Napatingin kaming lahat sa pinto nang may kumatok doon. Pumasok ang isang lalaking matangkad at unang nagtagpo ang mga mata namin. Agad akong umiwas.
It was Hiroshi. Totoo ngang kanang kamay siya ng Gobernador-Heneral.
“Sebastian, narito ka nga. Narito ka na rin naman, ako'y may ipapakita sa iyo. Akin lamang pong hihiramin si Sebastian ng sandali, Gobernador-Heneral.” Paalam ni Hiroshi. Tumango lang naman ang Gobernador-Heneral.
Sebastian approached me, he gently held my hand. “Maiwan na muna kita sadali rito, mahal ko. Lalabas lang ako sandali.”
I simply nodded in response, I just watched him departure through the doorway.
Nang kami na lang ng Gobernador-Heneral ang nandito sa kwarto ay hindi na ako komportable. Nanatili lang akong nakatayo habang tinitignan ang mga kuko ko.
“Ikaw ang bunsong anak ng mga Arandia?” I pursed my lips and nod at him.
Here I am again, pretending.
“Ano nga ulit ang iyong pangalan?” Tanong na naman niya.
“Aecy Alliyah ho.” Sagot ko. Napalunok ako nang unti-unti siyang naglakad papalapit sa'kin, hindi ako umatras dahil hindi ko maigalaw ang mga paa ako. Para akong naistatwa.
His presence is just too heavy.
“Sino ka? Hindi ikaw ang anak nina Clarita at Francisco. Hindi ikaw si Regine.” Napaatras ako nang mahigpit niya akong hawakan sa braso. Napapadaing ako pero mas hinihigpitan niya pa rin ang hawak sa akin.
“Bakit mo ginagamit ang kaniyang pagkakakilanlan? Hindi mo man lang nagawang ibahin ang iyong pangalan, eres una hipócrita.” [Isa kang mapagpanggap.] Napakunot noo ako. Pero napalunok ako nang ma-process ang mga sinabi niya.
He knew. I'm doomed. He knew who's the real youngest daughter of Arandia's.
Napalunok ulit ako dahil nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
Mabilis niya akong winaksi nang muling may kumatok sa pinto.
Para akong nakakita ng bangkay sa harap ko at hindi ako makagalaw. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko, parang akong gutom na nanghihina.
His dark stares are too terrifying.
Hindi ko pinansin kung sino ang pumasok, nakatingin lang ako sa sahig habang takot na magtagpo muli ang mga mata namin.
Pakiramdam ko para akong isang krímínal na nahuli.
Tiya Teresita must know this.
“Aecy, ayos ka lang ba?” Napunta ang tingin ko kay Sebastian nang hawakan niya ako. Mabilis ko namang hinawakan siya sa kamay.
“U-Uwi na tayo. Hindi kasi maganda pakiramdam ko, pwede bang pagpaliban muna natin?” Naalerto naman agad siya at hinawakan pa ang noo at leeg ko.
“Please?” I tightened my grip on his hand. Tumango naman ito at hinawakan ako sa kamay bago hinarap ang Gobernador-Heneral. Napatingin din ako sa kaniya at sa akin siya nakatingin.
“Padrino, mauuna na po kami. Maraming salamat at kami'y inyong pinaunlakan. Ako po'y bibisita ulit sa araw na inyong sinabi.” Tinanguan naman ito ng Gobernador-Heneral pero nasa akin pa rin ang paningin.
Napalunok ako. Ramdam kong natatakot ako sa kaniya, hindi ko alam pero parang may galit na siya agad sa'kin.
“Tayo na.” Naglakad na kami at nang makalabas ay bumuntong hininga ako as mas hinigpitan ang hawak sa kamay ni Sebastian.
Kinakausap niya pa ako pero wala lang akong maintindihan sa mga sinasabi niya. My mind won't just process.
Hanggang sa makauwi ay hindi ako makausap ng maayos ni Sebastian. Ha lang ako ng ha tapos o-oo ng hindi naman related sa sinabi niya.
Pinauwi ko na lang siya kahit nagpupumilit pang manatili.
Mabilis kong pinasok ang kwarto ni Tiya Teresita ng walang katok katok. Natagpuan ko siyang nagro-rosaryo. Pero nang maramdaman niya ang presensya ko at tumigil siya at humarap sa'kin.
“Nakilala ko ang Gobernador-Heneral kanina, pinakilala ako ni Sebastian bilang bunsong anak ng Arandia. At alam niya ang katotohanan, alam niyang nagpapanggap ako dahil kilala niya ang totoong bunsong anak ng Arandia at David, Regine ang pangalan niya. Tiya, may nakakaalam ng ng totong pagkatao ko maliban sa atin.” Walang paligoy-ligoy kong kwento.
I'm expecting her to be shock but she didn't show any expression at all. Kung anong expression niya kanina ay gano'n pa rin ang expression niya ngayon.
Nagsalubong naman agad ang mga kilay ko.
Naupo ako sa higaan niya at hinarap siya. “Tiya, umamin nga po kayo sa'kin. Alam niyo bang mangyayari 'to? I mean, alam niyo na ba ang mga mangyayari? Nakikita niyo ba ang mangyayari sa'kin sa panahon na 'to? Up until now, hindi ko alam anong purpose ko rito.” Hindi siya sumagot.
I brushed my hair.
“Tama ba ako?” Tanong ko ulit.
“Hija, mag-iingat ka lang. Iyon lang ang maipapayo ko sa'yo. Maging maingat ka sa mga taong iyong pinagkakatiwalaan, hindi mo batid ang mga tunay nilang pakay.” 'Yon lang ang sinabi niya at umalis sa kwarto niya.
I sighed.
“Fvck! Nag-uumpisa palang akong sumaya sa panahon na 'to, bakit ganito na agad ang mga nangyayari?” Napahilamos ako sa mukha ko at nakaramdam na naman ng kirot sa dibdib.
Minsan talaga napapaisip ako kung malas ba talaga ako sa pag-ibig.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...