakit wala siya rito sa bahay? I'm expecting him to be here and hear his side. Bakit hindi pa siya umuuwi? He's supposed to be here by this time.

Napabalikwas ako ng tayo nang may kumatok sa pinto. Napatingin naman ako kay Gwen na tinanguan lang ako, tinignan ko ang oras at alas nwebe na ng gabi.

I sighed deeply and composed myself, I'm not expecting that it's him knocking on the door but I do hoping.

Mariin akong napapikit at saka binuksan ang pinto.

And there, I met his cold and expressionless eyes.

“Paumanhin kung umalis ako ng hindi nagpapaalam sa iyo, ngunit narito ako upang kunin ang aking mga gamit.” Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang igalaw ang parte ng katawan ko, to step aside so he can come in. I'm just meeting his eyes, they look to strange to me.

Napatingin siya sa pisngi ko banda, I know kita niya ang súgat ko doon.

“B-Bakit?” I tried my best not to stutter, but it just came out.

“Dahil ako ay babalik na sa aming tahanan.”Seryoso niyang hayag nang bumalik sa mga mata ko ang tingin.

“Matapos mong makinabang aalis ka na lang? Ganiyan pa ang expression mo, psh!” Napa-iwas ako ng tingin para pasimpleng punasan ang luhang tutulo na naman.

Hindi ko alam bakit biglang nagkaganito.

“Paumanhin ngunit ako ay papasok na upang kuhanin ang aking mga gamit.” Nilampasan niya lang ako at tuluyang pumasok sa loob. Napahawak ako sa bibig ko at mabilis na tumakbo hanggang sa marating ko ang gate at humarang doon.

“H-Hindi ka pwedeng umalis, you have to explain yourself first.” I whispered as I keep staring at the doorway. My tears keep on streaming down.

And there he go, carrying his bag while simply walking towards me—looking at my eyes as if they weren't once been the happiest.


“Humaharang ka sa daan, ako'y aalis na.” sabi nito.

“Hindi. Walang aalis. Dito ka lang, hindi ka aalis, Sebastian.” Madiin kong binigkas ang pangalan niya but his expression didn't change, still expressionless.

Nagsimula na namang manggilid ang mga mata ko.

“I-Iniwan mo ako... Akala ko darating ka kaya naghintay na naman ako, pero h-hindi pala.” Kasabay ng huling kataga ay tumakas na ang taksil kong luha. I'm now crying in front of him, in the middle of the night.

“Ako'y umuwi. May nangyari.” Tipid niyang sabi.

“Akala ko ba hindi mo kilala ang babaeng 'yon? Bakit nalaman ko na lang na ikakasal pala kayo? Ano 'to lokohan?” Dumaplis ang hindi maipaliwanag na emosyon sa mga mata niya na agad ding nawala.

Bakit ganiyan siya? Bakit hindi ko mabasa ang iniisip niya?

“Paumanhin kung sa iba mo pa nalaman, ngunit ngayon alam mo na, wala na akong dahilan para ilihim pa sa'yo.” Mabigat ang ginagawa kong paghinga habang siya sobrang kalmado.

“K-Kung hindi ko nalaman, hindi mo sasabihin?” Tumango siya. “Bakit?”

“Sapagkat ayaw kitang saktan, batid kong masasaktan kita kapag sinabi ko pa sa iyo.”

“Pero mas nasaktan ako nung tinanggi mo pa siya tapos ngayon malalaman kong may koneksiyon pala kayo, sa iba ko pa talaga nalaman.” I brushed my hair. Napasabunót ako sa buhok ko at sinalubong ang seryoso niyang tingin.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon