Matapos ang magulong kainan ay nagsipagkanya kanya na ang lahat. Maliban kay Siargao na pinatawag sa aklatan ng hari.
Hindi na sumama si Calix dahil kailangan na din niyang umuwi at ipaalis ang restriction. Sumama sa kanya si Siff na kasama si Alexis. Ganun din si Via at Blake na umalis na din.
Natira nalang sa palasyo sina Hali, Ysay at ang kambal.
Pagpasok ni Siargao sa aklatan ay nandoon na ang hari, at ang lola at lolo niya.
Nakangiting pinapasok ito ni Haring Siervo at pinaupo naman sya ni haring Haris sa tabi niya.
"Pasensya na Siargao kung pinatawag kita dito. I know you still don't know a lot about us. And you feel uncomfortable for everything so we want to tell you everything."
Kinagat ni Siargao ang dila at pilit na ngumiti. May masamang pangitain sya.
"Apo alam ko nagtataka ka kung bakit ang isang hari na tulad ko ay nag asawa ng isang alchemist. Your lola and I met when I was ambushed at the west, she was the only royal Princess of the west that time. And she helped me." Kwento ni Haring haris na nakahawak sa kamay ng Reyna.
"We fell in love while he was staying at my place and had a child. That's your mom. Phoenixes had their own rule, if their child especially girls have the inheritance of the phoenixes they must marry a dragon or an emperor beast. And the emperor beast must be the priority. Your mom, we thought she got no inheritance because she was born from me, a human. And so we didn't took it seriously and your father brought me here. And we had your tito Siervo. So as your other uncles." Patuloy ni reyna Srikana.
"But something unexpected happened. Your mom, we found out that she is a holy lady. But it's too late. She is carrying you already. We didn't know who is your father and we can't bear to throw you away. But your mom being a holy lady was already spread out to the whole north continent and the Vazco clan of emperor beast wants their crown prince to marry your mother. We are yet to make solutions when your father came and took the both of you forcefully. We didn't know the man but he had the aura of a devil and have an army of demons."
Kwento ni Haring haris.
Akala niya noon habang buhay ng mawawala ang ng iisa niyang anak na babae pero hindi niya inakala na may mas nakakatakot pang nangyare.
"One year later we had a clue on where you and Sierra are. We did everything to go there, to the demon continent. But we are startled to see that the whole demon continent was in chaos."
Bumuntong hininga si Srikana at inalala ang naabutan noon.
"Nalaman ng buong demon realm ang tungkol sayo. Devils are like the emperor beast. Parehas silang hirap mag produce ng mga descendants, knowing your existence having different bloods, gusto ka nilang makuha. Your mom won't allow it so as your mysterious father. And from all we know you, your mom, and your mysterious father all went missing.''
"Apo we did everything to find you all these years pero parang may pumipigil sa amin until a year ago. We found your traces. I sent Zeke(Calix) and Blake to take this mission while we are looking for your mom all around the world." Kita ni Siargao ang lungkot sa mata ng dalawang matanda. Gusto niya sanang sabihin na nasa paligid lang ang nanay niya pero ng maalala ang sinabi nito noon kaya sya hindi makatagal sa isang lugar, nagbago ang isip niya.
"Thank you for telling me lolo, lola and tito." Paalam ni Siargao bago umalis ng tuluyan.
Malungkot na inihatid ng tingin ng tatlo si Siargao. Naaawa sila sa kanya, lumaki ito sa piling ng ibang tao. Ni hindi nila alam kung anong karanasan nito sa paglaki.
Gayunpaman, kapiling na nila si Siargao. Hindi pa huli ang lahat. Ipaparamdam nila ang mga bagay na dapat naramdaman nito noon pa man. At ibibigay nila ang nararapat para sa kanya.
Paglabas ni Siargao sa silid ay hindi sya nag diretso sa kwarto niya kundi sa bubong ng palasyo. Gumamit sya ng flying talisman para makarating dito.
Umupo sya sa bubong at naglabas ng alak na matagal ng naka imbak sa storage ring niya na iinumin sana nila ni Ysay noon.
"Ravenna, Kalil, Atsui labas."
May tatlong liwanag ang nabuo at naging sina Ravenna, Kalil at Atsui.
Pagkalabas na pagkalabas ni Atsui ay kumalong agad sya kay Siargao at naglambing.
Hinaplos haplos naman ito ni Siargao pero nasa iba ang atensyon bito.
"Kalil, bakit ako?"
Natuod bigla si Kalil sa kinatatayuan niya.
Bumuntong hininga lang si Kalil bago naupo. Alm niyang hindi bobo ang batang ito at balang araw ay dapat syang umamin dito pero hindi niya inakala na ngayon na ang araw na iyon.
"Fifteen years ago. Bata ka pa noon wari ko mga apat o tatlong taon. Kaibigan ko noon ang lolo mo. Lagi akong bumibisita sa inyo para makipaglaro ng chess sa lolo mo at lagi kaming gumagawa ng mga bagay na ibebenta. 5 years ago nagpunta kayo sa bundok ko kaso wala ako kaya naghintay kayo. Naalis ang balabal mo noon at lumabas ang tunay mong anyo. Hindi nagtagal ay may mga demons na dumating balak kang kunin pero papayag ba ang lolo mo syempre hindi. Kaya nakatakas kayo at ang huli ay 2 years ago. Alam ng lolo mo na balang araw iiwan ka niya. Kaya binilinan niya ako na kung maaari ay makipagkontrata ako sa iyo. Malaki ang utang na loob ko sa lolo mo dahil sya, sya ang nagbigay ng pangalawang buhay ko. Walang pag aalinlangan akong pumayag noon. Pero ng mamatay ang lolo mo nagka back slash ako sa paglilinang, at iyon nakulong ako sa kweba. Nang makita kita na pumasok sa treasure ground nagkaroon ulit ako ng pag asa na matupad ang bilin ni tandang Hulo. At nang maatake ka, ako ang nag utos sa snow giant wolf para iligtas ka. Iyon ang kinasawi ng nanay ni Atsui. "
May isang luha ang pumatak sa mata ni Siargao at nanlambot sya pero parang wala lang kay Atsui ang lahat, umungol pa ito at tila inaayo si Siargao na wala syang kasalanan.
Lalo lang nanlambot si Siargao. Ang lolo niya tapos ng nanay ni Atsui.
"Pinili ko ang sacrifice bond dahil, dahil ayaw kong biguin si Hulo. Muntik ko ng hindi matupad ang hiling niya at gusto ko maprotektahan kita hanggang sa dulo. Ang tungkol sa pag subok, oo sinadya ko iyon. Nang makapasok ka sa kweba ay hinalungkat ko na ang isip mo at nakita ko ang ala alang iyon. Nakaselyo iyon pero mahalaga iyon para sayo. Alam kong hindi ka matatahimik pag nalaman mo ang tungkol doon pero mas hindi ka matatahimik pag nalaman mo ang katotohanan pag huli na. Isa pa, dahil sa back slash ay nakulong ako sa kweba. At isang paraan para makalabas ako ay magkaroon ng bond. Pasensya na kung tinago ko sayo."
Nilaklak ni Siargao ang isang bote ng alak at naglabas muli.
"Ako ang dahilan kaya namatay si lolo gayundin kung bakit isa nang ulila si Atsui-"
"Siargao hindi iyan ang gusto kong iparating-"
"Awoo-"
"Ikaw Ravenna kailan ka naman aamin sa akin?"
****
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...