“What the fvck is this?!”
Tila hinihigop ako no'n, dumungaw ako sa libro at napanganga ng umiikot na parang portal ang naroon.
It was surrounded by random roman numerals, even baybayin. Alphabet lang naman ito kanina, literal na ABCD but now, it's Filipino baybayin.
“N-No! No! Help! Aichillllleeee, help me.” Napahawak ako sa poste ng shelf ng tuluyan akong hinigop ng libro.
Narinig ko pa ang sigaw ni Aichille pero masyadong malakas ang pwersa ng libro at tuluyan akong hinila papasok sa loob nito.
“Woah! Woah!” Gulat kong usal nang inaanod ako sa dagat.
Napatingin ako sa buong paligid at malawak na karagatan lang ang nakikita ko, malalaki ang alon at madilim ang paligid.
Kinain ako ng takot dahil wala akong makita maliban sa bilog na bilog at kulay pulang buwan. Paulit-ulit ang ginawa kong paglunok.
Kislap ng dagat lang ang naaninag ko.
“H-Hindi ako makahinga...” Bulong ko pero nakaalalay ang mga kamay ko sa tubig upang hindi ako malunod.
Biglang nawala ang tama ng alak.
Paanong napunta ako rito? Why the fvck I'm here?
Ano ba ang nangyayariiiii?
Nang makakita ng barko sa hindi kalayuan ay walang pag-a-alinlangan kong tinaas ang mga kamay ko at humingi ng saklolo.
“Help! Tulong, tulong!” Buong lakas kong sigaw habang kinakaway ang mga kamay ko.
Fvck! Look here.
Ramdam ko nang nawawalan na ako ng hininga, mahihimatay pa yata ako.
Hindi ako pwede mam@tay dito 'no, kahit panaginip man 'to.
“Tulong! Tulong!” Sigaw ko.
Malapit na sa direksiyon ko ang barko pero parang pinupulikat na ang mga paa ko.
“Itigil ang pag-layag, mayroong tao roon at tila nalulunod.” Rinig kong may sumigaw.
Ramdam ko ang paglubog ko at kitang kita ko ang sinag ng pulang buwan, pero maliwanag iyon, maliwanag na maliwanag.
Tuluyan akong nilamon ng dagat at kitang-kita ko ang bulang lumalabas sa bibig ko.
Bago ko tuluyang maipikit ang mga mata ko ay may taong lumalangoy papunta sa akin.
Tinaas ko ang kamay ko pero patuloy pa rin akong hinihila palalim ng tubig.
Mabilis niya akong naabutan at hinila ang kamay ko, hinawakan niya ako sa balikat at lumangoy paahon.It feels like I am saved, someone saved my life.
Umuubo ako nang makasampa sa barko. Hinahabol ko rin ang hininga ko dahil literal na naubusan ako ng oxygen.
“Ginoong Sebastian, humawak po kayo sa akin.” Dinig kong usal nang malunanay na boses.
Napatingin ako sa lalaking inalalayang maka-ahon ang lalaking tumulong sa akin.
“Ayos lamang ba ang ginoo?”
“Bakit ang ginoo pa ang tumalon sa dagat upang sagipin ang estrangherang ito kung mayroon namang mga nagsasagip?”
“Balabalan ninyo ng sapin ang ginoo.”
My lips parted. Why are they talking in fluent Tagalog? Hindi ba sila nag-e-english?
At bakit mga barong ang kasuotan ng mga lalaking 'to?
Napunta ang tingin ko sa lalaking binalot ang katawan ng tuwalya. Napunta sa akin ang tingin niya at pinanood ko siyang kumuha rin ng pangsapin.
Lumapit siya sa'kin at binalabal naman sa'kin yung tuwalyang hawak.
“Ayos lamang ba ang iyong pakiramdam, binibini?” Nag-aalalang tanong niya. Wala sa sarili akong napatango.
Hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang nangyayari. Bakit ganito mga kausotan nila? Mga nakasumbrero ang iba. Tapos full Tagalog pa sila mag-usap.
Nagtagpo ang mga mata namin ng lalaki at parang nakita ko na ang mga matang 'yon, parang natagpuan ko na ang mga tinging ito.
“Anong nangyari sa iyo at naroon ka sa kalagitnaan ng dagat ng mag-isa? Sa ilalim pa ng gabi, binibini.” Napatingin ako sa lalaking may katandaan na at nakapamulsang nakatingin sa akin.
Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
Ano? Na hinigop ako ng libro tapos napunta ako rito?
Teka! Tama! Yung libro, hinigop ako ng libro tapos pag-dilat ng mga mata ko, nasa dagat na ako at basang basa.
“Marahil ay wala pa siya sa kaniyang sarili upang sumagot. Bigyan na lamang natin siya ng oras upang magpahinga.” Dinig kong sabi ng lalaking nagligtas sa'kin, Sebastian raw ang pangalan.
“Pakitawag nga ang binibining Katrina.” Anito. Naramdaman kong tumayo siya.
Nakaupo pa rin ako sa sahig at nanginginig sa sobrang lamig.
Grabe! Near to dêath experience na 'yon ah.
“Pinapatawag niyo raw ho ako, kuya?” Napunta ang tingin ko sa isang babaeng siguro ay kaedaran ko.
“Tulungan mo siya, Katrina. Pahiramin mo muna ng iyong kasuotan, ika'y bibilhan ko na lamang ng bago. Dalhin mo sa iyong silid.” Tumalikod na si Sebastian sa akin at pinatong ang tuwalya niya sa upuan.
Nakipag-tawanan pa ito sa mga lalaki at napatingin sa'kin, nanlaki ang mga mata ko nang mahuli niya akong nakatitig sa kaniya kaya dali-dali akong umiwas.
“Binibini? Halika na.” Kibo sa'kin nung babae.
Napatango ako at inalalayan niya akong tumayo.
Napatingin ako sa suot ko.
Ba! Yung damit ko pa rin kanina ang suot-suot ko.
Habang naglalakad ay kitang-kita ko ang tingin ng mga tao. Nagtataka sila habang tinitignan ako pero mas nagtataka rin ako sa mga kasuotan nila.
Ano 'to? Party tapos yung theme old Filipino culture? Mga naka baro't saya ang mga babae tapos barong naman sa kalalakihan.
Pati pananalita kinareer eh.
“Binibini, ano ba ang nangyari sa'yo?” Tanong nito nang makapasok kasi sa kwarto niya na siguro.
“Mainit ang iyong pagdating dito, sabi pa nila ay ikaw daw ay bukod tangi dahil ang kuya Sebastian ko pa ang tumalon sa dagat upang iligtas ka.” Malumanay niyang usal. Napakunot noo ako.
Kaming dalawa na lang magkasama pero makata pa rin siya magsalita?
“Uhm you can speak casually na, tayong dalawa na lang din naman ang magkasama eh.” Kumunot din ang noo niya.
“Binibini, ano ang iyong ibig sabihin? Paumanhin ngunit hindi ako nakakaunawa ng salitang iyong tinuran sa umpisa, ang lenggwaheng Ingles.” Napanganga ako sa sinabi niya.
Napakurap ako ng ilang beses habang malaya kong pinagmasdan ang paligid.
Old stuffs. Big old frame. Lampara. Walang aircon, walang electric fan.
Napahawak ako sa bibig ko at nanlalaki ang mga matang napatingin kay Katrina.
“Nasa nakaraan ako?!” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Mabilis akong lumapit sa salamin na nakita ko.
Kasi baka may nagbago sa itsura ko 'di ba? Malay ko ba!
Humarap ako sa salamin pero itsura ko pa rin ang nakita ko kaya napahinga ako. Walang nagbago sa akin.
“Anong taon 'to???” Aligaga kong tanong at hinawakan si Katrina sa kamay. Naguguluhan naman itong nakatingin sa'kin.
I know, mukha akong tàngâ sa paningin niya o parang nababaliw na.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...