Pagbalik sa akademya, ipinaubaya na sa mga elders ang pag uulat ukol sa misyon ng mga elites. Pinagpahinga ang lahat ng mga elites at pinauwe ang lahat ng estudyante bilang saglit na bakasyon. Inaasahan na magbabalik ang lahat pagkatapos ng kasal ng gat Denzel ng sekta ng mga mandirigma.
Lahat ng estudyante ng akademya ay imbitado sa nasabing pagdiriwang.
Matapos magpaalam kay Elder Myrr at sa ibang kasamahan ay handa ng bumaba si Siargao ng bundok. Pero bago sya bumaba ay hinanap niya muna ang anino ni Calix. Pero bigo syang makita ito.
Mula noong galing sila sa misyon ay parang iniiwasan nanaman sya ng binata. Naikwento na ni ravenna ang tungkol sa pagtulong nito sakanya, gusto niyang magpasalamat dito pero hindi pa sya dinadalaw nito.
Dismayadong sinakyan niya ang raven sword at lumipad pababa.
Hindi na sekreto ang kaalaman niya sa paggamit ng espada dahil nakita na ito ng lahat noong unang atake pa lamang ng mga living corpses.
Bagamat kalat na sa buong akademya na marunong gumamit ng espada si Siargao, humahanga parin ang mga nakakakita sakanya.
Mas nakakahanga sana kung may itsura ito na kayang bumighani.
Nang makababa na sa bundok si Siargao ay sinalubong sya ng kuya at ate niya na nakatayo at nakikipag usap sa iba nilang kasamahang mandirigma.
Napansin siya ng isa sa mga ito at tinuro sya. Humarap sina Heter at Heder sakanya at kumaway.
"Kuya, ate"
"Sige una na kami magkita na lamang tayo sa kasalan. Ingat kayo sa biyahe" paalam ng tumuro kay Siargao kanina. Tinanguan niya si Siargao na binalikan din ng tango ni Siargao.
"Siargao nauna na sina Akhil. Rason nila magagabihan sila pag hinintay pa tayo."
"okay lang kuya, basta may sasakyan tayo"
Yinakap ni Heder ang braso ni Siargao at hinila ito.
"Wala sana dahil sa magaling mong ate pero buti nalang may mabuting loob na handang ihatid tayo. Tara bilis kanina pa sya naghihintay!"
Napaismid na lamang si Heter pero sumunod din ito. Nagtataka man ay nagpahila parin si Siargao.
Nang tumigil si Heder ay bumungad kay Siargao ang pamilyar na karwahe.
Parang nakita na niya dati ang karwaheng ito?
Hindi na nakapag isip pa si Siargao ng may nagbukas ng kurtina sa bintana.
Calix!
Walang emosyon itong nakatingin sa kanila bago umiwas ng tingin.
"Gagabihin tayo kung mananatili kayong nakatayo diyan."
Ani ng binata bago binitawan ang kurtina.
Muling umismid si Heter bago unang sumakay.
Tumatawang sumunod naman si Heder habang pinagmamadali si Siargao na naguguluhan.
Oo, naguguluhan sya kung bakit ang bilis ng tibok ng puso niya. Para bang may karera sa loob?
Kinalma ni Siargao ang sarili bago humakbang pataas.
Pagpasok niya ay may dalawang bakanteng upuan.
Ang tabi ni Heter at ang tabi ni Calix.
Hindi alam ni Siargao kung bakit naguguluhan sya kung saan uupo eh sa nanlilisik na mata palang ni Heter ay dapat piliin na niya ang tabi nito.
Pero pinipigilan sya ng nakapikit na si Calix. Oo, tama walang ginagawa si Calix pero parang tinatawag sya nitong doon maupo sa tabi niya.
Muling kinalma ni Siargao ang sarili at akmang uupo sa tabi ni Heter.
BINABASA MO ANG
✅Ma-I World: The Zenless Ruler (bxb)
FantasySimula pagkabata ay nakatatak na sakanya na wala siyang mararating dahil isa lamang siyang Zenless. Siya si Siargao Balaraw ang isang binatang maagang namulat sa kapangahasan ng mundo ng mahika. Isang zenless na haharap sa mundo kung saan kapangyar...