Napagdesisyonan nilang manatili muna dito at samahan kami. Sama-sama na kami ngayon na naglalakad papunta sa bilihan daw ng merienda.
Magkaibigan na agad si Gwen at Katrina, magka-usap nga sila.
Habang si Donya Elena at Tiya Teresita naman ang magka-usap.
Katabi ko si Lushia pero hindi kami nag-uusap kasi wala kaming pag uusapan.
Tamang sunod lang sa kanila.
Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin kong may nakatayo sa tabing ilog.
Tinignan ko si Lushia na napahinto rin pala.
“Lushia, dito lang muna ako. Kapag hinanap nila ako sabihin mo kasama ko siya ah.”
Tinanguan niya ako. Hindi ko na hinintay pa kung may sasabihin ba siya at dahan-dahan kong tinawid ang bato-batong daan para makapunta doon sa parang nagsisilbing tulay sa tabing ilog.
Kumikirot pa ang sûgat ko sa likod dahil nape-pwersa 'yon sa paghakbang ko.
Butas butas ang bato-batong daan at kita sa ilalim ang umaagos na tubig. Isang maling hakbang ko lang talaga, matutumba ako. Ang haba pa man din ng suot ko.
“Ano ba kasi 'yan! Bakit ba walang pantalon dito. 'Yon na lang sana pang alis ko.” Reklamo ko.
Hinawakan ko pataas ang magkabilang dulo ng saya ko dahilan para makita na ang mga tuhod ko.
“AY PALAKA!” Malakas akong napasigaw nang dumulas ang paa ko nang humakbang ako.
Naramdaman kong matutumba ako pero may humawak sa kamay ko at hinila ako papalapit sa kaniya. Napahawak ako sa dibdib niya nang malakas ang impact nang pagkakahapit niya sa akin palapit sa kaniya.
I met his eyes. And there's another slow gravitational force happen between us, everything move in slow phase.
Ang mga mata niya ay parang nagningning ng makita ang mga mata kong hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Tanging mabilis at malakas na pintig lamang ng aming mga puso ang naririnig ko habang hindi pa din napuputol ang mga tinginan namin. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko nga nakahawak pa rin ako sa dibdib niya.
“Paulit-ulit na kitang sinabihan na mag-iingat ka.” Malalim ang boses niya at lumabas na naman ang dimples niya nang ngumiti siya.
I miss his dimples.
“Sorry, clumsy kasi ako.” Wala sa sariling tugon ko habang nakatingin pa rin sa mga mata niya.
“Hindi ka ba nangangalay sa pwesto natin?” Tanong niya, nakatingin pa rin sa mga mata ko.
“Hindi eh, ikaw ba?” Mahinhin kong tanong pabalik.
“Ako'y nangangalay na.”
Bumalik ang lahat sa normal at mabilis siyang tinulak paalis sa'kin.
Hays! Panira siya, hindi marunong makiramdam sa moment namin. Sinira niya pa ambiance!
Okay lang din, niligtas na naman niya ako pero hays talaga siya! Si Sebastian nga talaga siya, walang may kayang gumawa ng duplicate niya o ng isang dôppelgāngér.
Hay! Nako!
“Ano ang iyong ginagawa rito, Aecy?” Tanong niya, nakangiti pa rin sa'kin.
“Ah... Sinamahan ko si Tiya Teresita mamili tapos napunta ako rito, tatanaw sana ako... Nandito ka pala.” Palusot ko sa huling kataga.
Kaya naman ako nandito kasi nandito siya eh, nakakahiya lang aminin hehe.
Ang corny ko na talaga, nahahawa ako sa kaniya.
“Ako'y tumatanaw din sa malinis na ilog, halika.” Nilahad niya ang kamay niya kaya binitawan ko ang saya ko at nakangiting kinuha 'yon.
Inalalayan niya akong maglakad hanggang sa marating namin ang railings na kahoy na humaharang sa ilog.
“Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko at dinantay ang mga kamay sa railings at nagmasid.
“Sinamahan ko rin si ina, at dito ako madalas magpalipas ng oras.” Napatango ako sa kaniya.
Well, maganda nga naman ang paligid. Malinaw ang tubig ilog at maganda ang view, kitang kita kasi ang malawak na kakahuyan sa kabila pero mayayabong ang mga bulaklak. Maganda ang view, it's giving aesthetic vibe na pwedeng pang IG.
Great idea!
Nilabas ko ang cellphone ko at pinicturan ko. Vinideo ko pa iyon at unti-unting suma-side ang cellphone ko, hindi ko na ginalaw ang camera nang huminto iyon kay Sebastian at nakatingin sa akin.
Nang makitang nakatutok sa kaniya ang cellphone ay napatingin siya roon at ngumiti. Nakatingin lang ako sa cellphone ko at napangiti rin.
Favorite ko talaga ang smiles niya, nakakahawa at ang genuine.
“Ako ba ay iyo nang natitipuhan?” Mabilis kong in-end yung video at inirapan siya.
“Ang hangin mo talaga masyado!”Inirapan ko ulit siya at umiwas ng tingin.
“Napakaganda mo ngayon, Aecy. Palagi ka namang maganda ngunit kakaiba ka ngayon, ninanakaw mo ang puso ko.” Parang dinamba ng malaking bato ang puso ko sa sinabi niya.
Gosh! Bakit ba ang straightforward niyang tao?! Hindi ba uso alibi sa kaniya?!
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...