ʚChapter 21ɞ

25 2 0
                                    

Natapos na kaming kumain at sinusundan ko ngayon si Martin. Nang wala nang mga tao ay hinila ko ito papunta sa kusina.

“Hoy! Bakit marunong kang mag-English? Hindi ka rin ba galing sa panahong 'to? Same era ba tayo ng pinagmulan?” Kumunot naman ang noo niya at bagsak ang balikat ko siyang binitawan.

Ang buong akala ko ay pareho kaming panahon ng pinagmulan, mukhang dito nga siya talaga nagmula.

“So paano mo natutunan ang English?”

“Bakit interesado ka?” Tanong niya pabalik.

Hay! Nakatagpo ako ng ka-match ko, pareho kaming pilosopo. Halata rin sa pananalita niya.

“Wala lang. Nakakagulat kasi alam mo ang lenggwaheng 'yon, eh sabi ng kuya mo pinagbabawal daw sa inyo 'yan.” Paliwanag ko.

“Ako'y natuto ng kakaunting salita kung saan nakakaintidi at nakakapagsalita na rin ako ngunit hindi gano'n kalalim. Ako'y may kamag-aral na amerikano at sa kaniya ako natuto.” My mouth formed an "O". Wow, fast learner siya panigurado.

“I'm fluent in English. I will teach you.” Nagniningning ang mga mata niya at malawak na ngumiti nang sabihin ko 'yon. Niyakap naman niya ako kaya natawa ako.

Akala ko nonchalant, hindi pala.

Don't judge a book by it's cover nga naman.

“Paumanhin, binibini. Ako'y natuwa lamang sa iyong tinuran.” Ginulo ko lang ang buhok niya na sana hindi ko ginawa dahil masama na ang tingin niya sa'kin ngayon.

Akmang hihilain niya ang buhok ko nang umatras ako.

Hanggang balikat ko lang siya pero maliksi siya.

“Hep! Subukan mo, hindi kita tuturuan.” banta ko sakaniya.

Pero wapakels siya, hinawakan nito ang baro't saya ko at pilit inaabot ang buhok ko.

Nang matanggal ko ang kamay niya ay walang pasabi akong tumakbo palayo sa kaniya.

“Binibining Aecy! Bumalik ka ritooo!” Sigaw niya pero tumatawa lang ako habang tumatakbo hanggang sa makita ko ang pinto nilang nakabukas, pinagtitinginan ako ng mga katulong nila pero tumakbo pa rin ako.  Wala akong pakealam sa kanila stkkk hmpp...

Nang makalabas ay tumatakbo pa rin akong lumiko sa may garden. Habang tumatakbo ay tumingin ako sa likod ko pero wala na si Martin.

“O-Ouch!” Daing ko nang malakas kong mabangga ang kung ano man.

Nanlaki ang mga mata ko nang babagsak ako sa lupa pero may humila sa akin at naramdaman ko ang pagpulupot niya sa bewang ko.

Parang bumagal ang ikot ng mundo at galaw ng paligid nang magtagpo ang mga mata namin bago malakas siyang bumagsak sa lupa habang nasa ibabaw niya ako, gulat siyang nakatingin sa akin.

Mabagal ang paggalaw ng mga halaman, mabagal ang paghangin sa kaniyang buhok, at mabagal ang pagkurap ng kaniyang mga mata.

Nakahawak ang mga kamay ko sa lupa pero bagsak ang katawan ko sa kaniya, habang ang kamay niya ay ramdam kong nakapulupot pa rin sa bewang ko.

Nang ma-realize ang posisyon namin ay dali-dali akong  umalis sa kandungan niya at naupo sa lupa.

Paulit-ulit ang ginawa kong paglunok dahil mabagal pa ring gumagalaw ang paligid sa paningin ko. Hindi ma process ng utak ko sa  sa nangyari bigla sakin.

“A-Ayos ka lang ba, Aecy?” Bumalik ang lahat sa normal na galaw nang magsalita siya at lalo na yung utak ko..

Mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya at napatingin sa asul na kalangitan.

“Okay lang. Kasalanan mo 'to, nakaharang ka sa dinadaanan ko.” Bumalik ang tingin ko sa kaniya pero hindi ako tumingin sa mga mata niya. Nakatingin lang ako sa dibdib niya.

“Paumanhin kung ganoon, ikaw kasi ay naglalakad ng mabilis.” Wow! Kasalanan ko pa.

“Kasalanan ni Martin 'to. Kung hindi niya ako hinabol, hindi ako mababangga sa'yo. Tsaka sa lahat ng tao rito bakit ikaw pa? Nasaan yung Vienna mo?” Inirapan ko siya at napatingin sa gilid ko at tinignan ang paligid kung kasama nito si Vienna, Pero wala dalawa lang kami dito.

“Si Binibining Vienna  ay umalis na kasama si Ginoong Gabriel. Bakit ka naman hinahabol ng aking nakakabatang kapatid na si Martin?” Inirapan ko ulit siya.

Yung unang sinabi ko ey kasalanan ni Martin, pero bakit  unang sinagot niya si Vienna.. Amp!

“Kasi naghahabulan kami.” Inirapan ko na naman siya.

“Ano ang aking nagawa at napaka sungit mo na naman sa akin, Aecy?”
Halatang ilang pa siya sa'kin pero alam kong pilit niyang tinatago 'yon.

“Masungit talaga ako 'no matagal na, hmp.” Tumayo ako sa lupa at iniwan siya doong nakahiga.

Baka kung ano pang isipin ng mga makakakita sa'min.

Mga pilipino ba namang ma issue kunting galaw mo lang madami na napapansin..

Pasimple akong lumabas ng gate nang bumaling ang guwardiya sa ibang direksiyon.

°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°

“Bakit ba ayaw mong maniwala sa'kin ha? Magkakaroon nga ng babaeng pangulo ang Pilipinas at hindi lang isa, dalawa pa nga.” Umalis lang ito sa harap ko at umupo sa bangko.

Dapit hapon na ngayon at hindi ko na alam saan ako napunta, naligaw na ata ako, basta nagugutom na ako, 'yon lang. Dito ako napadpad sa mga nagbabalat ng kawayan sa paglalakad ko kanina.

“Binibini, ang mga babae po ay nakatakda lamang na maging asawa ng kalalakihan, at mag-aral ng pang-ga-gantsilyo, ng mga gawaing bahay, pagluluto, at mag-alaga ng kanilang mga anak. Malabo po ang inyong tinutukoy.” Bumalik ito sa pagbabalat ng kawayan.

“Hoy! I'm telling you, I'm stating the fact here. In fact, magkakaroon pa tayo ng world champion sa weightlifting. Super daming triumphs ang napanalunan ng mga kababaihan.” Pagkwento ko na naman.

Inilingan lang ako ng batang babae at mabilis ang ginawang pagbabalat sa kawayan.

Na halatang hindi talaga naniniwala sa sinasabi ko eh! Sa totoo naman talaga eh kung ayaw mo maniwala edi huwaggg hmpp..

“Psh! Why am I being so persistent ba? Eh wala namang maniniwala sa akin dito eh.” Nagsalukbaba na lang ako at naupo sa upuan.

Hinawakan ko ang laylayan ng baro't saya ko at nilagay sa mga hita ko, nasasayaran kasi ng lupa.

“Binibini! Ibaba niyo ho ang inyong kasuotan.” Nagulat ako sa biglang paglapit sa akin ng batang babae at nilaylay ang dress ko.

“Paumanhin kung hinawakan ko po ang inyong kasuotan. Pero  kayo po ay isang binibini, hindi po dapat makikita ang inyong kutis lalo na pag nasa maraming tao at kalakihan.” Napairap ako.

So conservative naman! Init na init na nga ako sa kasuotan na 'to, ang dami pang bawal. Madami na nga akong pawis baka amoy pawis na siguro ako..

“Ano ba 'yang ginagawa mo?” Usisa ko na naman at pinanood siyang mabilis na bumalik sa upuan niya.

Na curious lang ako sa ginagawa niya napaka seryoso kasi ito habang gumagawa.

“Ito po ay ginagawang sapin sa higpaan, binibini.” Usal niya lang.

“Eh anong pangalan mo?” Tanong ko.

“Ako po si Susan.” Napatango ako.

“Ang weird ng mga tao rito 'no?” Kunot noo niya lang akong tinignan.

Ang boring. Ang boring talaga ng life ko dito!!!

Wala ba akong ka-humor dito?

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon