Gosh! I swear, everything he does was new to me and he will. I'm sure, palagi akong kikiligin.
Baka tuluyan na talaga akong hulog na hulog at hindi na magawang makaahon.
Oh god! I never knew I'd like this feeling.
“Ewan ko sa'yo, Sebastian! Nakakainis ka.”
“Ako ba ay nakakainis? Kaya ba nakangiti ka riyan?” Pinalo ko siya ng hawak kong towel at mas ngumiti.
Wtf! Kinikilig na talaga ako, hindi na pwede 'to.
“Mahal ko?” Ayon na naman, para akong tinutunaw kapag tinatawag niya ako niyan. Pakiramdam ko, mahal na mahal niya talaga ako.
“Oh ano?” Inirapan ko siya kahit kumakarera na sa bilis ang tibok ng puso ko.
“Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Ipapakilala na kita sa aking pamilya bilang aking kasintahan.” Gulat akong napahinto.
“S–Sebastian napag-usapan na natin 'to. A-Alam mo ang sitwasyon ko sa pamilya mo.” Napayuko ako.
“Hindi ba't sinabi ko na rin sa'yong handa akong ipaglaban ka? Mahal kita, aking sinta. Handa akong itaya ang lahat, mabatid lamang ng aking pamilya kung sino ang nagpapasaya sa akin at sino ang nagapatibok ng aking puso.” Hinawakan niya ang mga kamay ko at marahang pinisil.
“Huwag kang mag-alala, ano mang mangyari ay hindi ko bibitawan ang iyong kamay sa oras na harapin natin sila. Hmm?”
I composed all my strength to nod at him.
And I told myself too that's I'll fight for love.
I'll fight for him because I love him too.
I feel so tensed. I'm well dressed up but I can't calm down.
I was just patiently waiting for Sebastian to arrive here and fetch me. Kanina ko pa pinipisil ang mga kamay ko para lang pakalmahin ang sarili ko pero walang effect, kabado talaga ako.
Parang hindi ko naman naranasang ma-legal sa parents eh.
But this time is definitely different from my past. I have a history to Sebastian's parents, lalo na kay Don Jacinto. I know, siya ang unang tututol.
“Girl, para kang nanonood ng horror diyan tapos naghihintay ng jump scare. Kumalma ka nga muna, isipin mo lang na finally legal na kayo. Hindi na secret relationship niyo sa parents niya.” Naupo si Gwen sa tabi ko at tinapik-tapik ang kamay ko.
Pero kinakabahan pa rin talaga ako. Anytime soon darating na si Sebastian, at mas nakakakaba.
Today's Saturday, at 10 AM na ngayon. 2 hours pa ang byahe tapos hindi ko pa alam anong sasabihin ko. Hindi ako gumawa ng script ko eh.
“Girl, what if failed?” Kibo ko.
“Humanap ka na ng iba. Mas better kung afam tapos mayaman.” Pinalo ko naman siya. Wala talaga siyang kwentang kausap.
“Basta hindi failed relationship niyo, keri niyo 'yan. Magsama na lang kayo.” Natatawa niya usal pero hindi ko na lang siya pinasin.
Napatingin ako sa kalesang huminto sa labas, agad ding lumabas doon si Sebastian na bihis na bihis. Naka itim siyang tuxedo at itim ding pants. Kulay pula ang neck tie niya at puti ang panloob. Maayos din ang buhok niya at gaya ng palagi, makalaglag panga ang kagwapuhan niya.
Hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang nagustuhan ng poging lalaking 'yan. I'm sure, kung nasa panahon ko lang siya. Every girls would drool over him. O baka maging isang sikat na artista pa ito at pag aagawan pa ng mga agency pagnagkataon.
When he looked at me, ang nagwawalang kaba sa dibdib ko ay humupa. His presence immediately made me calm.
Napangiti rin ako nang ngumiti siya sa'kin. Pasimple kong vinideohan ang paglapit niya sa'kin at in-end iyon nang makalapit na siya ng tuluyan.
Nilahad niya ang kamay niya at nakangiti ko namang kinuha 'yon.
“Handa ka na ba, mahal ko?” Tanong nito.
“Basta kasama ka, handang handa na ako.” I said.
“Sus por que nandiyan na, handa na raw. Hanggang dito ba naman, third wheel ako. Oh siya bye-bye, ingat kayo ah. Sebastian, sinasabi ko sa'yo kapag umuwi 'yang umiiyak, hindi na kita hahayaang lumapit sa kaniya at makakatikim ka talaga ng sapak sakin.” Napangiwi naman ako sa sinabi ni Gwen na naglalakad na papasok sa bahay ngayon.
Ang OA niya talaga.
Binaling ko na lang ang tingin ko kay Sebastian na pinipisil-pisil ang kamay ko.
“Bago tayo pumunta sa amin ay may dadaanan muna tayo. Nais kang makilala ng aking ninong, ang Gobernador-Heneral.” Nanlaki ng mga mata ko.
Ninong niya 'yon??? Gosh! Feeling ko, he deserves better talaga.
“Tayo na?” Aniya. Tinanguan ko naman siya at nagsimula na kaming maglakad.
Hindi na ako kinakabahan pero for sure mamaya kakabahan na ako. lalong baka sa subrang kaba at mahimatay ako sa harap!!
He was staring at me as if he's staring at my soul.
Presensya niya palang nakakapanindig balahibo na. Lalo pa ng boses niyang bakas ang kapangyarihan.
Kaharap ko ang Gobernador-Heneral ngayon. Matanda na siya, pero bakas sa kaniyang malakas pa siya. Namumuti na ang bigote at at balbas niya. Pero kung makatingin talaga siya akala mo may atraso ako eh.
“¿Así que ella es la mujer de la que estás orgulloso? Es muy hermosa, realmente has hecho lo que te aconsejé, ahijado.” [Kung ganoon siya pala ang babaeng iyong pinagmamalaki? Napakaganda niya, ginawa mo talaga ang aking pinayo sa iyo, inaanak.] Usal nung Gobernador-Heneral sa espanyol. Hindi ko naman naintindihan.
Nakita ko pang ngumiti si Sebastian..
Kaya masasabi kong maganda ang sinabi niya.
“Sí, padrino, ella es la indicada. Ella es Reverie Montemayor, la mujer que solo quiero casar.” [Oo, ninong, siya nga iyon. Siya si Aecy Alliyah Arandia, ang babaeng nais ko lamang pakasalan.] Nakangiting usal ni Sebastian.
“Arandia? Siya ay isang Arandia?!” Gulat na tanong ng Gobernador-Heneral. Tumango naman si Sebastian.
Napunta na naman sa akin ang tingin niyang akala mo hinuhusgahan ang buong pagkatao ko.
“Siya po ang la hija menor ng David at Arandia.” [Bunsong anak]
Dudugô na yata ilong ko, masyado nilang pinamumukha na outcast talaga ako sa panahon na 'to.
Tinitigan lang ako nung Gobernador-Heneral kaya naiilang na lang akong tumingin sa desk niya. Nakaukit ang pangalan niya sa maliit na kahoy doon.
Arnold M. Flores— GOBERNADOR-HENERAL
Ang nakasulat doon.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...