ʚChapter 69ɞ

8 0 0
                                    

Napatingin naman ako doon sa babae na nakangiti habang sinusundan ng tingin si Sebastian. Napunta sa'kin ang tingin niya kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

Naglakad sila papalapit sa amin kaya umayos ako ng tayo at nagkunwaring may pinag-uusapan kami ni Gwen.

“Kung ganoon totoo ngang may kasintahan na si Sebastian.” Bungad nito. Napatingin naman ako sa kaniya.

“Tunay na maganda ka, gaya ng kaniyang turan. Maganda rin ang paraan ng iyong pananamit.” Tumatawa siya nang banggitin ang "pananamit".

Nagkatinginan naman kami ni Gwe.

“Tara na lang bes, mukhang takas mental 'yan.” Hinila ako ni Gwen.

Nakaka-insulto 'yong babaeng 'yon ah.

“Napakababa ni Sebastian. Sa dinami-dami ng magagandang babae, iyon pang akala mo ay hindi babae kung magsalita at pomustura. Hindi hamak naman na mas maganda at mas kaakit-akit ako.” Tumaas ang sulok ng labi ko sa narinig. Binitawan din ako ni Gwen kaya binalikan ko siya.

“Naririnig kita.” Asik ko sa kaniya. At dahan-dahan naman niya akong nilingon.

“Kung ganoon ay marahil ngang may pandinig pa ang iyong mga tainga.” Natatawa niyang pilosopong usal. Sobra mang-inis 'tong brvhang 'to ah.

“Gwen, naghahanap yata 'to ng away eh.” Maarte lang akong tinignan ng babaeng 'to at pinagkrus ang mga braso. Pinapaypayan pa rin siya ng babaeng kasama niya na nakayuko ngayon.

“Wala si Vienna rito pero pinalitan ng isang brvha.” Rinig kong bulong ni Gwen.

“Nais ko nga palang ipakilala ang aking sarili. Ako si Regine, kinagagalak kong makita ka sa wakas, Aecy Alliyah. Arandia. Kakaiba ang iyong ngalan huh.” Madiin ang pagbigkas niya sa apelyido ko.

“Pwes hindi ko kinagagalak na makita ka. Huwag mo 'kong tinatawa-tawanan diyan, baka masabvnutan kita.” Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

“Iyan ba ang nagustuhan ni Sebastian? Isang babaeng mapagbanta?” Naaawa pa ang tingin niya sa'kin. Kumukulo na dugo ko sa kaniya, isa pang banggitin niya na ako ang nagustuhan ni Sebastian, kakaladkarin ko siya.

Dinaig niya ang bruhildang Vienna.

Tatalikuran ko na sana siya nang magsalita na naman siya.

“Marahil hindi mo pa alam kung ano ako sa buhay ni Sebastian gunit sa oras na malaman mo, batid kong hindi mo ikakatuwa dahil panigurado pati si Sebastian ay hindi sinasabi sa iyo.” Kumunot ang noo ko. Anong hindi sinasabi sa'kin?

“Kung sino ka man sa buhay niya, wala akong pakialam. At kung plano mong manira ng relasyon, better luck next time.” Inirapan ko siya. Nanlaki ang mga mata niya habang nagtatakang nakatingin sa akin.

“M-Maalam ka sa Ingles?” Gulat nitong usal.

“Hindi lang siya, me too.” Singit ni Gwen.

“P-Paano?” Nagtataka niya pa ring usal.

Bumuntong hininga ako at tinarayan naman siya ngayon.

“It's none of your business.” Inirapan ko siya at iniwan na. Nakipag-apiran pa ako kay Gwen.

Dami niyang dada, iiwan lang din naman pala namin siyang speechless.

“And you are really doing your best to pretend you are the real daughter of Arandia.” Napahinto ako sa paglakad nang marinig din siyang magsalita in English. Hindi tulad ko na smooth, bakas ang native at sinaunang pagsasalita ng English sa tono niya.

The fvck! Foreigner nga talaga siya?

Pero what made me stop was that “pretend” and “real daughter of Arandia”.

“P-Pa'no niya nalaman bes?” Hindi ko tinapunan ng tingin si Gwen at napatingin kay Regine.

'Yon din ang tanong ko. Paano niya ako nabisto eh ang Gobernador-Heneral lang ang nakaalam no'n.

“Does Sebastian know this? What if he found out that you are deceiving him by pretending you are a Arandia, yung ang totoo naman ay hindi.” Nakangisi niyang usal. Napalunok ako.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. I lost words to say.

“Where did you get that information naman? How sure are you that she is not a Arandia?” Si Gwen ang nagsalita.

“Because I am.” Tuluyang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya. Kaharap ko ngayon ang totoong bunsong anak ng David at Arandia?

Pero sabi ni Tiya Teresita malabo nang makabalik siya sa bansa, bakit nandito siya ngayon? Bakit alam niya?

“Pero huwag kang mag-alala, wala pa sa plano kong sirain ang mala-paraiso mong buhay. Enjoy this life of yours for now, but let me assure you that I will get what is mine from the very beginning.” Hindi ako makapagsalita. Ramdam kong hinawakan ako ni Gwen.

“Bes, delikado ka na.” Bulong ni Gwen.

“Habang maaga pa, magpakatotoo ka na sa nobyo mo. Dahil kung hindi, ako mismo ang magsasabi sa kaniya.” Nakangisi niyang usal. I pointed my finger on her at ramdam kong nanggigilid na ang luha ko.

“Huwag mong subukang mangialam. I will tell him about my identity, just fvcking shut your mouth.” I eagerly said. Nginitian niya lang ako.

Lumapit siya sa'kin at pinagpagan ang balikat ko.

“Good luck, binibining Aecy Alliyah. Maghihintay akong makitang itaboy ka ng lalaking mahal mo.” Tumawa ito matapos sabihin 'yon.

“Ginigigil mo talaga akong babae ka!” Wala na akong pakialam kung makita ako ni Sebastian, sinugod ko siya at sinâbunutân dahilan para matanggal sa pagkakatali ang mahaba nitong buhok.

Dumadaing naman siyang inaabot ang buhok ko pero iniilag ko lang ang sarili ko sa kaniya. Ramdam kong hinawakan ako ni gwen at inaawat naman kami ng alipores ni regine.

“Diyos ko po! Awatin ninyo sila.”

“Ano ba't dito pa sila nagsasakitan, makikita ng mga bata. Inyong takpan ang mga mata ng inyong mga anak.”

“Awatin na ninyo ang dalawa, sila'y nagkakasakitan na.”

“Argh! Mananabvnot ka pa!” Hawak na rin niya ngayon ang buhok ko at nagsasabûnutan na kami. Dumadaing ako sa sobrang higpit ng hawak niya sa anit ko.

Mas hinigpitan ko rin ang hawak sa buhok niya at pinaghihila-hila. Umaaray na siya pero wala akong pakialam.

Nakalmot niya pa ako sa pisngi kaya ramdam ko ang hapdi.

“TAMA NA!”

“Ah!” Natumba ako sa malakas na tumulak sa amin para paghiwalayin kami. Mahigpit na nakakuyom ang kamao at may iilang buhok ni Regine ang hawak ko.

Pati ang wrist ko banda ay mahapdi, tumama 'yon sa matulis na bato dahilan para magkaroon ng súgat.

Ramdam ko ang impact ng pagkakatumba ko. Napatingin ako sa tumulak at nakita ko si Sebastian na nakatingin sa akin ng walang expression.

“S-Sorry...” Hindi ko alam bakit nasabi ko 'yon. Kusa na lang lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa mga mata niyang walang buhay.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon