Matagal din kaming magkayakap hanggang sa kumawala na siya at inalalayan niya akong maupo sa napakaling bato. Natatabunan din kami ng napakalaking puno, this must be the baliti na tinatawag nila.
“Dalawang oras akong naghintay sa ating tagpuan, hindi ka dumating.” Hindi ko alam bakit nasabi ko pa 'yon, hindi ko na dapat sasabihin pero kusa na lang talaga lumabas sa bibig ko.
Napayuko naman siya nang umupo sa tabi ko.
Madilim na rin ang nasa paligid dahil gumagabi na, at walang kahit anong ilaw sa paligid. Pero ayoko rin namang umalis, gusto niya rito eh kaya samahan ko nalang siya.
“Paumanhin, hindi ko rin inaakalang hindi na ako makakarating dahil lamang sa nangyaring iyon. Pasensya na, mahal ko. Patawarin mo sana ako.” sabi niya pa.
Ano ba 'yan! Bakit ba nakokonsesiya pa ako na in-open ko pa yung topic? Nasasaktan tuloy ako sa expression niyang pinakita ngayon.
“Joke lang! OA ka talaga hanggang sa pagso-sorry.” I sugarcoated. I want to at least ease the surroundings that's why I intended to sound joyful.
“Kahit Kailan man hindi ko inakalang magagawa kong sagutin ang aking ama. Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng lakas ng loob na tutulan siya sa desisyong kailan man hindi ko magustuhan. Kaya salamat sa iyo, mahal ko.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos iyon.
“Ano bang nangyari?” I tilted my head so I can see him. Nakita ko namang pumatak ang mga luha mula sa mga mata niya kaya humigpit ang hawak ko sa kamay niya.
“Wala. Mabuti pang huwag na nating pag-usapan iyon, pinipiga lamang ang aking puso pag naiisip ko yun.” Kinagat ko ang labi ko at hinawakan ang baba niya para iharap sa'kin ang kaniyang mukha.
“Ang dami mong pasa at sûgat, ako yung nasasaktan kapag nakikita ko mga yan eh. Tignan mo nga ang pangít ng ayos ng buhok mo tapos lukot lukot pa ang damit mo.” Tunog nanenermon tuloy ako. Naaawa ako sa kaniyang itsura ngayon.
“Huwag mo na lamang pansinin. Isipin mo na lamang na ang mukhang iyong kaharap ngayon ay ang mukhang nasilayan mo noong araw na ako na rin ang tinitibok ng iyong puso.” He said while looking at my eyes.
He tightened his grip on my hands. Kahit madilim ay kitang kita kong kumikislap ang mga mata niya, he's crying... again.
And it's making me cry.
Nasasaktan ako tuwing nakikita kong nag si tulo ang mga luha niya.
“Ikaw ang kasagutan sa aking dalangin, ang tatlong beses kong hihilingin kung bibigyan lamang ako ng tatlong kahilingan. Ikaw ang tangi kong pipiliin kahit saang parte ng mundo pa naman din at sa bawat siglo. Ikaw ang bituin sa sarili kong kalawakan at kung may nais man akong makitang magniningning sa aking kalawakan. Ikaw at ikaw lamang iyon, mahal ko. At kahit anong mangyari, saan man tayo pagtagpuin sa iba't ibang panahon, ikaw at ikaw pa rin ang aking mamahalin.”
Sumusunod lang ang tingin ko sa mga tingin niya hanggang sa unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin.
Hindi ako gumagalaw kasi hindi ako magalaw para akong pinadikit sa aking kinalalagyan ngayon. Para akong naging statue sa kinauupuan ko habang nakatingin lang sa mga mata niyang punong puno ng pagmamahal at kitang kita ko roon ang reflection ko.
I felt it. I felt his lips against my lips. He's... HE'S DÂMN KISSING ME! I didn't stole a kiss from him, but he kissed me while I'm still not back to my senses.
I felt his lips moved but my lips didn't. I'm just feeling his soft wet lips against mine.
Napanganga ako dahil sa gulat nang ma-realize na WHAT THE FVCK! HINALIKAN NIYA AKO! SIYA MISMO HUMALIK SA'KIN AT HINDI AKO! YES! YES! YES!
Pero tuliro ako at hindi alam ang gagawin.
Naramdaman kong hinawakan niya ang ang gilid ng leeg ko at mas diniin ang labi ko sa kaniya. And in an instant, I found myself sharing the passionate kiss with him. It was soft and it was really out of my league dahil gusto ko agresibo, pero ngayon, I want this gentleness, I want this softness. Only with him.
Sinasabayan ko lang siya at pinipigilan ang sariling higitin siya sa batok at laliman dahil baka mahawa lang siya sa kaweirduhan ko.
And this feels good.
And again, I feel and found my solace in his soft kisses and soft touch. He's my abditory, he's indeed an unexpected surprise, the defining moment. The collision of stars that slammed into me hard and sent my neat little world plummeting into the ocean.
I never expected it to be him, I hope he knows. But it is him. It's all him. And now there's no looking back.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...